8

538 10 0
                                    



"Ano yun?"
Bulong ko kay Kian pero hindi niya ako sinagot. Inakbayan lang niya ako pero hinayaan ko na lang siya.
Namali siguro ako ng dinig kanina.
Nakapwesto na lahat sa unahan namin sila Sese at Edward at sa likod namin sila Kenzo at yung Shane.
Unti- unti ng gumalaw ang train kaya napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt ko.
Nagsimula ng umandar ang sinakyan namin patungo sa hugis kwebang lagusan na malayo pa lang kita na ang sobrang dilim sa loob nito, ako naman magsimula na ring mamawis ang noo at ang aking palad senyales na masyado na akong kinabahan.
Napapikit na lang ako ng papasok na kami sa madilim na lagusan narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga kasamahan ko. Nangunguna ang boses ni Sese, matatakutin din kasi ito. Narinig ko naman sa likuran yung Shane.



"Gosh!!! Omg!!! Kenzo help me".
Narinig kong sabi nito.



"Don't worry I'm just here. Just hug me".
Aw. Ang sweet naman niya kay Shane. Sumakit na naman puso ko.



"Hey.. hey".
Untag sakin ni Kian, napansin niya ang pananahimik ko. Hinawakan niya ang pisngi ko na ngayon ay basa ng luha saka pinaharap sa kanya.
Umiiyak ako ng hindi ko namalayan? Ganun ba talaga kalalim ang naramdaman ko kay Kenzo?
Maraming katanungan ang nasa isip ko ngayon. Naguguluhan ako sa sarili. Crush ko lang naman si Kenzo di ba pero bakit parang ibang level na yata?
Humikbi na lang ako kaya naman agad akong niyakap ni Kian.


"Hush now. God! You're freaking scared. If only i know".
Pag aalo niya sakin pero mas lalo tuloy akong napaiyak. Ngayon alam ko na siguro mahal ko na yata si Kenzo at nagseselos ako ng walang basehan at wala akong karapatang masaktan.
Hindi ko na tuloy na enjoy ang ride kasi naman natatakot talaga ako at saka mas nanaig sakin ang selos! My gosh! Hindi  na ako 'to.



"Hoy bestie ikaw ha... ahem may nangyari ba kanina na hindi namin alam?!"
Napukaw ang diwa ko ng nagsalita si Sese. Nakababa na pala sila ng hindi ko namalayan? Ganun?
Agad naman akong napabitaw sa yakap ni Kian nung na realize ko na kami na lang ang di pa bumaba ng train napatingin tuloy ako sa paligid at nakita ko sila na sa amin ang atensyon. Grabe sobrang nakakahiya lalo pa at nakita nila kami sa ganoong sitwasyon.
Si Sese may mapanuksong ngiti na nakatingin sa amin. Si Edward naman parang wala lang.
Yung Shane ang sama ng tingin sakin at si Kenzo naman galit na nakatingin sakin kaya iniwas ko na lang ang tingin sa kanila.
Naunang bumaba si Kian habang inalalayan ako.


"Feel better?"
Bulong niya sakin.
Tumango ako bilang sagot. Nahihiya pa rin kasi ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.
Nauna ng naglakad sina Sese at Edward kasunod sila Kenzo habang nakahawak sa braso niya si Shane. Kahit gusto kong ayaw silang tingnan pero nakikita ko pa rin sila eh. Kailangan kong isawalang bahala muna itong naramdaman ko kasi dapat mag enjoy ako kahit ngayon lang. Enjoy now iyak later. Ganun.



"Kain muna tayo, nagugutom na ako eh".
Agaw pansin ni Sese, sabagay gutom na rin ako di kasi ako masyadong nakakain dun sa mansyon dahil busy masyado saka mag aalas siete na ng gabi.




"Okay".
Sang ayon ni Kian habang sakin nakatingin kaya atubili akong ngumiti sa kanya.




"Nah, I'm on diet".
Maarteng wika ni Shane. Nakita kong umikot ang mata ng kaibigan ko alam kong di nito gusto ang ugali ni Shane una pa lang.
Napasulyap ako kay Kenzo pero agad kong binawi ang tingin nung nakita kong nakatitig siya sakin ng walang emosyon.


"Let's go".
Si Kian na agad akong hinila papunta sa mga nakahilerang kainan dito sa loob ng peryahan.

Umorder kami ng mga pagkain at nagsimula ng kumain habang sina Kenzo at Shane mineral water lang ang inorder.
Sabagay mas bagay nga ang dalawa na parehong maarte.
Iniwasan ko na lang mapatingin sa kanila para sa ikatatahimik ng loob ko.
Pagkatapos naming kumain magbabayad na sana kami pero sabi nung cashier binayaran na raw lahat ni Kian ang inorder namin kaya nagpasalamat kami sa kanya babayaran sana namin siya pero ayaw niya talagang kunin.




Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now