14

526 10 0
                                    

Akala ko kami lang ang panauhin nila pero nung natapos kaming mag dinner nabigla ako nung nagsidatingan ang ilang mga bisita karamihan mga kaedad ko.Pool party ang ganap.
Kunbaga mga friends of friends ng magpinsang Del Valle.
Mukha tuloy ako na out of place. Kasa-kasama ko si Seth kanina pero tinaboy ko siya in a nice way kasi gusto ko mag enjoy naman siya kasama ang mga kakilala buti na lang napilit ko kaya ito nag iisa na lang ako sa tabi ng pool. Nasa medyo hindi matao na parte ako kaya malayo kong mapagmasdan ang mga nangyayari.
Ang daming bisitang magaganda na naka bikini yung iba mestisa na halatang galing sa may kayang pamilya. Mga babaeng nababagay sa kanila. Mas lalo tuloy ako nanliit sa sarili. Malayong-malayo ako sa kalingkingan nila.
Nakita kong may lumapit sa mestisang babae kay Kenzo may hawak itong dalawang wine glass saka binigay kay Kenzo yung isa na malugod namang tinanggap ng huli. Naiinggit ako sa nakita na masaya silang nagkwentuhan at saka matamis siyang nginitian ni Kenzo sabay hapit sa beywang na halos magkayakap na sila. Tsk. Ito na naman ang sakit sa puso nilang pagmasdan. Kailan kaya ako makararanas na ngitian ni Kenzo ng ganyan?
May kanya-kanyang babae na pares sila kuya Josh at Franz. Si Seth naman ayun walang lumapit dahil sa masungit na awra ng lalaki.
Nakita kong pasulyap-sulyap siya sa gawi ko.
Minsan nagkatitigan kami kaya naman nginitian ko na lang siya saka ngumiti naman siya pabalik sakin.
Seth is a very handsome guy and every girls dream guy but has too intimidating aura. Takot nga ako sa kanya noon.
Kung sana siya na lang ang nagustuhan ko okay na sana kasi sabi niya kanina gusto niya daw ako e di wala na sanang problema.
But life is too complicated for me.
Kahit anong gawin ko si Kenzo pa rin ang nasa puso ko eh since god knows when.

"Hello miss beautiful, why you're all alone here?"
May lumapit kasing lalaki sakin. He's charming saka ang cute ng dimples niya.

"Eh hindi naman talaga ako dapat nandito eh".
Sagot ko sa kanya. Siya naman mukhang naguluhan sa sagot ko.

"Why? "
Tanong na naman niya pero wala planong sagutin siya. Naasiwa kasi ako sa kanya.

"Sorry."
Nakonsensya ako dahil siya pa ang nag sorry imbes na ako. Epekto siguro ng nakita ko kanina kaya nag iba bigla ang mood ko.

"Ako dapat ang mag sorry. Gusto ko lang kasi mapag isa. Ako nga pala si Chloe".
Pakilala ko sa kanya kunbaga pambawi ko sa pagiging rude kanina.
Mukhang mabait naman siya. Instinct ko.

"It's okay. Hmm. Such a beautiful name like you. By the way I'm Kaden".
Siya pa ang nakipag shake hands sakin. May pagka bolero din ang isang to. Pero panatag ang loob ko sa kanya. Ewan ko basta pakiramdam ko mapagkakatiwalaan naman siya na tao

"Care to have a drink?"
Ayaw ko sana pero sa oras na to parang gusto ko dahil narinig ko sa mga kaklase ko nakaka relax daw sa isip ang alak kaya tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
Umalis siya saglit pagbalik may dala na siyang bote ng alak. JACK DANIELS naalala ko ito yung iniinom nila kuya Josh noon.
Nagsalin siya nito sa maliit na basong pantagay, inisang lagok ko lang ito kaya napangiwi ako sa tapang ng lasa nito. Mainit sa lalamunan.

"Whoah, easy there. First time?"
Aniya ng makita ang reaksyon ko.


"Iba pala ang lasa nito sa wine noh?"
Nakangiwi ko pa ring sagot di pa kasi nawala ang pait ng lasa sa lalamunan ko.



"Wait there, gotta get calamansi and salt".
Iniwan niya ako at naglakad papasok ng mansyon.
Nagsalin ako muli pero this time dahan-dahan ko ng nilagok ito.
Medyo matapang talaga ang dating nito pero parang medyo hindi na mapait sa panlasa ko.
In short, nagustuhan ko na ang lasa.
Matagal bago bumalik si Kaden kaya naman para iwas boredom inenjoy ko na ang sarili. Yung mga bisita naman tanaw ko na nagkasiyahan sila sa pagsasayaw. Sumilip ako sa mesa nila ni Kenzo at hayun kita ko na masaya siya kasama yung babaeng mestisa. Ang sweet nila saka kita ko ang kasiyahan ni Kenzo sa kanya. Naiinggit na naman ako.
Kailan kaya darating ang panahon na mapapasaya ko si Kenzo? Pero mukhang imposible na yata dahil mainit ang dugo niya sa akin.




"I'm sorry kung natagalan, naghahanap pa kasi ako buti na lang meron pang natira".
Ipinakita niya sa akin ang bitbit na mga calamansi at isang maliit na bowl na kinalagyan ng asin.

"Para saan yan?"
Tanong ko dahil wala akong ideya.

"Maganda ito ipares sa JD, chesser".
Naintindihan ko na, nakita ko rin noon na sumisimsim din si kuya Josh ng calamansi nung nag inuman sila... kaya pala.



"Ah ok".





"You drink alone, did you?"
Puna niya ng makita na halos mangalahati na ang bote.
Tumango kahit medyo nahiya baka akalain niya na lasinggera ako noh.


"Dahan-dahan lang Chloe, matindi ang tama nitong JD lalo na first time mong uminom nito".
Paalala niya sakin. Para siya si kuya Josh kung magsalita yun nga lang may pagkakunsintidor si Kaden dahil hinayaan niya akong uminom unlike kuya Josh na palaging bawal.



"Teka, bakit hindi ka humalo sa kanila?"
Tukoy ko sa ilang nagkasiyahang bisita.

"Nah. Just like you. I want to be alone".
Sabi niya.

"Kung gusto mo mapag isa bakit pumunta ka dito?"
Tanong k0 pa.


"Let's just say, i have a mission".
Tumayo siya mula sa pagkaupo saka inilagay ang dalawang kamay sa bulsa at tumanaw sa kawalan.
Para siyang detective na ewan.

"Ah, detective ka?"
Natawa naman siya sa reaksyon ko.



"I'm not but kinda".
Ano? Di ko ma gets kung anong ibig sabihin niya.



"Nevermind.".
Naku nagalit yata sa kakulitan ko dahil tinalikuran niya ako naglakad palayo papunta sa mga nagsasayaw.
Moody.
Hay naku naiwan na naman akong mag isa buti na lang kasama kita.
Kinausap ko ang hawak na bote.
Nakakabaliw pala ang alak na ito.
Halos naubos kong mag isa ang laman ang JD kaya naman umiikot ang paningin ko. Gusto kong matawa na maiyak sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Pinilit kong tumayo pero wala ng lakas ang dalawa kong tuhod kaya nasubsob ang pwet ko sa gilid ng semetadong upuan. Masakit pero di ko na kayang tumayo sa sarili at sobrang umiikot na talaga ang paningin ko pati ang mansyon parang sumasayaw na.
Pinikit ko na lang ang mata ko. May naramdaman akong bumuhat sa akin pero hindi ko na kayang imulat pa ang mata ko.
At yun ang huling naalala ko bago ako nagising sa isang kwarto.
Napabalikwas akong bumangon dahil sa sobrang kaba sa mga nangyari. Mas nagulat ako ng sobra ng makita ko si Kenzo na kakagising din, nagulat din siya pagkakita niya sa akin.

"What are you doing here?!"
Pasigaw niya sa akin. Napaigtad ako lakas ng boses niya. Kung ganun nasa kwarto pala ako ni Kenzo pero paanong napunta ako dito?


"E-ewan ko, d-di ko alam".
Kandautal-utal kong sagot sa kanya.
Lumapit siya sa akin at mariing hinawakan ang pulsuhan ko.


"Are you that desperate, huh?"
Napapikit ako sa sobrang higpit ng paghawak niya sa akin at sa talim ng mga salita niya.
Hindi naman ako aabot sa ganito kahit gustuhin ko dahil hindi ko kaya kahit may pagtingin pa ako sa kanya hinding-hindi ko gagawin na magpakababa ng ganito at wala talaga akong ideya kung bakit ako napunta sa kwarto niya.
Nalilito ako. Hindi ko siya masagot.

"Answer me!"
Giit pa niya na mas lalong lumapit sa akin.
At sa ganitong eksena kami naabutan ni Tita Ayiesa na kita ang pag alala sa mukha ng makita ako. Nasa likod niya si Nanay na hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon.
Mas dumoble ang kabang naramdaman ko.
Gusto kong lamunin na lang ng lupa sa sobrang hiya na naramdaman ko ngayon.



"Oh my god! Kenzo.. Chloe.. what are you doing?"
Si tita na palipat-lipat ang tingin sa amin ni Kenzo.


"W-wala po tita. Ano kasi-...."
Pero pinutol kami ni Tito na nandito na rin pala ni hindi ko napansin yun.




"Fix yourselves guys. We'll talk this in the library".
Natakot ako kay tito dahil minsanan lang ito magsalita. Nauna na itong naglakad palayo. Sumunod si tita. Si Nanay naman malungkot akong tiningnan mukhang disappointed siya sakin.
 


Tied To Kenzo Del Valle حيث تعيش القصص. اكتشف الآن