21

688 7 0
                                    

Naging matamlay ang bawat araw para sa akin.
Iniisip ko pa rin ang mga magulang ko at sobra ko na silang na miss.
Gusto ko ng sumunod sa kanila.
Parang nawala na rin ang buhay ko mula ng nawala sila.
It's been a month already pero parang kahapon lang nangyari ang bangungot sa buhay ko.
Nawalan na rin ng ganang mabuhay pa.
Pinuna na rin ako ni mommy dahil bumagsak daw ang katawan ko at nangayayat na rin.
Ewan ko ba this past few days ang sama palagi ng katawan ko pagising ko sa umaga.
Nahihilo din ako pero wala na akong pake sa sarili ko. Mas mabuti nga yun para masundan ko na sila sa langit.
Lumabas ako ng silid namin ni Kenzo kahit nahihilo ako.
Gusto ko lang lumanghap ng sariwang hangin.
Nadatnan ko si Kenzo sa sala na busy pa rin sa kanyang laptop. As usual.
I'll ignore his presence. Parang nasanay na ako na hindi siya pansinin at kausapin.
Alam kong nakatingin siya sa akin ngayon at sinusundan ang bawat galaw ko.
Papunta ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng matinding gutom.

"Hay salamat buti naman naalala mo pa na may kusina sa bahay na to".
Alam kong pinapatawa lang ako si Aling Badit.
Minsan lang kasi ako lumalabas ng silid at minsam di na ako kumakain.

"Nagugutom po kasi ako eh".
Ani ko.

"Okay umupo ka lang diyan ha, ihahanda ko lang tong mga niluto ko.".
Hindi nagkaumayaw sa paghahanda si Aling Badit. Ang dami nitong inihain sa mega.
Tinawag din nito si Kenzo para kumain. Meaning hindi pa rin pala ito kumakain.

May naamoy akong kakaiba sa hinanda ni Aling Badit. Hindi ko talaga kaya ang amoy saka parang babaliktad ang sikmura ko.
Para akonh aso at inaamoy ang mga ito. Yung fried rice pala na may bawang galing ang amoy.

"Ah, wala po bang plain rice Aling Badit?"
Tanong ko. Tumingin naman sa akin si Kenzo.

"Sorry Chloe fried rice lang meron pero kung gusto mo ipagluluto kita kung ayaw mo nitong fried rice".
Ani Aling Badit.
Nahiya tuloy ako dahil naabala ko pa siya.

"Wag na po. Ok na po itong fried rice".
Pilit akong ngumiti sa kanya.
Kayanin ko na tong kainan kaysa baka masabihan pa akong nag inarte.
Kami lang ni Kenzo ang nandito dahil nasa States ang mga magulang niya dahil dinalaw nila ang isang company nila doon.
Halos maiyak na ako sa kakapigil na wag iduwal ang kinain ko pero hindi ko na talaga kaya. Tumakbo ako sa cr at doon ko inilabas lahat ng kinain ko.
Naghilamos ako ng mukha bago ako lumabas ng cr pero nagulat ako ng nadatnan ko si Kenzo sa labas. Bakas sa mukha niya ang pag alala sa akin pero binalewala ko na lang iyon dahil ayokong umasa. Sawa na ako.
Nilagpasan ko na sana siya pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay?"
Hindi pa rin nagbago ang naramdaman ko sa kanya pero kailangan ko na siyang paalisin sa sistema ko.

"O-ok lang".
Binawi ko ang kamay ko na kawak niya saka ko siya tinalikuran.
Dumeretso na lang ako sa silid. Mabuti pa siguro na itulog ko na lang muna to baka paggising ko ok na ako.



...................


Alas tres na ng hapon ako naggising.
Naligo muna ako bago bumaba. Maayos na ang pakiramdam ko.
Wala na rin si Kenzo sa paligid. Umalis siguro. Sabagay wala namang rason para magmukmok siya dito dahil wala sila mommy. At sure ako na nandoon na naman siya sa kay Maddy.
Bakit ba kasi pumayag pa siyang makasal sa akin kung may mahal na siyang iba di ba? Or ginawa niya siguro iyon para gawing impyerno ang bawat araw ko na kasama siya.
Sumakit na naman ang dibdib ko sa naisip.
Why do pain is now my constant companion?
Para maibsan ang sakit dahil sa isiping iyon nagpasya akong mamasyal para malibang naman ako ng konti halos ikabaliw ko na kasi ang katahimikan dito. Nagpaalam ako kay Aling Badit at kay mang Carding. Ayoko kasing magpahatid dahil dun lang naman ako sa mall na malapit dito.
Sumakay ako ng tricycle papunta doon.
Nagtitingin-tingin lang ako sa mga paninda.
Wala naman akong plano mamili.
Nakakita ako ng stall ng shawarma kaya bumili ako. Ang sarap kasi ng amoy eh.
Naghanap ako ng bakanteng bench para dun kumain buti na lang may isang space na bakante sa tapat ng Regatta.
Sarap na sarap ako sa kinain ko.
Makalipas ng halos kalahating oras tumayo ako para maglibot ulit pero bigla akong nahilo kaya umupo ako muli.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nawala na ang hilo ko kaya tumayo na ako pero ilang hakbang lang nahilo ako ulit babalik na sana ako dun sa bench pero nagdilim na talaga ang paningin ko.





......................






Franz



Kasalukuyan akong namili sa favorite shop ko.
May bagong clothing collections kasi sila kaya di ko pinalampas ang pagkakataon. Same lang kasi ang display nila dito at sa Manila so i prefer to shop here than wasting my gasoline just to go there.
Nabayaran ko na lahat ng pinamili ko nung narinig ko ang kaguluhan sa labas. Di kasi sinara ang glass door kaya dinig ko na may sumigaw sa harap nitong shop.


"Hala yung babae nahimatay! Tulungan niyo dali!"

Nakatalikod ang babae sa akin pero sa hindi ko inasahan parang may nag udyok sa akin na puntahan yung babae.
Lumabas ako ng shop at iniwan ko ang mga pinamili.
Walang kaso naman kasi bayad naman din iyon at saka kakilala ko naman ang may ari ng shop.

Nakita kong nakabulagta ang babae hindi ko makita ang mukha at natabunan ito ng kanyang buhok pero pamilyar siya sa akin.
Shit! Si Chloe. Nakilala ko agad siya ng natabing ang buhok na tumabon sa
kanyang mukha.
May lumapit na security at sinabi kong kakilala ko siya. Hinayaan nila akong buhatin si Chloe palabas nitong mall. Sabagay kilala naman nila ako. Kami kasi ang may ari nitong mall.
Agad kong diniretso sa DV Medical hospital si Chloe at sinalubong naman kami ng mga hospital staffs pati na si Josh. Well, si Josh lang naman ang director nitong hospital and he's a doctor by profession.


"What happen?"
Tinawagan ko kasi siya nung papunta na kami dito.



"I don't know, I just saw her losing her consciousness a while ago".
Inalalayan ko ang staff nung tinransfer na si Chloe sa stretcher.
Nakasunod lamang ako papuntang ER habang si Josh naman busy sa pag check ng heartbeat using his stethoscope.
Kung sa ibang hospital bawal sana ako ngayon sa loob ng ER pero dahil pinsan ako ng may ari well, heto ako ngayon nakamasid  sa mga medical staff na naka assist ngayon kay Chloe.

After ng ilang minuto sinabi ni Josh na stable na ang kalagayan ni Chloe pero need pa daw ng ilang tests bago nila matukoy kung anong sanhi ng pagkawalang malay tao nito kanina.
Actually, naaawa talaga ako sa kalagayan niya. Hindi kasi biro ang pinagdaanan niya. She's still coping for the loss of her parents a month ago. Ang laki ng ibinagsak ng katawan ni Chloe sanhi na siguro ng matinding stress.

Kanina ko pa tinawagan si Kenzo pero out of coverage area ang gago!
Ang gago kong pinsan saan kayang lupalop ito nagsusuot? Kailangan pa naman siya ng asawa niya ngayon.
Psh. I know na hindi maganda ang relasyon ng dalawa knowing my cousin, i know he doesn't like the idea of marrying Chloe but i wonder why pumayag pa siya kung in the first place ayaw naman niya. And i know his relationship with Maddison. Ang gulo di ba?
Hayun tuloy si Chloe ang kawawa. Psh.
Ang sarap batukan ng pinsan ko.
Isa kasi si Chloe sa mga babaeng pinaka iingatan ko. I always treated her like my own sister at napamahal na siya sa akin.
Psh.

After ng ilang test saka kinunan pa siya ng dugo nilipat na siya sa isang private room.
Binantayan ko siya hangga't di ko pa nakontak si Kenzo. Tinawagan ko na rin ang  assistant ko na kunin sa shop ang mga pinamili ko dahil malabong makabalik ako agad doon.

"Oh anong resulta?"
Pumasok si Josh na may dalang clipboard. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.


"Normal lang yung nangyari sa kanya".
Agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong normal?! Tingnan mo nga siya oh mukhang may sakit. Psh".



"It's normal because she's pregnant! God! Asan na ba si Kenzo?!"
Sandali akong natulala sa rebelasyon niya. What the heck!?

"Where is Kenzo?!"
Ulit niya sa seryosong boses. He's mad and were on the same boat.
Sino ba naman ang di magagalit sa gagong pinsan kong iyon?!
Ginalaw niya si Chloe while his into Maddison?! What the hell!!!


"I don't know kanina ko pa siya tinatawagan pero palaging out of coverage area ang gago!"
Nagpupuyos na rin ako sa inis.
Natigil lamang kami nung nagising na si Chloe at kita ang pagtataka niya ng makita kami.


"Anong nangyari?"
Aniya na kay kuya Josh nakatingin bago nalipat ang tingin sa akin. Iniwas ko ang tingin dahil hindi ko kayang tingnan siya sa kalagayan niya ngayon.
Para akong na guilty dahil alam ko na may relasyon ang pinsan ko sa iba and it really kills me inside.
Huminga ng malalim si Josh bago sinabi kay Chloe ang totoong kundisyon nito.
Tahimik lamang itong umiyak habang yakap ni Josh.
Ako naman nakamasid lang sa kanila. Puno ng guilt ang sistema ako at alam kong yun din ang naramdaman ni Josh. Actually all of us knows about Maddy and Kenzo pero nanahimik lamang kami. Kung alam ko lang na hahantong sa ganito dapat sana tinutulan ko na ang kasal nila. I should have known.. e di sana di nasira ang buhay ni Chloe.







Tied To Kenzo Del Valle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon