CHAPTER 18

36 25 51
                                    

CHAPTER 18

***

Ilang weeks na ang nakalipas after ng Palawan, naging busy ang mga araw na naging tulong din para hindi ko isipin ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa isip ko. Hindi na din kami nakapag usap ni Ryden after ng huling usap namin sa Palawan.

Heto ako ngayon nag papakabusy sa pag gagawa ng progress report ng mga client na handle ko ng nilapitan ako ni Russel.

"Ms. Hard-working, galing ako batangas sinilip ko ung clinic. Baka next time gusto mo po sumama ang alam ko kasi tayo ang naka assign dun. Mali ba ko ng intindi?" he said.

"Ha?! Kasali ba ko?! Kala ko ikaw lang?" pambibiro ko sa kanya.

"Ha? Kasali? Saan ka sasali? Nag lalaro ba ng taguan? Habulan? O ano?" pag babalik biro niya.

Russel is back! Na miss ko yung ganto. After ng pag uusap namin ni Russel balik na kami sa dati naming treatment sa isat-isa although may pa sweet gestures paminsan-minsan pero not to the point na lumalagpas na sa boundaries.

Si Ryden ata ang nakikipag laruan ng taguan dahil parang bula na biglang nawala o baka gusto niya makipag laruan ng habulan? Pero sorry hindi na ko humahabol ngayon. Eh ano ba hahabulin ko nga pala?

Napailing na lang ako ng paulit-ulit sa mga naiisip ko. Every single time na naririnig ko ang pangalan niya automatic na nag iisip ang utak ko ng mga bagay-bagay.

"Hoy! Ano na? Earth to Ashley!" Russel call me with frustration written on his face.  "Kanina pa ko nag sasalita hindi ka naman ata nakikinig." pag papatuloy niya.

I felt guilty since ni isa ata sa sinabi niya after niya mag joke ay hindi ko na napakinggan. "Sorry, may bigla lang ako naisip. Ano ulit sabi mo?" I asked.

"Wala. Ano? Sasama ka ba bukas sa site babalik ako dun kasi may pinapadala sakin na pera si Sir Travis." nang may bigla akong naisip sa sinabi ni Russel.

"Ako na lang mag bigay! Hindi ba sabi ko sayo kapit bahay lang namin siya. Para hindi na tayo hassle sa pag punta." I immediately offer.

Nakita ko ang pag tataka sa mukha niya at mabilis din na napalitan ng lungkot ng parang may na buo siyang conclusion sa isip niya. Napaiwas tuloy ako ng tingin at nakaramdam na naman ako ng awkwardness.

"Kung gusto mo lang naman pero we can still go together if need mo talaga pumunta dun para makita ko na din progress." dagdag ko para mawala yung bumabalot na kung ano mang emotion ang nararamdaman niya.

"Hindi. Ikaw na lang mag bigay." he smiled and walked away from me.

Nag mukha ba na ayaw ko siya makasama? O ano? Gusto ko lang naman malaman kung ano na ganap ni Ryden, kung buhay pa ba siya o nilamon na ng lupa? Ni hi, hello wala ako nakuha bigla na nga lang siya nawala sa airport hindi man lang ako naalala isabay.

Natapos ang isang buong araw na malungkot si Russel at parang nag tatampo kaya naman nilapitan ko siya para mag sorry ulit sa kung ano man nasabi ko. "Rus, galit ka ba? Kung oo, sorry." he look at me and I saw how fast na nag melt yung sadness niya. "Hindi ako galit Ashley, hindi ko kaya magalit sayo." he seriously said.

I know na deep inside Russel is hurting dahil sa hindi ko maibalik yung pagmamahal at care na binibigay niya sakin at kahit ilang beses ko sabihin sa kanya na kalimutan na niya ang nararamdaman niya para sakin alam ko sa sarili ko na hindi ganun kadali yun, nasubukan ko na din. Kahit gustuhin man natin na pag gising natin wala na yung pakiramdam na yun at maka move-on hindi yun ganun kadali. Kaya sino ako para hingin sa kanya yun ng paulit-ulit?

Unseen BattleWhere stories live. Discover now