3

623 9 0
                                    

"Anak naman mag ingat ka sa susunod, pinag alala mo kami ng nanay mo. Nag iisang anak ka lang namin kaya iniingatan ka namin ng husto".
Litanya ni tatay sakin matapos kong isalaysay sa kanya ang nangyari sakin kanina.
Wala pa si nanay ngayon dahil kadalasan alas sais na itong umuuwi samin nagtatrabaho kasi siya sa mansyon ng mga Del Valle bilang mayordoma.
Si tatay naman nagsasaka sa aming maliit na palayan.

"Sorry po tay, sa susunod mag iingat na po ako".
Nakonsensya talaga ako ng husto kung di pa naman ako tatanga-tanga di sana ako muntikang mapahamak kanina.

"O, siya magbihis kana sa kwarto mo  parating na ang nanay mo at makahapunan na tayo".
Bilib ako sa tatay dahil kahit pagod siya sa bukid inaalagaan pa rin niya kami ni nanay. Siya pa ang palaging nagluluto ng hapunan namin.




"Ano?! Kaw talagang bata ka, mag ingat ka nga sa susunod!".
Histerikal din si nanay matapos niya malaman ang nangyari.
"Buti na lang maagap na naka preno ang driver kung hindi... hay naku!" Dagdag pa niya.
Napangiti naman ako. Mahal na mahal nila talaga ako. Napaka swerte ko sa kanila.

"Aning nginingiti-ngiti mo diyan?"
Pinagtaasan ako ng kilay ni nanay.

"Kasi naman eh na touch ako. Mahal na mahal niyo ako".
Madamdamin kong sagot.

"Yan ang palagi mong tandaan. Mahal na mahal ka namin ng tatay mo kaya gagawin namin ang nararapat para sa ikabubuti mo".
Parang iba ang dating sakin ng sinabi ni nanay. Double meaning?

"Nanay naman eh alam ko yun. Kalimutan na nga lang natin ang nangyari".

"Anak, pwede mo ba kaming tulungan sa darating na sabado? Kailangan kasi ng dagdag natauhan sa mansyon marami kasi ang bisita sa darating na pista".
Na excite ako sa narinig ibig sabihin makikita ko ulit si Kenzo.

"Opo naman nay".
Abot tenga ang ngiti ko.

"Ay naku napaghalataan na excited kang makita si Kenzo no?"
Tukso sakin ni nanay na ikinainit ng pisngi ko. Ganito naman palagi akong tinutukso nila kay Kenzo pati na rin ang mommy nito nakikitukso rin sabagay mag bestfriend kasi nanay at si tita Ayiesa mula pagkabata.
Napailing na lang si tatay sa kakalogan ni nanay.

"Nanay naman eh, tay oh".
Halos itago ko na ang mukha ko kahit pa magulang ko sila nahihiya parin ako.

"Ikaw talaga Carina wag mo na ngang tuksuhin yang anak natin. Dalaga na yan eh".
Saway ni tatay kay nanay. Si tatay kasi ang palaging kakampi ko.

"Ikaw talaga Zosimo, wala kang support".
Maktol ni nanay pero pinagtaasan lamang siya ng kilay ni tatay.







Samantala, sa mansyon ng mga Del Valle.


"Kian bakit ang tagal mong nakasunod samin kanina?"
Ani Franz sa pinsan. Nag convoy kasi silang limang magpinsan papunta sa mansyon pero bigla lamang nawala si Kian. Akala tuloy nila naligaw na ang kanilang pinsan dahil unang beses itong nakapunta sa probinsya sa amerika kasi nakabase ito at ngayon lang nauwi sa Pilipinas.


"Just had a little accident".
Kaswal na sagot nito.

"What?! Seriously?!"
Halos sabay na sambit ng kanyang mga pinsan.


"Yeah but anyways atleast i found something interesting here".
Makahulugang ngumiti ito sa mga kaharap. Nasa veranda kasi silang lima habang nag iinuman.
Lima silang magpinsan na puro lalaki.

FRANZ DEL VALLE ang pinaka chickboy sa kanila.

KIAN DEL VALLE happy-go-lucky pero magpagka mysterious ang dating.

SETH DEL VALLE ang pinakamasungit at short tempered.

JOSH DEL VALLE  perfect gentleman at ang pinaka kuya sa kanila

KENZO DEL VALLE the silent but dangerous one. So beware!!!

"Something like what?"
Si Franz

"Something beautiful."
Tipid na sagot ni Kian sa pinsan. Nasa isip niya pa rin ang mukha ng babae kanina at masasabi niyang napakaganda talaga nito at nakuha nito ang atensyon niya kahit medyo lutang ito kanina mukhang may malalim na iniisip.

"Talaga? Hoy! Kenzo bat di mo sinabing may mga magaganda pala sa lugar na ito?"
Si Kenzo na naman ang binalingan ni Franz.

"Tss. Meron ba? Wala naman akong nakitang maganda dito".
Tanggi ni Kenzo.

"Sabi ni Kian meron".
Giit pa ni Franz. Umatake na naman ang pagiging mahilig sa magagandang babae nito.

"Tss."
Tanging sagot ni Kenzo sa pinsan habang busy pagkulikot ng kanyang cellphone.


"I agree with Kian i saw lots of exceptional beauty here but still hands off Franz, wag mo sila idamay sa koleksyon mo".
Nagsalita si Josh habang si Franz naman mukhang nalugi ang hitsura.

"I think you're referring to Xien right?"
Sabat ni Seth na ikinakunot ng noo ni Kenzo.

"Sinong Xien?"
Salo ni Kenzo, na curious siya kung sino ang tinutukoy ng pinsan.

"Yung kababata mo si Chloe di mo na kilala yun?"
Sagot naman ni Seth.

"Ah ok".
Yun lang ang naging sagot ni Kenzo nakalimutan niyang Chloe Xien pala ang pangalan ng kanyang kababata. Inaamin niya sa sarili na nagandahan din siya rito pero isinarili na lang niya.

"So back to the girl na na meet mo kanina, what does she look like?"
Hindi pa rin tinantanan ni Franz si Kian.

"Goddess".
Sagot ni Kian dito. Sobrang ganda kasi ng babae kahit bata pa ito tantiya niya nasa sixteen pa lang ito pero nakakahalina na ang ganda nito, paano pa kaya pag nagmature na ito??









Tied To Kenzo Del Valle Where stories live. Discover now