18

549 5 0
                                    




Merry xmas everyone!!! Even though were so devastated because of the tragedy brought by typhoon Odette still, we Cebuanos still manage to celebrate the most wonderful time of the year!!!
🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤🖤






*******************

Noong highschool pa ako palagi kong naririnig mula sa mga classmates ko na ang honeymoon daw ang pinaka excited na part pagkatapos ng kasal. Lulong kasi sila sa pagbabasa ng mga romance novels. Saka yung mga novels na yan malayo yan sa realidad. Ang author kasi binibigyan niya ng happy endings ang mga bida at ito ang pinakamaling aral na natutunan natin sa pagbabasa ng mga ganun kasi sa realidad ng buhay walang author eh, tayo ang magdedesisyon kung anong gusto nating gawin. Tayo ang gumagawa ng sarili nating istorya sa gabay na rin ng panginoon.

Hay, buhay bakit ba sobrang ilap ngayon sa akin ang kaligayahan. Naging Mrs. Del Valle nga ako pero bakit imbes na makaramdam ako ng saya hindi ko iyon naramdaman bagkos kinakabahan ako sa mga maaaring mangyari sa akin sa hinaharap.

Nakapag almusal na ako at nandito ako ngayon sa balcony nakatanaw sa magandang tanawin sa paligid.
Sobrang nakaka relax sa isip ang mga tanawin dito.
Naiwan akong mag isa dito at di ko alam kung kailan babalik si Kenzo o babalikan pa ba kaya niya ako dito.
Naghahanda ako kanina ng almusal sana namin at nung kinatok ko na siya para sabay na kaming kumain napansin kong di naka lock ang pinto kaya binuksan ko na lang ito pero nadismaya ako dahil malinis na ang kwarto at wala ng bakas ni Kenzo sa loob. Umalis pala ito kaninang madaling araw yata at iniwan akong mag isa dito.
Nadismaya din ako dahil hindi man lang siya nagpaalam na aalis pala siya e di sana konti lang ang niluto ko. Sayang kasi ang pagkain.
Kung uuwi na lang din kaya ako pero wala akong perang dala eh pati cellphone ko naiwan sa mansyon.
Napagpasyahan kong lumabas ng resthouse at maglilibot sa paligid. Mukhang safe naman dito.
Buti na lang may mga damit dito mukhang pinaghandaan ang pagpunta namin dito.
Pinili kong isuot ang isang jogger pants at puting sando na pinatungan ko ng jacket dahil malamig ang klima dito.
Wala gaanong tao sa paligid sabagay mukhang nasa exclusive village itong resthouse nila.
May mangilan-ngilang couple akong nakita na nagjo-jogging.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang na nakarating ako sa isang clubhouse. Dito marami na akong nakitang tao.
May mga nagyo-yoga at ilang mga aktibidades para sa kalusugan.
May lumapit sa aking may edad na babae.


"Hello dear, bago ka dito noh?"
Magiliw niyang bati sakin.


"Opo, dun po ako sa resthouse ng mga Del Valle".
Nakangiti kong sagot sa kanya.



"Hmmn. So ikaw pala si Chloe yung asawa ni Kenzo".
Atubili akong tumango sa kanya.



"Halika dear. Nasabi kasi sakin ni Ayiesa na magbabakasyon daw sa resthouse nila ang bagong kasal niyang anak. Halika, wag kang mahiya. Ipapakilala kita sa iba".
Hinila niya ako papunta dun sa maraming tao.



"Attention everyone meet Chloe, Kenzo's wife".
Pagpakilala niya sa akin. Ibat-ibang reaksyon ang nakita. May mga napasinghap pa. Yung ibang kababaihan nagbubulungan habang nakatingin sakin kaya naman napayuko na lang ako. Di kasi ako sanay na center of attention dahil mahiyain kasi ako, di tulad ni Sese.

Hindi ko na matandaan ang ibang mga pangalan sa mga ipinakilala ni Madam Nelly sakin. Ayaw pa nga niyang tawagin ko siyang madam pero yun ang gusto ko eh bilang paggalang na rin. Nalaman ko rin na siya pala ang mommy ni Seth di lang siya nakapunta kahapon sa kasal namin dahil na delay daw ang flight niya galing US.
Hindi nga siya umalis sa tabi ko hanggang sa may tumawag sa kanya. May importanteng meeting daw siya ngayon sa company nila kaya napilitan siyang umalis sa tabi ko. Ang bait nga niya sobra wala akong maipintas sa ugali niya katulad sila ni Tita na kahit ubod ng yaman sobrang bait pa din.

Tied To Kenzo Del Valle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon