4

585 7 0
                                    

Buong linggo lang akong nasa bahay at nanood ng mga korean drama.
Si Sese busy rin sa pagtulong sa kanilang maliit na tindahan. Tumawag siya kanina para paalalahanan ako sa usapan namin bukas. Bukas kasi ang pista at pagkatapos ko doon sa mansyon mamamasyal kami ni Sese kasama ang pinsan niyang galing Maynila doon sa karnabal. Excited na ako dahil sasakay na naman kami ng ferris wheel, paborito ko kasi yun.

Kinabukasan, sobrang maaga akong nagising alas kwatro pa lamang ng madaling araw kahit gustuhin ko pang matulog di na talaga ako inaantok kaya napagpasyahan ko na lang na magsaing mg kanin at magluto ng ulam na pinakbet pagkatapos naghanda na ako para maligo.

Kuskos

Sabon

Banlaw

Kuskos

Sabon

Banlaw

Ilang beses akong nagsabon  at nagshampoo para masigurong mabango ako sa buong araw.
Hindi tuloy ako masyadong nakakain sa sobrang excitement.
Sa wakas makalipas ang ilang buwan makikita ko na ulit si Kenzo.
Kyaaa!!! Ang landi-landi ko na.

Nagising si nanay at naabutan niya akong kumakain na ng agahan nagugutom na kasi ako pagkatapos kong naligo kanina.

"Anak sobrang aga mo yatang nagising".
Bungad sakin ni nanay. Parang bigla tuloy akong nahiya baka tuksuhin na naman niya ako.

"Hindi naman Nay, maaga kasi akong natulog kagabi".
Palusot ko.

"Ah okay mabuti na nga yun at maaga tayong makapunta sa mansyon".
Aniya saka dumeretso na ng banyo para maligo.

Grabe ang kaba ko kanina habang papunta na kami sa mansyon sinundo kami ng driver nila Tita Ayiesa na si Mang Karding. Mas dumoble ang kaba ko ng huminto na ang kotseng sinakyan sa mismong tapat ng mansyon.
Nakita ko si Tita Ayiesa na may kausap ng nakita niya kami ni Nanay lumapit ito samin at niyakap ako.

"Ang ganda talaga ng anak ko".
Kahit ganito siya palagi sakin di ko maiwasang hindi mailang palagi niya kasi akong tinatawag na anak. Mas lalo tuloy akong umaasa na maging kami ni Kenzo balang araw pero syempre hanggang sa panaginip lang iyon.

"Hello po Tita".
Nahihiya kong bati sa kanya.

"Ay sus kahit kailan mahiyain talaga tong anak mo Carina".
Sabi niya kay Nanay.
Nagkibit balikat lang si Nanay.

"Ayiesa mauna na kami maghahanda pa kami sa kusina".
Ani Nanay.

"Sabi ko naman kasi sayo wag na eh, bisita ko kayo ngayon lalong-lalo na tong si Chloe".
Giit pa ni Tita kay Nanay pero syempre ayaw ni Nanay nasanay kasi siyang magsilbi kaya ganun. Maliit pa lang sila matalik na silang magkaibigan. Sabi ni Nanay nung namatay ang Nanay niya noon napilitan siyang magtrabaho sa murang edad at dun mga siya namasukan kina Tita. Pinilit nga siyang mag aral noon ng mga magulang ni Tita pero tumanggi siya mas gusto niyang magtrabaho dahil sa kapatid niya na si Tiyo Cardo sakitin kasi ito noon. Inalok nga din siya na ipagamot sa tanyag na ospita si Tiyo pero tumanggi din siya dahil si Nanay kasi ayaw niyang inaabuso ang kabaitan ng mga amo niya.

"Ayiesa naman, alam mo naman kung bakit di ba?"
Kontra ni Nanay kaya wala ng nagawa si Tita.

Mag aala onse na ng tanghali, busy na kami dahil nagsidatingan na ang mga bisita. Mga negosyante at mga kilalang tao sa lipunan ang mga bisita nila, sabagay di naman basta-basta ang pamilyang Del Valle.
Tumulong ako sa pag serve ng  mga inumin hanggang sa madako sa grupo nila Kenzo. Parang di ko kayang mag serve sa kanila, aatras sana ako pero nakita na ako ni kuya Josh.

"Xien!".
Tawag niya sakin at nakangiti. Siya ang close ko sa magpinsan mabait kasi siya.
Parehong napatingin sa gawi ko ang mga kasama nito. Nagulat pa ako ng makita ko ang lalaking naghatid sakin nung nakaraang linggo. Nagulat din ito ng makita ako saka tumayo ito at naglakad patungo sa akin.
Nakita ko rin si Kenzo na medyo natigilan ng makita ako pero tumaas agad ang kilay na tumingin dun sa lalaking hindi ko alam ang pangalan na ngayon ay maglalakad na papunta sa direksyon ko, napatingin din ang mga pinsan niya.



"Hi".
Sabi niya ng huminto siya sa harap ko.


"Hello".
Pilit akong ngumiti sa kanya hanggang ngayon kasi nahihiya pa rin ako sa katangahan ko.
Nabigla ako ng kinuha niya ang dala kong tray. Siya ang nagdala papunta sa inukupa nilang mesa.
Ako naman parang tanga na nakasunod lang sa kanya.
Inabot niya isa-isa sa mga kasamahan.
Naiilang na talaga ako dahil nakita ko si Kenzo na matamang nakatitig sakin ni hindi ko masalubong ang matalim niyang tingin.


"So Miss may i know your name?"
Nabigla naman ako sa tanong niya.



"Whoah! Can't believe this! So you're talking about Chloe all along cousin".
Si Franz na parang di makapaniwala.
Kumunot ang noo ng lalaki habang nakatingin kay Franz.




"What do you mean?".
Anang lalaki



"She's Chloe, you can call her Xien too".
Si kuya Josh na nakatingin sakin na may mapanuksong ngiti.
Hindi ako nakapagsalita pero ramdam ko ang init ng pisngi ko.
Inabot niya sakin ang palad niya para makipag shake hands na tinanggap ko rin.

"I'm Kian Del Valle".
Whoah di ako makapaniwala may pinsan pa pala si Kenzo maliban kina kuya Josh, Seth at Franz.


"Ah.. eh.. masaya akong makilala ka Kian".
Sabi ko sa kanya at alanganing ngumiti.
Ngumiti naman ito ng ubod tamis sakin. Ang gwapo niya talaga pero mas parin sa akin si Kenzo.

"Sige ha mauna na ako may trabaho pa ako".
Paalam sa kanila. Tiningnan ko ang gawi ni Kenzo pero nadismaya ng makitang busy ito sa kanyang cellphone. Ni hindi ako pinansin buti pa ang mga pinsan niya.




















Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now