CHAPTER 10

54 56 71
                                    

CHAPTER 10

***

I'm just fixing my things since maaga yung flight namin bukas. Kelangan 4:00 AM nakaalis na ko dito, sabi din naman ni Sir Travis may mag hahatid sakin sa Airport hindi naman sinabi kung sino.

Since Saturday naman ngayon plano ko sana mag jogging kaso wala ako kasama, baka sakali lang na bigla ako mag ka abs.

Tumambay lang ako sa balcony ng makita ko si Ryden na may kausap sa phone, mukhang kinikilig kilig pa tong lalaki na to.

Nakita niya ako nakatingin kaya kumaway na lang ako. Binaba din naman niya agad yung phone niya.

"Bat para kang babae na pangiti-ngiti pag kinikilig?" sigaw ko sa kanya, sapat lang para marinig niya.

"Ako kinikilig? Asa. Hindi ah."

"Asus! Sana all makahanap na ng bago."

"Anong bago?"

"Bagong mamahalin." sagot ko naman sa kanya.

"Wala nga mahanap e, may mga nakakausap pero hindi nag tatagal." parang may hugot pa nga tong si kuya mo Ryden.

"Hindi yan hinahanap Ryden, bigla na lang dadating yan. Mararamdaman mo na lang na siya na pala. Basta 'ko I'm praying for the one."

I'm praying because I know there is a man who is made just for me. The one who will accept and love me for who I am kahit na yung dark past ko pa. Isang lalaki na mahal na mahal ang magulang niya. A guy who will love my parents as his own. Yung lalaki na hindi ako nakikita bilang pansamantala o pampalipas oras lang. A man who will meet me at the end of the altar.

Nakatingin lang sakin si Ryden na parang binabasa niya yung thoughts ko but he couldn't.

"Jogging tayo! Hanggang court, para maikot mo din yung baranggay." pag-invite ko kay Ryden, mukhang wala din naman siya gagawin e.

Nag agree naman siya, kaya nag bihis na lang din ako. I'm just wearing a grey t-shirt paired with black dri-fit short and white rubber shoes. I just tie my hair in high pony tail.

Lalabas na sana ko pero nakita ko si Ryden na nakikipag kwentuhan pa kay Gab. Kaya dun na lang ako pumunta.

"Gab mamaya kana. Tara na ui!"

"Mag jogging pants ka na lang o leggings."

Pinag papalit na naman ako, lagi na lang talaga. Maalam pa sa style ko.

"Tara na! Nakabihis na ko e papalit pa."

Inis siyang tumayo at di na ko inintay pa. Daig talaga nito ang babae e. Mas babae pa to mag react kesa sakin.

"Ui meron ka ba? Ang moody mo talaga! Wag kana mainis dyan. Kaya ang bilis ng tibok ng puso mo kasi lagi ka ata naiinis."

"Normal naman tibok ng puso ko a. Regular ako mag exercise. Ikaw ngayon lang ata"

"Eh bat nung niyakap mo ko ang bilis ng tibok ng puso mo? Kinabahan ka? First time yumakap?"

Hindi niya ko sinagot at tumakbo na lang. Jogging sabi ko hindi takbo. Hinayaan ko na lang siya at nag jogging mag isa.

Nakakita naman ako ng naka tigil na aso kaya tumigil ako sa pag jogging. Napansin din ata ni Ryden na tumigil ako kaya bumalik siya.

"Bat ka tumigil? Masakit na paa mo? Hindi pa nga tayo nakakalayo. Pahinga kana?" tanong naman niya.

"Nakakainis ka naman Ryden! Ako nag yakag sayo tapos nang iiwan ka naman! May aso oh!" sagot ko naman sa kanya naiinis na ko kasi natatakot ako sa aso hmp.

Unseen BattleWhere stories live. Discover now