Special Chapter

1K 19 8
                                    

"Now explain."
Pormal ang hitsura ni Kenzo habang nasa harap niya ang dalawang pinsan.
Hindi naman makatingin sa kanya ang dalawa. Halatang nagi guilty. Ginawa lang naman niya to para pagtripan ang dalawa. Alam niya na ang lahat dahil sinabi ng kanyang asawa ang rason at naiintindihan naman niya ang mga ito dahil ginawa lang nila ang nararapat pero hindi naman maiwasan na magtampo siya ng konti sa mga pinsan niya dahil hindi biro ang limang taon na inilihim ng mga ito ang kanyang anak.

"What?!"
Sinadya niyang taasan ang boses ng hindi pa rin sila kumibo.

"We're sorry, ok but we promised Chloe na hindi namin sasabihin sa iyo na buntis siya noon and we're true to our words, right Josh?"
Si Franz ang unang nagsalita.

"But it's not enough for you to hide the truth for 5 fucking years!"
Ani Kenzo.

"Look, it's not that easy but we need to because it's Chloe's decision and you're an asshole that time".
Kontra naman ni Josh.

"And by the way Kenz, may hindi ka pa nalalaman".
Si Franz na nakangisi ng nakaloloko.

"Spill.".
Si Kenzo

"Ako ang nagbayad ng doble sa iyong P.I para iliko ang paghahanap mo kay Chloe. I'm brilliant right?"
Ani Franz na nakangisi pa.

"The hell! Kaya pala. Bwesit ka!"
Inambahan niya ng kamao si Franz pero madali lang itong nakalayo sa kanya habang nakangisi pa rin.
Sa tagpong iyon sila dinatnan ni Chloe.

"What's happening here?"
Bungad niya sa kanila.
Madali namang nakalapit si Kenzo sa asawa at agad pinulupot ang mga braso sa beywang nito.

"We're just having some interrogation babe".
Kinintalan niya ng halik sa labi ang asawa. Agad namang namula ang pisngi ni Chloe at hinampas ng bahagya ang braso ng asawa.

"Babe, nakakahiya".
Bulong ng ni Chloe sa asawa pero mas lalong lang siyang hinapit nito.

"Tsk. I love you".
Ani Kenzo.

"Get a room guys".
Ani Franz na ngumiwi pa. Kahit kailan ayaw nitong matali sa iisang babae.

"You still owe me Franz".
Sigaw ni Kenzo sa papalayong pinsan. Nagmamadali kasi itong lumabas nung may nag text sa kanya.

"Yeah right, anything. But for now I gotta go. See yeah".
Sigaw nito bago nawala sa paningin nila.

Tumayo naman si Josh at lumapit kay Chloe. Niyakap niya ito ng mahigpit.
Nakamasid lang sa kanila si Kenzo.

"Motherhood suits you well Xien".
Ani Josh na ikinangiti ni Chloe. Eversince they're little, Xien na ang tawag nito sa babae.

"Thanks kuya. Ikaw kuya kailan kami makakadalo sa kasal mo?"
Tukso ni Chloe kay Josh na ikinangiti naman ng huli.

"Soon."
Makahulugang sagot ni Josh na ikinangiti ng todo ni Chloe.

"Ayiee! Kaya pala iba ang kislap ng mga mata mo kuya".
Kinikilig na saad ni Chloe. She can't wait to see his future wife. Pihikan din kasi itong si Josh pagdating sa babae.

"Yeah. Haha by the way. I gotta go now. Bye Xien."
Paalam ni Josh sa kanila at aktong hahalikan  sana sa pisngi si Chloe pero hinigit ito ni Kenzo kaya napahalakhak na lang si Josh.

"Tss. Possessive.".
Narinig nila bago ito lumabas.

"Hmmn. Where's my son?"
Ani Kenzo ng sila na lang dalawa.

"Na kina mommy."
Sagot ni Chloe.
Nung pinakilala nila si Kenu sa magulang ni Kenzo naging madamdamin ang kanilang tagpo.
Napuno ng iyakan at pagsisisi. Sinisi niya rin ang sarili dahil pinagdamot niya sa kanila ang apo nito sa kabila ng pagiging mabuti ng mag asawa sa kanya at pagturing sa kanya bilang sariling anak nito.
Humingi ng tawad sa mga ito at agad naman siya nilang niyakap ng mahigpit at sinabing naintindihan nila kung bakit ganun ang desisyon niya noon.
Laking pasalamat niya dahil biniyayaan siya ng mga taong nagmamahal sa kanya ng puro.




***********

Just wanna say a Big THANK YOU to everyone who takes time to read this story. My first story in romance genre.
I hope you'll love it kahit sobrang daming grammatical errors nito and misspells yan kasi tamad akong mag edit kaya peace na huh. Lab u.

Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now