24

858 7 0
                                    

Ang dami ng nagbago sa lugar kung saan ako lumaki. Marami ng mga commercial establishment sa paligid. Halos wala ng bakas ang natira pa sa lugar na kinalakihan ko.
Ang dating mga bahay-kubo sa gilid ng kalsada naging konkretong gusali na at ang dating mga palayan naging subdivision na. Mga pagbabagong hindi ko nasaksihan nung nagpasya akong lisanin ang lugar na ito and now I'm back to the place which gave me ultimate happiness yet total heartbreaks.

My home....

Pinahid ko ang namuong luha at ibinaling ko ang tingin sa anak ko na ngayon ay nahimbing na natutulog sa bisig ko.
Sa tabi ko naman si aling Mely na tulog din. Mukhang ako lang at si Edward na siyang nagda drive sa kotse ni Sese ang gising.
Si Sese kasi tulog din sa tabi ng driver seat.
Sino ba naman kasi ang makakatulog sa lagay ko kung kanina pa lang kinakabahan na ako ng sobra.
Hindi kasi maganda ang kutob ko sa pagbabalik namin dito.
Malapit na rin kami sa nirentahang resort ni Sese para maging tuluyan namin dito.
Binenta kasi nila ang kanilang bahay at lupa upang tuluyan ng lumipat sa Maynila. Nakabili kasi ng pwesto ang mama niya sa palengke doon at lumago ito kaya kailangan nilang e give up ang bahay at lupa nila dito dahil madalang na lang sila kung makauwi dito.
Naisip ko ang bahay namin. Ano na kayang hitsura nito ngayon. Hindi kasi kasali ang bahay at ang lupa ng kinatitirikan nito nung binenta ko ang bukid namin.
Siguro sirang-sira na ito ngayon.

Huminto ang sinakyan namin sa harap ng sampung palapag na building. Magara ito at sosyalin. Mukhang sa five star resort kami mag stay.
Ginising ni Edward si Sese at nauna na siyang umibis ng sasakyan.
Si yaya Mely naman gising na rin. Sinabi ko sa kanya na ako na ang magbubuhat sa anak ko at siya na lang ang bahala sa gamit namin. Di rin naman kabigatan ang mga iyon dahil iilang damit lang ang dinala namin. Wala kasi akong planong magtagal pa dito kahit na sembreak ngayon
,wala akong klase.
Pagkalabas namin sa sasakyan nauna ng pumasok si Sese sa loob at nakasunod naman si yaya Mely para kausapin ang receptionist.

"Ako na ang magbuhat sa kanya Chloe".
Nagpresenta si Edward. Medyo nangalay na rin ako kaya binigay ko na sa kanya ang anak ko.
Sobrang close nga silang dalawa sa katunayan daddy ang tawag ni Kian sa kanya. Palibhasa ninong niya sa binyag.

"Thank you".
Sabi ko na lang habang nakangiti at sabay kaming pumasok sa loob.

Naghintay muna kami sandali sa lobby dahil kausap pa ni Sese ang receptionist. May kaunting problema kasi sa booking namin. Di daw kasi pumasok sa system nila ang booking date nagkaroon daw ng error kaya ni resolve pa nila iyon at chineck.
Nilibot ko ang pansin sa paligid at namangha ako sa magarang interiors pati na sa mga muebles. Hindi maipagkaila na hindi basta-basta ang resort na ito.

Tiningnan ako ang anak ko nagsusumiksik sa leeg ni Edward. Minsan tuloy napagkamalang mag ama sila.
Inayos ko ang hibla ng buhok na tumakip mukha niya. Nangingiti ako nung sumimangot ito kahit nakapikit. Tsk. May pinagmanahan talaga.

"Ok na, halina kayo."
Ani Sese na alam kong inaantok na talaga kahit nakatulog pa siya sa byahe kanina. Sabagay past ten na ng gabi.
Naglakad kami papuntang elevator. Nasa ika anim na palapag kasi ang naka reserve sa amin.
Pagbukas ng elevator agad kaming pumasok pero parang huminto ang tibok ng puso ko ng mahagip ng tingin ko si Kenzo na may kasamang babae pero this time hindi si Maddy ang kasama niya. Papunta din sila sa kinaroonan namin kaya sumiksik ako agad kay Edward. Naramdaman din ni Sese ang tensyon. Oh God! Bakit ang liit ng mundo namin?
Pati pala si Franz nandito rin kaya dumoble ang kaba ko. Wag naman sana.
Para akong naistatwa ng tumingin sa gawi ko si Franz. Bakas ang pagkabigla sa kanyang hitsura ng makita ako. Tumingin din siya sa anak ko na karga ni Edward.
Lumamlam ang titig niya pagkakita nito.
Parang kinontrol niya ang emosyon pagkakita niya sa amin. Buti na lang di kami napansin ni Kenzo at busy ito sa pakipag usap sa kanyang kasama.
Sabagay noon ngang kasama ko siya di niya ako pinapansin, how much more pa kaya na lampas limang taon niya akong di nakikita di ba? Hala bakit mukhang bitter ako? Nalampasan ko na to di ba? Nakalimutan ko na siya. Nakalimutan nga ba talaga?
Ah basta yun din yun. Ang gulo!
Atubili akong ngumiti kay Franz at tinangunan ko siya habang siya naman halatang di makapaniwala na nakita niya kami ngayon.
Bumukas ang elevator sa ika apat na palapag at doon lumabas si Kenzo kasama ang babae. Akala ko manatili si Franz pero nilingon ito ng babae.

Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now