OWNED BY HIM : XAVIEL ANDERSON #8:

Magsimula sa umpisa
                                    

Napalunok ako kasabay ng paglunok niya. Kitang kita ko kung paano magtaas baba ang kanyang adam's apple. Malikot man ang kanyang mga mata ay alam ko kung saan iyon napapatingin. Sa mga mata ko at sa mhga labi ko.

Napapikit na naman ako ng damahin ng hinlalaki niya at masuyo iyong gumagalaw sa ibabaw ng labi ko.

"But don't give me that look, my Xaviel. Alam mo kung paano ako pinapahina ng mga tingin mong iyan." paos ang boses na saad niya. "At kung paano ako nagtitimpi na huwag kang halikan."

Napalunok na naman ako. Ang paos at nanginginig niyang tinig ay may kung anong damdaming nabuhay sa akin. Ang lalalim ng paghinga niya.

"What are you?"

"You're driving me crazy me crazy," hinihingal niyang saad na para naman siyang tumakbo ng milya milyang layo. Idinikit ang nuo sa nuo ko. Ang ilong sa ilong ko. "Huwag mo akong pahirapan ng ganito."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Wala naman akong alam na ginawa para magkaganito siya. Para siyang aatakihin sa puso sa paraan ng paghinga niya.

"My Xaviel." bulong niya sa pangalan ko. Tanging naging sagot ko ay ang pagtango ko na siyang naging daan para tawirin ang kakaunting pagitan ng mga labi namin.

Mas bumigat ang mga talukap ng mga mata ko daan para mapapikit na naman ako at damahin ang naging paghalik niya.

Magaan, nanantiya ba kung tututol ako sa naging kilos niya. Pero.. hindi ko mapaglinlangan ang sarili ko dahil nagustuhan ko ang kagaanan ng bawat paggalaw ng labi niya sa labi ko. Ang halikan ako ng ganito ay nagparamdam sa akin ang pagiingat. Na pakiramdam ko sa sarili ko na para akong babasaging baso na ayaw niyang mabasag.

"Uhmm." sa paghalik niya sa akin ay mas bumugat ang paghinga niya. Mas hiningal siya habang patuloy sa pagdampi ng labi niya sa akin. "Push me while I can still control myself."

Pero wala akong naging hakbang para itulak siya bagkos kusang kumilos ang mga kamay ko at humawak sa batok niya. "Why should I?" sagot ko na naging daan para muli niya akong halikan. Halik na agad kung tinugon ng walang pag aalinlangan.

Bakit nga ba hindi ko subukan kung nakikita ko naman na sinsero siya sa pagpapakita ng motibo sa akin.

Kahit na sa kaunting panahon lang na nakilala ko siya ay hindi ko siya nakitaan ng pagpapanggap kaya para saan pa para hindi siya bigyan ng pagkakataon. Hindi ko malalaman kung magki-click ba kung hindi ko susubukan.

"My Xaviel." muli niyang daing sa pangalan ko ng maghiwalay ang mga labi namin. Ikinulong ang pisngi ko sa mga palad niya't dinampian ng halik ang tungki ng ilong ko ng paulit ulit.

Sa ginagawa niyang iyon ay napapapikit na lang ako. May kung anong kiliti ang kumalat sa bawat himaymay ng ugat ko.

"Hmmm." di ko mapigilang daing lalo nat nagsitayuan ang mga balahibo ko sa buong katawan. Kiliti na ngayon ko lang naramdaman.

Ang isang kamay na nakahaplos sa pisngi ko ay kumilos at lumipat iyon sa paghapit sa baywang ko dahilan para tuluyang magkadikit ang katwan namin Na kahit hangin ay hindi makakadaan sa pagkakadikit.

Isa na namang malalim na paghinga ang pinakawalan niya. Halatang pinipigilan niya ang paghinga na nagpapahirap sa kanya.

Napangiti ako, his not that young to feel like he is kissing his first love. Pang gusto ko tuloy isipin na papailalim siya sa akin pero alam kong hindi mangyayari iyon. Oo nga at siya ang mas bata sa aming dalawa pero sa tindig at porma nagpapakita lang na siya ang nakakataas sa amin sa ganung bagay.

Kung sa ibang tao siguro ay masasabi kong ako ang magle-lead ng isang realsyon pero sa aming dalawa, Oo, tanggap ko na dahil na din sa kalagayan ko.

Napakurap at napapikit akong muli ng dampian ng halik ang labi ko. Sucking my lower lips like he is not going to let it go.

✅Owned By Him: XAVIEL ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon