Betty and I we're used to be classmates since junior highschool kaya medyo close nga rin kami at magkakilala na. Hindi ko na kailangang maging trying hard na makipagkaibigan sa mga bago naming kaklase dahil may iilan naman akong matagal ko ng kilala sa kanila.

"OMG! Same! Ano 'to? Friendship goal?" Aniya saka natawa pagkatapos ay isinukbit na ang tote bag niya sa balikat.

Napailing-iling na lamang ako sa kanya bago rin isinukbit sa balikat ang bag ko. Bago pa lang at kakapadala lang ni Mama noong bakasyon.

"Saan tayo? Sa canteen? May dala ka bang lunch? Ako kasi wala kaya pupunta pa 'ko sa canteen at baka roon na rin magla-lunch..." Pagdada ni Betty habang palabas na kami ng room at ngayo'y papunta na sa canteen. Wala rin akong dalang lunch dahil nakalimutan kong magbaon kaya bibili na lang ako.

Panay pa rin ang pagsasalita ni Betty ngunit hindi na lamang ako umimik at hinayan siya hanggang sa makarating kami sa canteen. Mabilis ko siyang hinila para makalinya kaagad lalo't unti-unti ng dumarami at tumataas ang pila dahil lunch break na rin ng ibang student at grade level sa school.

"Aray naman!" Daing ko dahil bigla akong malakas na nasubsob sa likod ng taong nasa harapan ko. Ang tigas!

"Ayos ka lang, Alexa?" Nag-aalalang tanong sa 'kin ni Betty at kaagad akong dinaluhan nang napahawak ako sa ilong ko. "Hoy! Excuse me! Magdahan-dahan naman kayo diyan sa likod! Pumila kaayo ng maayos, huwag kayong magtulakan!" Saway niya sa mga nasa likuran na paniguradong nagtutulakan na naman sa linya kaya ako nasubsob sa likod ng lalaking nasa harapan ko nakapila.

"Hindi, okay lang. Tama na, Betty. Ayos lang ako..." Mahina kong saway sa kanya dahil parang makikipag-away pa yata siya sa mga lalaking nasa likuran.

Sapu-sapo ko pa rin ang ilong ko at naluha pa nga dahil medyo masakit at malakas ang pagkasubsob ko likod ng lalaking nasa harapan ko. Nang biglang...

"Miss, I think your nose is bleeding..." Salita ng lalaking nasa harapan ko.

Hindi ko namalayang nakaharap na pala ito sa 'kin marahil sa pagkakabangga ko sa kanya kanina at dahil... sa higpit na kapit ko sa polo niya.

Pero ano raw?

"Shit! Dumudugo ang ilong mo, Alexa!" Malakas na sabi ni Betty at napamura. Bakas sa boses niya ang pagkataranta.

Shit.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat bago dahan-dahang tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakatakip sa ilong ko. Unti-unti kong nakita ang dugo na lumapat sa kamay ko mula sa ilong ko.

"Let's go to the clinic!"

Masyado pa akong gulat sa nangyari at hindi alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Basta namalayan ko na lang na tila may marahang humihila sa 'kin papunta sa kung saan habang nasa likod naman si Betty, nakasunod at ngayo'y siya na ang may dala sa bag ko.

"Oh, Cedric! Anong nangyari, hijo?"

Sa isang iglap, nasa loob na kami ng clinic sa school. Kaagad na bumungad sa 'min ang nakatokang nurse kung sakaling may mga mangyari sa school katulad ng injuries at iba pa. Mukhang lunch break pa nga nito pero kaagad kaming nilapitan para maasikaso.

"Her nose is bleeding po..." Salita ng lalaking nanghila sa 'kin papunta rito sa clinic.

Nang lingunin ko ito ay roon ko lamang siya nakilala. Ngayon ko lang napagtanto kung sino ang lalaking nakapila sa harapan ko kanina sa canteen at ang lalaking nagdala rito sa 'kin sa clinic.

Clean cut hair, thick eyebrows, almond shape eyes with brown orbs, pointed nose with some freckles around it, and thin lips. With his complete uniform and ID lace na naiiba sa 'ming mga regular student, na tanging mga SSG sa campus ang mayroon, he looks good with it.

Really, really good.

Right. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa nag-iisang Sebastian Cedric Costillejo?

A consistent honor student since elementary and just last year, he's our class valedictorian in our batch. And recently, he just won the position of President in SSG. What an academic achiever. He's also good in any sports but as far as I know, his main sports is sepak takraw. Dang, what else he can do?

Anak pa siya ng teacher sa school namin. Kaya halos ang mga teacher dito sa school ay mga ninang na rin niya yata. Pati nga siguro itong nurse na tinitingnan ako ngayon.

"Masyadong sensitive ang ilong mo. Ano bang nangyari at nanosebleed ka, hija?" Tanong sa 'kin ng nurse matapos akong masalpakan ng tissue na kakasya sa ilong ko para matigil ang pagdugo at ma-absorb ng tissue ang dugo. Nalinis na rin ang kamay ko kung saan may bakas ng dugo kanina.

"Medyo napalakas lang po ang pagkasubsob ko sa likod niya..." Sabay tingin saglit kay Cedric na ngayo'y abala sa cellphone at nakatayo sa medyo hindi kalayuan. Napatingin din sa kanya ang nurse. "Nagkatulakan kasi kanina sa canteen habang pumipila..."

Hindi na umimik ang nurse at sakto namang nakabalik na si Betty. May dala na itong pagkain para sa aming dalawa. Nagpaalam kasi ito na aalis saglit at ngayo'y may dala ng pagkain.

Nang balingan ko ulit ng tingin kung nasaan si Cedric ay nakita kong kinakausap na siya ngayon ng nurse. Napansin niya yatang may nakatingin sa kanya at saktong nagtama ang paningin naming dalawa.

Pasimple na lamang akong napaiwas ng tingin. Ilang saglit pa ay nakalapit na siya sa kinaruruonan namin ni Betty.

"Thank you nga pala, Pres! Mabuti na lang at dinala mo kaagad ang kaibigan ko rito sa clinic, nagpanic na rin talaga ako kanina at hindi alam kung anong gagawin..." Kausap at pagpapasalamat ni Betty kay Cedric. "Naku! Ang mga lalaking 'yon talaga!"

"It's okay, no need to mention it." Aniya. "I'll go ahead. It's almost time and I still have classes to attend. Don't worry, you two are excused already in your next subject. Kaya ayos lang kung malate kayo ng pasok sa afternoon class niyo at manatili muna rito sa infirmary. Section Aklan, right? From ABM..."

Tumango-tango naman si Betty habang ako ay nanatiling walang imik hanggang sa nagpaalam na at tuluyang nakaalis si Cedric.

It's almost time... Pero paano siya? Paano ang lunch niya? Hindi siya kakain?

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now