"Opo, ipapaalam ko po sa 'yo kapag nakauwi na siya." Tugon ko.

"Ang Kuya mong 'yon, palagi ko nalang na hindi naabutan! Humanda talaga 'yon sakin kapag nag-abot kami. Nagpapakita lang kapag naubos na ang allowance eh!" Iritang sabi ni Ate Annika. "Aalis na 'ko, Alexa. Mag-iingat ka rito. I-lock mo ang mga pinto at bintana. Hayaan mo, icha-chat ko rin ang Kuya mo na umuwi na para may kasama ka rito sa bahay."

"Okay lang, Ate. Kaya ko naman na ang sarili ko."

"Hindi, babygirl kapa rin namin. Mas mabuti na ang mag-ingat..." Ani Ate.

Kinilabutan ako bigla. They still really see me as a kid! Isa sa mga dahilan kung bakit nagdadalawang-isip din noon si Mama na iwan kami para magtrabaho sa ibang bansa. Masyado nila akong binibaby eh malaki naman na ako. Kaya ko na ang sarili ko!

Kaya ko na nga ring gumawa ng baby eh!

Kahit nakaalis na si Ate ay hindi pa rin talaga ako dinadalaw ng antok. Kaya naman ay naisipan ko na lamang na magcellphone muna saglit at magscroll sa mga social media accounts ko.

As usual, maraming na naman ulit akong mga unread notifications and messages na iniignore ko lang. Mga hindi naman kasi importante ang mga 'yon. Isa pa, for school purposes lang naman lahat ng accounts ko. Walang magkaka-interest na ihack kasi boring at minsan inaamag na lang sa tagal kong mag-online ulit.

Nakita ko pa nga sa messenger ko na nag-aaya ang iba naming pinsan sa group chat namin na mag-inuman. Ewan ko lang kung G sina Ate. Kapag pupunta sila, pupunta ako. Nakagawian na rin kasi naming magpipinsan ang mag-inuman, ilang barangay lang naman ang distansya ng mga bahay namin. Patikim-tikim lang din naman ang akin, mas target ko pa rin ang pulutan sa inuman.

I was about to logged out when there's a new message popped up. Sa group chat namin sa subject na FABM pa talaga.

Sabrina M. Costillejo:

Good evening, @everyone. I will not be around tomorrow because I filed a sick leave. But I already asked someone who will give you a quiz tomorrow, so study the PPT that I sent here in gc. Class President, please facilitate the classroom while I'm not around. Thank you.

Shet. Quiz na naman.

Kung gano'n ay wala bukas si Mrs. Costillejo. Sino kaya ang magpapa-quiz sa 'min bukas? It must be her co-teachers or...

Si Cedric kaya?

Gusto kong kutusan ang sarili sa naisip. Hindi naman siguro! Masyadong malabo. Kahit anak pa siya ni Ma'am ay hindi naman siguro siya uutusan ng Ginang na siya muna ang humalili sa kanya bukas. Maaring may klase rin siya bukas. Tama!

Ilang saglit ko pang tinitigan ang message ni Mrs. Costillejo na kaagad umani ng react mula sa mga kaklase kong paniguradong nabasa na rin ang mensahe ng guro namin sa mga oras na ito. Nagreply pa nga ang iba na sana gumaling daw kaagad si Ma'am.

Out of curiosity, I suddenly want to view our teacher's profile. Her facebook account to be exact. Sisilip lang naman. May titingnan lang saglit.

I even hesitate at first but my curiosity wins. Mas nanaig ang pagiging kuryuso ko na tingnan ang timeline niya at baka may mga post siya.

Na hindi naman ako nagkamali. Dahil isang scroll ko pa lang pababa sa timeline ng teacher namin ay nahanap ko kaagad ang puntirya ko. Nakapublic ang account niya.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now