23

807 10 0
                                    

Hinintay ko na mahimbing na ang tulog ni Kenzo bago ko kinuha ang bag na tinago ko kanina sa ilalim ng kanyang kama. Nag impake na ako kanina kaya anumang oras ngayon aalis na ako... Aalis na ako sa buhay niya.
Lumapit ako sa kanya para tingnan siya sa malapitan sa huling pagkakataon. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalin mo rin ako pabalik? Ang saya ko siguro nun yun nga lang hanggang pangarap na lang kita. Ang hirap mo kasing abutin eh. Ang swerte naman ni Maddy sayo. Abot kamay niya at naranasan niya ang pagmamahal ni Kenzo.
Samantalang ako naging asawa niya nga sa papel pero hanggang doon lang. Ni hindi ko nga naranasan ang alaga niya. Ang sakit sa pakiramdam nung naalala ko kung paano niya tingnan si Maady na puno ng pagmamahal at kung paano niya ako tingnan ng puno ng pagkasuklam.
Pinawi ang luha at ngumiti ng mapakla.
Paalam Kenzo.. mahal na mahal kita kaya lalayo ako para maging maligaya ka na.
Umalis ako ng walang nakapansin. Malalim na ang gabi pero hindi ko alintana ang lamig. Lumingon ako sa mansyon sa huling pagkakataon. Sa pag alis ko alam kong pati ang puso ko iniwan ko sa lugar na ito.












........................


"Hoy! Ano ba kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pala nakinig? Seriously bestie?!"
Napukaw ang pagbalik tanaw ko sa nakaraan dahil sa pag alog-alog niya sa balikat ko.

"Aist! Bestie naman eh! Sabi ko sa susunod na linggo Alumni homecoming na natin. Kailangan nandun tayo noh, ako kaya ang class valedictorian noon".
Taas noo pang sabi ng kaibigan ko habang nakapameywang sa harap ko.

"But Sese-.....

"No buts! I won't accept no as an answer".
Pinal niyang wika. Aist knowing Serena Serafina Gozon wala akong pangontra sa kanya eh. Tsk. Palibhasa isa na siyang tanyag na abogada ngayon at may sarili na rin siyang Law Firm. Top notcher kasi siya sa Bar exam kaya madami na agad siyang kliyente and besides napakagaling niya sa kanyang propesyon.
Ako naman, isa na akong guro sa isang tanyag na Unibersidad dito.


"Mommy! Mommy!"
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses.
Nakita ko ang tumatakbo kong anak palapit sa amin nakasunod naman sa kanya ang kanyang Yaya Mely.

"Hey, careful."
Sinalubong ko agad siya ng yakap at hinalikan naman niya agad ako sa pisngi.
Nagpasalamat ako dahil napalaki ko siyang masunurin at mabait. Tahimik siyang bata pero pagdating sa akin napakadaldal niya.

"Can I have a kiss too?"
Singit ni Sese na nakangiting nakatingin sa anak ko.
Kumalas naman siya sa akin at lumapit sa kanyang ninang pero nakabusangot ang hitsura.
Ows. Ang hard talaga ng batang ito sa ibang tao kahit na palagi niyang nakikita at nakasama si Sese pero aloof pa rin siya.

"What's with that face, Kenu baby?"
Nilalambing naman siya ni Sese at pinagkukurot ang pisngi.

"Ouch ninang. Psh".
Masungit nitong saway sa kanyang ninang pero nakangisi lamang si Sese at lalo pang iniinis ang anak ko.
Childish kasi si Sese pagdating kay Kenu pero sa ibang tao napakasuplada niya at nakakatakot.
Sa edad na limang taong gulang straight ng magsalita ang anak ko.
Parang matanda na ito kung magsalita.
Natatakot nga ako sa posibilidad na magtanong siya tungkol sa kanyang ama. Ano na lang ang idadahilan ko?
It's been five years since I last saw him. Them. Sinadya ko talagang  putulin ang komunikasyon sa kanila para na rin sa ikatatahimik ng buhay namin.

Nung umalis ako noon nagpasalamat ako ng may dumaang sasakyan na paluwas ng Maynila. Buti na lang mag asawang negosyante ang sakay niyon at nagmagandang loob na isakay ako. Pagdating ko ng Maynila tinawagan ko agad si Sese at sinabi ang lahat sa kanya.
Siya din ang kasa-kasama ko hanggang sa panganganak ko hindi niya ako iniwan. Noon pa man pamilya na ang turing namin sa isa't isa.
Siya lang din ang nakakaalam kung nasaan kami ng anak ko.
Ginamit ko rin ang konting ipon at yung perang galing sa pagbenta ko sa lupa namin kaya pagkatapos kong nanganak, pinagpatuloy ko ang pag aaral at sa awa ng diyos nagtapos ako sa kursong Education kaya heto ako isa ng licensed teacher.
Nagpasalamat ako sa mga taong di ako pinabayaan.
Kay Aling Mely na siyang nagbabantay kay Kenu mula pa pagka sanggol. Nakilala namin  ni Sese si Aling Mely nung minsang nagkasunog ang squatters area sa Tondo. Tiyempo kasing napadaan kami malapit doon. Naawa kami sa kalagayan niya dahil nawalan siya ng mga mahal sa buhay. Nasawi ang nag iisang anak niya at iniwan pa siya ng kanyang asawa kaya nakita namin siyang nakatulala noon sa kalsada. Sobrang naawa ako sa kalagayan niya. Tinulungan namin siya sa abot ng aming makakaya at pinatuloy ko siya sa aking nirentahan na maliit na apartment.
Pagkapanganak ko nagboluntaryo siyang magbantay para daw sa ganoong bagay masuklian daw niya ang kabaitan ko. Hindi nga sana ako papayag dahil ayokong mag isip siya ng ganun pero nagpumilit siya kaya hinayaan ko na lang. Kaya hanggang ngayon siya na talaga ang naging yaya ni Kenu.


"Bestie punta tayo ha. Excited na talaga ako eh.".
Bakas ang excitement sa hitsura niya kaya sino ba ako para tanggihan siya di ba pero deep inside kinakabahan ako.... kinakabahan dahil baka ... baka makita ko siya doon. Iwinaksi ko ang naisip na posibilidad dahil in the first place alam kong kinalimutan niya na ako.

"Ok.. ok".
Pagsuko ko siya naman halos magtatalon sa tuwa.
Isip bata talaga.
Ilang sandali lang nagpaalam na siya sa amin dahil may meeting daw siya sa isang kliyente.
Naiwan akong nahulog sa malalim na pag iisip.
Tinanaw ko ang anak ko na abala sa paglalaro ng lego.
How i wonder.. paano ko kaya makakalimutan ang ama niya kung carbon copy naman siya nito. Namana niya lahat ng features kay Kenzo. He is exactly the small version of Kenzo 2.0.

Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now