17

508 7 0
                                    

Hindi ko mabilang kung ilang beses na umalis kami ng mansyon para sa paghahanda ng magiging kasal namin pero kadalasan ako lang ang sinasama ni tita. Minsan din kasama namin si nanay para personal niyang makita ang mga preparasyon.
Sobrang bilis ng mga araw na lumipas. Hindi ako makapaniwala na bukas na ang kasal namin ni Kenzo. Kinakabahan ako kasi hindi naman biro itong pinapasok namin. Speaking of Kenzo, ayun di pa rin  kami nag uusap magpa hanggang ngayon. Umiiwas din ako sa kanya kahit nasa iisang silid lang naman kami.
Minsan nakikita ko ang matatalim niyang tingin sakin. Ramdam na ramdam ko ang pagkasuklam niya sakin pero hindi niya lang isinatinig pero nararamdaman ko naman.

Halos hindi ako makatulog ng tumawag sakin si Sese dis oras ng gabi.
Lumabas muna ako ng silid baka kasi magising pa si Kenzo na ngayon ay natutulog na.


"My god bukas na ang kasal mo sa dream guy/ super duper crush mo!"
Hindi ko alam kong masaya ba siya o sarcastic ang pagkasabi niya sakin.
Sinabi ko kasi sa kanya ang buong pangyayari. Nagalit nga siya dahil walang kwenta daw si Kenzo dahil sa sahig ako palagi natutulog.

"Sese naman eh, suportahan mo na lang ako please?"
Pinasigla ko naman ang boses ko.


"Hay naku! Pag ikaw talaga nasasaktan dahil sa kasal-kasal na yan. Sinasabi ko sayo bestie, itatago talaga kita. "
Natawa ako sa litanya niya. Sobrang overprotective kasi siya sakin dahil mahina kasi ako pagdating sa emosyon. Di ako katulad niya na matatag. She's emotionally strong kompara sakin.
"May oras ka pang mag back out bestie. Ano, kukunin na kita diyan?"
Dagdag pa niya na ikinatawa ko na lang.


"Bakit uuwi ka na ba rito para kunin ako?" Natatawa kong saad. Hello! Nasa Maynila kaya ang bruha.


"Aist! Ah basta ba pinaiyak ka ng mokong na yan lagot talaga yan sakin. Ako talaga ang magpapakulong sa kanya".
Hindi pa rin siya tumigil sa kakalitanya sakin. Tatlong taon na lang magiging abogada na ang kaibigan ko.


"Aasahan ko yan ha. Thank you bestie. Kahit malayo tayo sa isa't-isa inaalala mo pa rin ako".
Naluluha kong saad sa kanya.
Narinig ko naman siyang bumuntung-hininga sa kabilang linya.


"E nag iisa mo lang akong bestfriend eh, ikaw talaga. Basta nandito lang ako ha kahit may asawa kana bestfriends pa rin tayo ha. O siya. Ba-bye na mag rereview pa ako para sa finals namin."
Pamaalam niya.

"Sige Sese. Ingat ka diyan".
Pinatay ko na ang aparato at naglakad na ako pabalik sa silid namin.

Mahimbing pa rin na natutulog si Kenzo.
Napansin kong umiilaw ang kanyang cellphone mukhang may tumatawag pero naka silent mode.
Ilang beses din itong umilaw kaya nag alala naman ako baka importante ang pakay.
May tumawag na naman pero pagkuha ko ng aparato bigla lamang namatay ang tawag at tumambad sakin ang isang text message galing sa sender na baby ang naka phonebook.

Baby I'm  coming back to the Philippines for good. See you.



Para akong kinapos ng hangin sa nabasa.
Kung ganun may girlfriend pala si Kenzo. Kaya pala kinasusuklaman niya ako dahil may mahal pala siyang iba. Ano kaya ang hitsura ng nobya niya? Siguro mala modelo ang tindig at mala artista ang ganda. Sabagay walang-wala ako sa kalingkingan nung babae.
Kung ganun may nasagasaan pala akong relasyon sa pagpapakasal naming ito.
Maingat kong ipinatong muli ang aparato sa tabi ni Kenzo at nagsimula na akong humiga  dito sa sahig.

As usual maaga na naman akong nagising. Lumabas ako ng silid matapos ang morning rituals ko. Naabutan ko ang ilang mga tauhan na busy sa paghahanda para sa magiging kasal namin.
Hindi ko pa nakita sila nanay at tatay.
Siguro nasa bahay pa sila naghahanda.



Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now