Napailing-iling na lamang ako bago tumikhim para kunin ang atensyon nilang dalawa. Mabilis ko namang nakuha ang atensyon nila at ipinaalam kay Ate na tumawag sa kanya si Mama pagkatapos ay muling bumalik sa kwarto ko para makapagpahinga na.

My Mom is an OFW. Ilang taon na rin siya sa ibang bansa nagtatrabaho para masustentuhan kaming tatlong anak niya simula noong mag-isa na lang niya kaming itinataguyod. Wala na kasi ang dapat ay haligi ng tahanan namin, sumakabilang bahay na at ayaw pa kaming sustentuhan. Pero kayang sustentuhan ang hindi naman niya anak. Mas kaya pang sustentuhan ang hindi niya kaanu-ano o kadugo.

Funny to think, siya ang padre de pamilya. Siya dapat ang bumubuhay sa 'min at nagtatrabaho para sa 'min na pamilya niya kesa si Mama. Pero nasaan siya? Nasa ibang pamilya, ipinagpalit kami. Mas ginusto pang buhayin ang mga anak ng kabit niya na hindi naman niya kadugo pero mas sinusustentuhan pa niya.

Kahit nasa ibang bansa si Mama, nanatili kaming close sa kanya. Hindi kailanman naputol ang komunikasyon namin sa kanya. Hindi rin siya nawawala sa mga importanteng ganap sa buhay namin kagaya ng pasko, new year, recognitions, graduations at iba pa.

Kapag naman nagpapadala siya ay si Ate ang nagke-claim at siya rin ang nagma-manage ng pera kung saan gagastuhin at kung paano titipirin hanggang sa makaabot pa sa sunod na padala ni Mama.

Kaya gano'n na lang din siguro ang panenermon ni Ate kanina kay Kuya Rai. Medyo malaki rin kasi ang allowance na binibigay niya sa 'min at halos pang isang buwan na sana tapos ginastos lang ni Kuya Rai na parang anak ni Henry Sy. Plano na kasi ni Ate na pauwiin at hindi na pagtrabahuin si Mama sa mga susunod na taon lalo't graduating na rin naman siya this year sa kursong BS Accountancy. Tapos si Kuya, nagpapabigat pa. Ayaw makinig.

Alam naming tatlo na mahirap ang buhay. Kaya nga kahit tutol kami noon kay Mama na magtrabaho sa abroad ay wala na kaming nagawa dahil desidido na siyang magtrabaho sa ibang bansa para sa 'min. Bawat OFW na napapabalita dahil sa hindi magandang sinapit sa ibang bansa dahil sa employer nila, ay kalakip naman ng labis na pag-aalala namin para kay Mama na nagtatrabaho sa abroad.

Sa mundong 'to, hindi madaling mabuhay. Kapag wala kang pera, wala ka rin. Hindi ka mabubuhay ng matagal kung wala kang diskarte sa buhay.

Kaya kahit mahirap at alanganin, handang magsakrispisyo ang mga magulang para mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak nila. Nakikipagsapalaran sila sa ibang bansa kalakip ng malaking sweldo na maisusustento nila sa mga pamilya nila. Kahit na kalakip din niyon ay paghihirap at panganib para sa kanila...

Itlog. Nakakahiya!

Napakamot na lamang ako sa ulo ko. Ganito ba talaga sa senior highschool? Puro itlog? Or ako lang?

Some of my classmates, nakukuha naman ang lessons namin. Ako rin naman nakukuha ko 'yong ibang lessons sa ibang subject. Pero ba't pagdating sa GenMath at FABM1 ang bobo ko? Hindi ko gets!

"Uy, Alexa! Okay ka lang? Ilan score mo sa quiz?" Tanong ni Betty, katabi ko ito. Pareho na kami ngayong nagliligpit ng mga gamit namin dahil kakatapos lang ng klase namin sa GenMath at lunch break na.

"Ayos lang, itlog na naman..." Sagot ko saka bumuntong hininga.

Nakakahiya! Paano na lang kapag nalaman 'to ni Mama? Hindi naman sa magagalit siya pero nakakahiya. Nagtatrabaho siya sa ibang bansa para mabigyan kami ng magandang buhay tapos itlog ang ibibigay ko sa kanyang score? Kapag nagpatuloy 'to, baka itlog din ang ilagay ng teacher namin sa card ko.

Napasinghap naman si Betty. "Hala! Seryoso? Itlog? As in zero?" Eksaherada niyang saad.

"Oo nga! Kailangan ko pa bang ulitin?" Pinandilatan ko siya ng mata.

Out of Script [ONGOING]Where stories live. Discover now