CHAPTER 04

79 76 74
                                    

CHAPTER 04

***

Maaga ako bumangon since may meeting kami nila Engr. regarding sa design ng clinic.

May sasakyan kaya si Engr.? Tinext din ako ni Russel na sasabay siya sakin papunta sa coffee shop. Wala naman ako problema dun, atleast di ako ma bored habang nasa byahe.

Naligo na ako at nag ayos since sa clinic lang naman ang meeting na pag desisyonan namin na mag uniform na lang since Assessment Week namin para sa mga visual and hearing impaired children. Tinali ko na lang ung buhok ko sa messy bun para hindi sagabal ung buhok ko pag nag drive.

Nag timpla din ako ng ice coffee para hindi na ko dadaan sa coffee shop.

Pag labas ko ng gate nakita ko si Engr. nag aabang ata ng sasakyan. Hindi pa din pala okay yung sasakyan niya.

"Engr. pa clinic ka na ba?"

"Oo nag aabang na ko ng sasakyan."

"Aysus! Nahiya ka pa sabay kana! Punuan lagi kapag monday maaga mga college student"

"Wag na lagi na ko nakikisakay"

Infairness true naman un. Pero keri lang hindi naman ako nag bibilang.

"Edi next time ako naman makikisabay sayo para fair" nginitian ko siya para di na siya mahiya.

Sumakay na naman siya. Kala ko papapilit pa siya lalo e. Nilagay ko na lang yung bag ko sa likod para maka-upo siya ng ayos.

Hindi na ko nag bukas ng aircon hindi pa naman mainit, sayang naman.

"Mahirap ba maging Engr?"

Tanong ko kay Engr. ayoko naman na mapanis laway ko. Gusto ko din ng ka kwentuhan no. Driver na driver dating ko kung hindi niya ko kakausapin.

"Sakto lang naman"

Haba naman ng sagot. Grabe!

"Tahimik ka talaga?"

Curious lang ako. Baka sakaling mahaba na ang isasagot niya.

"Sa mga ka close ko hindi." Tumahimik na lang ako, walang patutunguhan ang usapan namin at hindi naman kami close.

"Mahirap ba maging therapist?" Tanong niya, nagulat pa ko nung siya na ang nag tanong. Kala ko kasi hindi na siya mag sasalita e. Baka gusto niya ko maging ka close?

"Oo na hindi, Masaya kasi masarap makita ang improvement ng mga bata. Hindi kasi nakakapagod din."

"Lahat naman ng trabaho nakakapagod, wala namang trabaho na madali."

Agree naman ako sa sinabi niya wala namang madaling trabaho. Lahat pag hihirapan mo. Lahat nakakapagod.

"Pero kahit naman nakakapagod okay lang sayang naman pinaghirapan natin para makakuha ng lisensya kung sa pagod lang susuko na di ba?" sagot ko sa kanya.

Yun na ata pinaka mahaba naming napag usapan.

"Engr. Daanan lang natin si Russel"

"Okay, lipat na lang ako sa likod."

"Ha? Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Boyfriend mo siya hindi ba?"

Tumawa ako bago sumagot sa kanya "Nag papatawa ka ba? Tropa ko lang yan, wala sa isip ko yan ngayon nakakapagod mag ka boyfriend. Kaya yaan mo siya sa likod"

Bumusina ako nung nakita ko si Russel na bumaba sa Jeep.

Bubuksan na sana niya ung pinto sa shotgun. Kaya binuksan ko ung bintana sa may shotgun at sinabing sa likod na lang siya umupo.

Unseen BattleWhere stories live. Discover now