CHAPTER 08

66 63 64
                                    

CHAPTER 08

***

Bakit kaya tumatawag to. Kakauwe lang natawag na agad.

"Oh, bakit miss mo ko agad?"

"Punta ka sa balcony ng kwarto mo."

"Ano meron?"

"Pumunta ka na lang Ash, dami tanong?"

Pumunta na lang ako sa balcony. Dun ko lang napansin na mag ka tapat lang pala yung kwarto namin.

"Oh ano meron? Pinapakita mo na mag ka tapat lang kwarto natin? Tapos sasabihin mo tinadhana tayo? Ayieeee" Pambibiro ko sa kanya.

Binaba niya yung call after nun. Kaya tinignan ko lang siya ng puno ng pag tataka, baka napikon e.

"Good night Ash! Thank you for today. I had a great time."

Sigaw niya na sapat lang para marinig ko at dali-dali siya pumasok sa kwarto niya at sinarhan ang pinto ng balcony niya pati ang blinds niya.

Habang ako naiwan dito ng nakakanganga at hindi man lang niya inintay ang sagot ko. Weird din nitong lalaki na to e.

Nag stay pa ko sa balcony. I watch the star's shinning so brightly. I wish heaven has a visiting hours.

Hindi ko na napansin na lumuluha na pala 'ko, ang tagal na nun pero yung sakit hindi na babawasan. I feel like na meron sa puso ko na hindi na mapupunan.

I just sat there for a few more minutes before I go to sleep.

Ang aga ko nagising ngayon at nakaramdam agad ako ng lungkot, pakiramdam ko ayoko bumangon. Pumapatak na naman ang luha ko sa hindi ko alam na dahilan.

It is one of those days na parang wala akong buhay.

Pumunta na agad ako sa CR para maligo pero napatigil ako ng makita ko ang sarili ko sa salamin. I don't like that girl in the mirror. She's weak. I hate her.

Nag ayos na ko at pinabayaan na lang ang nararamdaman. Kaya ayoko ng masyado akong masaya. Everytime na nagiging masaya 'ko kasunod nun ang matinding lungkot.

Parang my feelings say na I don't deserve to be happy after ng mga masasamang nangyari.

I'm just wearing my uniform at hinayaan ko lang na naka bagsak ang buhok ko. Wala akong gana na mag ayos ngayon.

Nag paalam na ko kay Inay na papasok na hindi na din ako kumain ng breakfast dahil wala akong gana.

I just grab my keys at hinayaang madama ang hangin. Hinihintay na mapawi din ang nararamdaman.

Mabilis akong nakapunta agad sa clinic. Bukas na yun pag dating ko. I saw Russel nakatingin lang siya sa malayo at hindi napapansin ang presensya ko.

Umupo lang ako sa may working area ko, wala ako plano na mapansin niya. I know my mind is somewhere else.

"Ash, okay ka lang?" bumalik lang ako sa katinuan nung may tumatapik na sakin. It's Russel. Tumingin lang ako sa kanya at lumalabo na ang mga mata dahil sa nag babadyang luha.

Eto na naman tong mga luha na to na bigla na lang pumapatak at hindi ko man lang malaman ang dahilan. Bigla niya ko hinila palapit sa kanya at niyakap.

"Hush..ilabas mo lang lahat. Andito lang ako. You have my shoulder to cry on."

I just cry my heart out to Russel. Hanggang sa maubos na yung luha ko. After nun umalis ako sa pag yakap niya.

"Thanks Russel."

He didn't even bother to ask kung ano ang iniiyakan ko. Nanatili lang siya at sapat na yun.

Unseen BattleWhere stories live. Discover now