15

595 10 0
                                    

"This is bullshit dad!"
Angal ni Kenzo sa desisyon ni tito. Maski ako rin di ako makakapayag sa gusto nilang mangyari pero hindi ako makapagsalita dahil hindi pa rin ma-process sa utak ko ang mga pangyayari.
Nanatili lang akong nakayuko dahil ayaw kong tingnan si nanay dahil nasasaktan ako para sa kanya.
Napaigtad naman ako ng hampasin ni tito ang kanyang mesa. Galit na siya.

"Don't you dare shout at me Kenzo Del Valle! Don't you dare!"
Galit na sambit ni tito. Nilapitan naman siya ni tita para aluin, hinimas-himas ni tita ang likod ni tito para ma relax ito.


"Hon please calm down".
Sabi ni tita kay tito Felix.
Pumikit si tito ng ilang sandali bago nagsalita ng mahinahon.


"Were gonna schedule the wedding as soon as possible".
Ani tito na ikinagimbal ko.
Bakit wedding?? Wala namang nangyari.
Tiningnan ko si Kenzo ng hindi pa rin ito nagsalita. Hindi ko rin mabasa kung anong nasa isip niya ngayon.

"Po?! Hala hindi po ako papayag".
Kontra ko agad nung nahimasmasan ako sa sinabi niya pero tiningnan lang nila ako.

"Lumabas muna kayong dalawa may pag uusapan pa kaming importanteng bagay".
Ani tito sa aming dalawa. Naunang lumabas ng silid si Kenzo nakasunod lamang ako sa kanya. Muntik pa nga akong maipit sa pinto buti na lang nasalag ko agad bago pa ako tamaan nung pabalibag nitong sinara ni Kenzo.
Matulin siyang naglakad kaya naman binilisan ko ang kilos para maabutan ko siya.


"Teka, Kenken. "
Humihingal kong saad nung huminto siya at lumingon sakin na galit ang hitsura.


"What?! Di ba ito ang gusto mo?! Pathetic".
Aw. Nasaktan ako sa sinabi niya. Oo nga at nangarap ako na maging kami pero hindi ko akalain na sa ganitong paraan.
Hindi tuloy ako nakapagsalita hanggang sa narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto ng kanyang kwarto.
Kasabay nun ang pagtulo ng masaganang luha ko.
Bakit ba naging komplekado ang lahat? Wala din akong natandaan sa mga nangyari kagabi.
Teka, kailangan kong makausap si Kaden.
Oo tama! Kailangan kong alamin kong bakit napunta ako sa kwarto ni Kenzo dahil si Kaden naman ang natandaan kong huli kong nakasama kagabi.
Pero saan ko siya hahanapin? Si Seth baka kilala niya ito.
Wala na akong inaksayang oras bumaba na ako at sa sala naabutan ko si kuya Josh na umiinom ng kape. Medyo nagulat pa siya ng makita ako

"Chloe? Akala ko ba nakauwi ka na sa inyo dahil hindi na kita nakita kagabi?"
Naka kunot ang noo niya habang tinatanong ako.


"Dito po kasi ako nakatulog kuya".
Sagot ko sa kanya pero hindi ako makatingin ng deretso dahil parang may kasalanan ako pero wala naman. Ang gulo lang.



"Hmn. Okay. Kung gusto mo isabay na kita pauwi. Pauwi na kasi ako dahil tumawag si mommy may emergency daw sa bahay."
Alok niya pero tumanggi ako.




"Kuya, nasan si Seth?"
Kailangan ko kasi siya makausap tungkol kay Kaden.




"Bigla siyang umalis kagabi. Akala ko nga sabay kayo eh".
Ani kuya habang nilagok ang kape niya saka tumayo na at inayos ang magulong buhok gamit ang mga daliri.




"Ay, ahmn kuya kung makita mo siya pwede pakisabi na kailangan ko siyang makausap. Please?"





"Hmn. Ikaw ha. Okay I'm gonna tell him".
Sabi ni kuya sakin bago siya nagpaalam na at lumabas na ng mansyon.
Umupo ako sa pang isahang sofa saka niyakap ang maliit na unan.
Iniisip ko ang problemang kinakaharap ko ngayon.
Nahulog na ako sa malalim na pag iisip ng lumapit ang isa sa mga katulong para sabihin sakin na pinapabalik ako ni tita sa library.
Nadatnan ko silang dalawa ni nanay na nag uusap.




"Maupo ka anak. Sorry sa nangyari pero mukhang buo na ang desisyon ng tito Felix mo na ipakasal kayo ni Kenzo sa susunod na buwan."
Napatayo ako bigla sa sinabi ni tita. Sa susunod na buwan?! Bakit ang bilis naman yata?


"Tita, wala naman pong nagyari samin ni Kenzo eh. Nay, patawarin niyo po ako pero wala naman po kaming ginawang masama".
Palipat- lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Sana naman maintindihan nila ako. Ang bata ko pa para mag asawa at saka ayaw nga ni Kenzo sakin eh paano mag work ang marriage namin kung ganun? One sided lang naman kasi eh.
Ako lang ang may gusto sa kanya samantalang siya halos isumpa ako pag nakita niya. Tsk.

Hindi kumibo si nanay sakin. Si tita lang ang nagsalita.



"Anak, wag kang mag alala maging maayos din ang lahat. Wag mo na isipin si Kenzo. Ako na ang bahala sa kanya at wag niyo na problemahin ang kasal dahil kami na ang bahala sa lahat."
Ani tita na seryoso ang hitsura.
Naman eh, hindi nila ako naintindihan.



"Pero tita-".



"Chloe, makinig ka na lang sa tita Ayiesa mo. Kami na ang bahala sa lahat."
Putol ni nanay sa gusto kong sabihin.
Hindi na lang ako kumibo dahil wala din namang saysay.






"Sabi ko sayo Carina, see..? we did it".
Narinig kong sabi ni tita kay nanay habang naglakad sila palabas nitong library. Iniwan na nila ako dito yun nga lang di ko maintindihan ang pag uusap nila.








Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now