CHAPTER 21

14 12 6
                                    

CHAPTER 21

***

*Knock.. Knock.. *

Mahihinang katok ang gumising sakin, napakunot ang noo ko ng makita ang oras 4:00 AM pa lang ng umaga at kung si inay ang nasa labas ng pinto bakit ayaw niya pa pumasok? Na i-lock ko ba yung pinto kagabi?

Patuloy lang ang pag katok kaya bumangon na ako kahit labag sa kalooban ko. Ako lang ba yung naiinis pag nauna pa na bumangon bago tumunog yung alarm sa phone?

"Good morning!" bungad ni Ryden. Bigla ko tuloy naisara yung pinto at mabilis na pumunta sa harap ng salamin para tignan ang itsura ko, inayos ko agad ang buhok ko, nag suot ng bra, nag hilamos at nag toothbrush. Ano ba naman kasi ang ginagawa niya dito?

Binuksan ko ulit ang pinto ng makuntento na ko sa itsura ko. "Nag ayos ka pa talaga para sakin, gusto pa din naman kita kahit bagong gising ka." sabay abot niya sakin ng food.

"Ano ginagawa mo dito? At bakit ang aga mo? Paano ka nakapasok? At ano to?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Ano yan? Breakfast kung hindi mo alam food yan. Ano ginagawa ko dito? Nag dala ng food para breakfast date at iintayin ka kasi sabay tayong pupunta sa clinic niyo. Paano ako nakapasok? Nag doorbell ako binuksan ni Inay. May tanong ka pa?" sambit naman niya, umiling na lang ako kasi hindi ako makapaniwala na andito siya ng gantong oras.

"Ang aga mo naman sumundo?" tanong ko ulit.

"Baka kasi takasan mo ko dahil sabi mo kahapon ayaw mo sumabay, para sigurado na inagahan ko na. Sige na mag ayos ka na,  tutulog lang ako konti." sabay higa niya sa kama ko na kinagulat ko. Aba! Masyado ata siyang at home ngayon ah, pero okay lang komportable naman ako sa kanya hindi kagaya sa iba.

Tinatamad na pumasok ako sa bathroom para mag ayos na. Ayoko naman na pag intayin siya ng matagal sa kabila ng effort niya. Kung andito na siya ng 4 AM anong oras na lang siya gumising hindi ba? Tapos siya pa ang mag drive mamaya.

Natapos na ko mag ayos at naabutan ko pa siyang mahimbing ang tulog #SanaAll. Tinapik tapik ko na siya para bumangon na siya, sasapakin ko na sana kung hindi pa niya minulat ang mata niya e. "Hi future girlfriend!" sabay ngiti na nakakatunaw sa puso kong nilamig ng ilang taon.

"Hindi ka sure!" sagot ko naman sa malambing niyang bati.

"Ako? Sure ako. Ikaw? Kelan ka magiging sure sa nararamdaman mo?" he seriously asked.

Saan ba kumuha ng lakas ng loob to! Nasasabi na niya yung mga ganyang bagay e dati kapag niloloko ko siya na gusto niya ko o crush niya ko e nahihiya na siya at hindi makatingin sa mata ko pero ngayon! Argghhh! Ryden! Nakakainis ka!

"Dami mo tanong! Kumain na nga tayo. Luto mo ba to?" balewala naman sa kanya ang hindi ko pag sagot sa tanong niya at inilabas ang dala niyang food kanina.

Natapos kami mag breakfast at nag kwentuhan lang kami tungkol sa past naming dalawa pero hindi naman deep like pinagusapan namin kung paano kami nag cutting nung highschool, mga crushes nung mga bata pa kami at mga clubs na kinabibilangan namin sa school. Kung paano ako na guidance ng ilang beses hanggang kinuha ko ng ninong yung guidance and councillor namin sa girl scout.

Matalino pala tong isang to e isipin niyo may mga honor siya nung bata samantalang ako walang mga ganun sa sobrang tamad ko mag aral, pinanindigan ko ata yung sinasabi sakin ng magulang ko na okay lang na line of 7, na mababa grades wag lang bagsak talaga, basta maka graduate daw e. Ang galing ko diba? Naka graduate naman ako ha! BS Psychology pa ang course.

Madami kaming pag kakaiba talaga mahilig ako sumali sa ibat-ibang program dati pero siya mahiyain pero we have same sports naman.

Paalis na kami ng bahay ng maabutan namin si Inay sa kusina. "Oh Lunch niyong dalawa at itong manliligaw mo nag dala ng agahan sayang naman itong luto ko kung hindi makakain" sabay abot naman ni Ryden bago ko pa maabot.

"Salamat po!" masiglang sagot naman ni Ryden na tuwang tuwa talaga at naalala din daw siya ni Inay.

"Alis na po kami Inay. Matulog pa kayo at ang aga pa." pag pa paalam ko kay Inay.

"Gusto ako ng lola mo para sayo, alam mo okay din pamilya mo yung sa ex ko kasi matagal bago nila kami matanggap pero yung pamilya mo hindi pa ko officially nanliligaw dati feeling ko boto na sila sakin! Ikaw kelan mo ipapakita ang pag-ibig mo sakin?"

"Ah kelan? Pag nakakatakbo na ng mabilis yung pagong." sabay irap ko sa kanya ang dami sinasabi, sinali pa ex sa usapan hindi ko naman tinanong.

"Pinayagan na ko ng Mama at Papa mo! Basta wag daw kita sasaktan kasi baby ka pa daw, pag sinaktan daw kita uuwi daw ang tatay mo para lang abangan ako sa labas ng bahay." pag kwento niya habang papunta kami sa parking niya.

"Nakausap ko na din sila kagabi, hindi mo man lang sinabi sakin na kakausapin mo sila."

"Ash, hindi ko na need mag paalam sayo para mag paalam sa magulang mo. Seryoso ko liligawan kita sa gusto at gusto mo." he said.

"Ha?! Sa gusto at gusto ko? Hindi ba dapat sa ayaw at gusto ko?!" weird din nito e. Nahawaan ko na ata.

"Sa gusto at gusto mo nga. Bakit mo sinabi na hanapin ko magulang mo kung hindi mo gusto hindi ba? So gusto mo. Gusto natin ang isat-isa" sabay kurot niya sa pisngi ko.

Napa-ngiti naman ako ng patago dahil sa sinabi niya. Alam ko naman sa sarili ko na gusto ko din si Ryden, ayoko lang sabihin. Word is just word kung hindi mo napapakita o napaparamdam sa isang tao na gusto mo siya.

Madali mag bitaw ng salita. Madali nga mag sabi ng I love you sa mga panahon na to kahit na wala kang nararamdaman e.

Basta ko naniniwala ako na wala tayo maitatago sa mga actions natin, kahit pilitin mong dayain ang ugali mo o kung ano man lilitaw at lilitaw pa din ang totoong kulay.

Thats why I like Ryden he never stop to amaze me every time na mag kasama kami.

"Ano iniisip mo? Kanina ka pa nakatingin sakin? Oo na pogi ako alam ko hindi mo na kelangan sabihin."

"Ha? Nakakagulat ang sinabi mo. Hindi yung nakatingin ako sayo ha kasi tinitignan talaga kita kundi sa sinabi mong pogi ka. Pogi ka?! Hindi ko alam yun ha." pag bibiro ko sa kanya, sabay taas ng kilay niya na parang ininsulto ko siya.

Nag tatalo lang kami sa byahe regarding sa pagiging pogi daw niya. He is not the artista type ng pogi. Fact, Ayoko ng mukhang artistahin na boyfriend o manliligaw masyarong hassle yun for me. Gusto ko yung normal lang.

Tapos na ko sa looks napaka teenager ng dating pag ganun pa ang inuna kong hanapin. Doon tayo sa matured mag isip at totoo.

Habang nag lalakad kami papunta sa entrance ng building ay ang pag dating naman ni Russell sa parking, halatang nawala siya sa mood nung inalis niya yung helmet niya at nakita kami ni Ryden na mag katabi habang  nag lalakad.

I need to talk to him again para wala ng gantong awkward feelings.


Unseen BattleWhere stories live. Discover now