6

554 7 0
                                    

"So why are you here alone?"
Tanong niya.

"Nag break muna ako saglit tsaka di kasi ako sanay makihalubilo sa maraming tao eh".
Sagot ko.

"Really? Why?"
Para siyang di makapaniwala sa narinig.

"Di ako sanay eh".
Sagot ko naman.

"Sige ha mauna na ako babalik na ako sa loob".
Paalam ko sa kanya.
Iniwan ko na siya doon kailangan ko kasing matapos ng maaga dito dahil mamamasyal pa kami ni Sese mamaya.
Nagulat ako ng makita ko Kenzo na nakasandal sa gilid ng pinto, naninigarilyo ito, iniwas ko na lang ang tingin saka nagpatuloy na naglakad wala na kasing ibang madadaanan  papasok ng mansyon kundi ako dadaan sa harap niya.

"I don't want you to get close with my cousins".
Biglang sabi niya eksaktong dumaan ako sa harap niya. Isinawalang bahala ko na lang ang narinig ko. Sabi ko sa sarili ko na hindi ako papaapekto sa mga maanghang na salita niya laban sakin pero bakit nasasaktan pa rin ako.
Hinigit niya ang braso ko at pilit akong pinaharap sa kanya.

"Ano ba Ken-ken nasasaktan ako".
Sabi ko sa kanya pero siya tinaasan lamang ako ng kilay hanggang na unti-unting lumuwag ang pagkahawak sakin.




"Don't say i didn't warned you".
Sabi niya sabay alis saka nauna itong pumasok sa loob.






"Anak saan ka ba nagsusuot kanina pa kita hinahanap ah".
Si Nanay habang nakapa meywang sa harap ko.

"Sorry po nagpahinga po muna ako sandali dun sa likod".
Lumambot naman ang hitsura niya sa narinig.

"Sinabi mo sana sakin kanina anak, magpahinga ka na. Umuwi ka na sa atin."
Sabi niya.


"Ok lang naman ako Nay, sige po tulungan ko na po kayo dito".
Pagpresenta ko sa kanya, ayokong mag alala siya sakin.
Mas gusto ko din muna dito para iwasan si Kenzo hindi ko pa kasi malimutan ang sinabi niya sakin kanina.
Ano kayang ibig sabihin niya? Saka unang beses niya akong kinausap eh.
Alas tres na ng hapon kaya kinausap ko si Nanay para magpaalam na saka alam niya kasi na may usapan kami ni Sese.

"Mag ingat ka doon anak ha, marami pa namang tao ngayon".
Si Nanay.

"Opo Nay wag po kayong mag alala".
Saad ko naman.

"O siya sige. Magpaalam ka na rin sa Tita Ayiesa mo".
Sabi pa niya kaya nagpalit muna ako ng damit sa maids quarters bago ko hinanap sila Tita para magpaalam.
Madami pa ang bisita kaya nahirapan akong  hanapin si Tita.
Nagawi ako malapit sa kinaroroonan ng magpinsan kaya nagmamadali akong umalis  palayo doon pero bago pa ako nakaalis tinawag na naman ako ni kuya Josh kaya walang mapagpilian kundi naglakad na lang ako palapit sa kanila.


"Uuwi ka na?"
Tanong niya sakin habang nakangiti. Kay kuya Josh lang talaga ang masasabi kong komportable talaga ako sa kanya.


"Oo kuya eh mamamasyal pa kami ng kaibigan ko".
Sagot ko kanya, nakatingin sa akin ngayon ang mga pinsan niya. Si Kenzo naman ayun masama na naman ang titig sakin.


"Ah i see, yun bang ka partner mo dun sa quiz bee?"
Si Carlo ang tinutukoy niya, isa kasi si Kuya Josh sa mga guest nung naganap ang kompetisyon na iyon.

"Ah hindi po si Carlo , si Sese po may usapan kasi kami."
Sagot ko sa kanya.


"Carlo Alvarez?"
Biglang singit ni kuya Franz.


"Kilala mo siya kuya Franz?"
Tanong ko.




"Of course Xien. Kilalang-kilala ko ang boyfriend mo".
Nakangising saad niya sakin napangiwi naman ako. Boyfriend ko si Carlo? Kailan pa?
Mukhang nasorpresa naman yung ibang pinsan nila sa narinig pati si kuya Josh na umasim ang mukha.
Si Kian na parang nalungkot?
Si Kuya Seth na parang di makapaniwala at si Kenzo na ang sama na ng timpla ng hitsura niya.





"Hija? Aalis ka na raw sabi ng Nanay mo?"
Buti na lang dumating si tita Ayiesa.



"Opo tita, hinanap ko po kayo para magpaalam".
Sagot ko.


"O siya, sige mag ingat ka anak ha."
Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako pag tinawag niya akong 'anak' lalong- lalo na pag may nakarinig na ibang tao.


"Salamat po tita".
Humalik muna ako sa pisngi niya pagkatapos bumaling naman ako kina kuya Josh at nagpaalam na rin sa kanila.



"Can i go with you? Please?"
Si Kian. Sabagay unang beses pa niyang makaranas ng pista kaya naman pumayag na lang ako di naman siguro magagalit si Sese.























Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now