44

531 44 1
                                    

HOPE DE GUZMAN

Lumabas ako ng morgue at umupo sa motor ni Seungcheol. Hinawakan ko ang dibdib ko sa sobrang hapdi.

Nanginginig akong tumingin sa phone na binigay sa'kin no'ng kasamahan ni Seungcheol. Phone ko ito, hiniram nila para ma-track si Faith.

Ramdam ko ang pagtingin sa akin ng mga napapadaang tao. Umaga palang pero kung makaiyak ako sa parking na ito ay parang wala nang bukas.

Wala nang bukas.

I shook my head and just look at my phone again. Tumingin ako sa gallery, para lang maiyak sa mga nakasave na pictures ni Faith.

As much as I wanted to stay with her inside, hindi ko kaya. Alam kong gusto ko siyang makita pero hindi sa ganitong paraan!

I scrolled a bit before remembering her last text.

But when I look at her message, it's not even her last text for me.

From: Unknown Number
Ate

From: Unknown Number
aorry alsm jong gslit ka ps aa mgs ginaea ki

From: Unknown Number
ate sprry

From: Unknown Number
i lovw u atw

She can barely type everything on her texts. Hinting difficulties in such a situation she had that time.

Yumuko nalang ako't niyakap ang phone ko. "I love you too," I muttered.

"I love you bunso,"

I cried all my might, akala ko'y ubos na pero patuloy pa rin ang pagtulo nito. Sobrang sakit na ng lalamunan ko kakapigil sa sariling sumigaw sa pagsisisi.

I still cry even though someone hugged me from the back. This person tried to comfort me by caressing my arms. Hinayaan ko siya, hindi ko na nagawang magreklamo, kapag nadudurog ka na, hindi mo na gugustuhing pinuhin ka pa.

Hindi pa rin malinaw sa akin kung paano nangyari ang lahat ng ito kay Faith. Mabait naman siya sa mga kaibigan niya, pero bakit siya nalang ang hindi humihinga sa kanila?

Nasaan ang mga gumawa nito sa kaniya? Paano kung mangyari pa ito sa iba?

Natauhan ako nang may mapagtanto ako. I looked back, just to see Choi Seungcheol's worried face.

Tumayo ako at tinulak siya palayo sa'kin. "Kasalanan niyo 'to! Bakit kasi may may hayop na nabubuhay sa mundong katulad mo!?"

"Babe I--" I stopped him from talking.

"Kung hindi mo ako kinulong, kung hindi ka nagpumilit na samahan kita, kung hindi mo nalang sana ako pinakialaman sa mga ginagawa ko sa buhay ko. Choi Seungcheol, kung sana lang hinayaan mo akong maging ate sa kaniya," my voice went airy for I can't control my breathings anymore.

I almost lost balance as I can barely stand still. Sobrang hapdi ng buong katawan ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Physically and emotionally, I'm in severe pain

"Wala na akong kapatid nang dahil sa'yo! Kasalanan mo 'tong lahat!" I pulled my hair and shouted at him. He stayed still, maintaining his posture and keeping distance to my hysterical and vulnerable state.

Makakasama ko pa siya nang matagal kung naging strikto pa ako lalo. Walang mali sa ginawa ko noon dahil kahit papaano ay nakakalayo siya sa barkada kung nakagabay ako.

Pero sa panahong kailangang-kailangan ako ni Faith, nakakulong ako sa bahay ng isang halimaw na katulad ni Seungcheol.

"Kasalanan ko ba talaga?"

I was stoned after getting that response. It's not in a mocking tone or sarcastic one. I can still feel his carefulness, still trying his best to be humane and have sympathy.

"Tama, kasalanan mo ba talaga?" I asked.

I looked at his eyes again and pointed myself. "Paano kung kasalanan ko pala?"

We both went silent but I can see through his eyes that he was also stunned by my own reaction. He's alarmed.

"Kasalanan ko?" I asked myself again.

Even if I am not locked in Seungcheol's cage, I am still not the older sister she wants. Kahit na bumalik kami sa dati, kung magpapaka-ate lang ako na ang iniisip ay ang financial issues lang sa loob ng bahay, hindi pa rin makakaramdam si Faith na mahal ko siya.

The scene where I confronted her suddenly popped out my mind. That's our last encounter before this one. Huling beses ko na pala siyang makikita, sana manlang, nakipag-ayos ako.

But that's not the case, I even faught with her. I almost believe that I am not the one who'll say sorry in the end dahil ginagawa ko lang naman ang mga bagay na 'yon para sa kaniya.

I forgot that she's a spoiled kid, but not in material things. Faith is a woman who wants attention rather than money. A lady who would prefer quality time with people she loves than spending it on luxurious things.

Yet I misinterpreted her rebellious behavior.

"Kahit kailan, ate, nasabihan mo bang mahal mo ang kapatid mo?"

"Palagi kitang nadi-disappoint, palagi mo akong sinesermonan kapag kasama ko ang kaibigan ko, akala mo nasisindak ako sa pagbawas mo ng allowance, kaya lang naman ako ganito kasi gusto kong mapansin mo!" 

"Mabubuhay ako kahit wala akong pera hangga't may mga taong kaya akong i-appreciate kaysa sa mismong kadugo ko,"

Maybe it's true that I'm always at fault. I have never been a good sister to her. Ako palagi ang mali, I should have figured it out earlier.

I suddenly let out a laugh after crying hard. I shook my head and wiped my tears. I'm fucked up.

"Kasalanan ko nga,"

AnimalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon