03

990 58 3
                                    

HOPE DE GUZMAN

Papauwi na sana ako matapos ng klase namin nang may makita akong umiiyak na bata sa corridor. Mukha siyang nawawala.

At dahil malapit ang loob ko sa bata, nilapitan ko siya para magtanong, "Hi,"

He just pouted and sobbed, "Nawawala ka? Halika, 'wag ka nang umiyak. Hindi bad si ate," I encouraged him to walk near me and he did.

"M-mommy," he cried. Baka hinahanap niya ang mama niya.

"Nakasuot din ba ng ganito ang mommy mo?" he shook his head as I pointed my campus uniform.

"Baka teacher ang mommy mo, nakablue ba siya?" he nodded, tumango nalang din ako.

He wanted to be carried so I lifted him up, mukhang kanina pa siya naglalakad at baka napagod na rin ang maliliit niyang biyas. "Anong name mo?" I asked him habang papunta kami sa guard house, itatanong ko kung kaninong anak ba itong bata.

"Casper," ngumiti nalang ako at naglakad.

"Ang cute naman ng name mo," pagpapagaan ko ng loob niya.

Nang makarating kami sa guard ay nalaman kong anak pala siya ng isang professor galing sa IT Department. Naglakad kami papuntang sa building nila habang tinatanong siya ng mga bagay-bagay para maging komportable siya sa akin.

"Kuya Cherry!" napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko siyang sumigaw, tinuro niya ang loob ng swimming gym ng campus namin.

Tumingin ako sa tinuturo niya, nanlaki kaagad ang mata ko at tinakpan ang kaniya. He just saw a couple making out! Nakasandal ang lalaki sa pader habang pinapapak ng babae ang leeg nito, nabigla rin 'yong lalaki sa sigaw ni Casper. Kinilabutan nalang ako at nagsimulang maglakad palayo. Ano ba namang campus ito! Bakit din naman kasi pinabayaan ng nanay nitong maggala lang siya nang mag-isa?

"S-si kuya Cherry po!" He still points the door at the swimming gym.

"Parang busy siya, Casper. Bawal tayo ro'n kasi for adults only ang gym," pagbabawal ko.

"Casper!" lumingon ako sa likuran nang may tumawag sa batang bitbit ko.

Napakunot ang noo ko nang makita kong tumatakbo papunta sa puwesto namin si Seungcheol. Medyo magulo ang buhok niya't nakabukas ang ilang butones ng kaniyang uniform.

"Kuya Cherry!" natutuwang sambit ni Casper. Napatingin ako sa bata, si Seungcheol 'yong may kalampungang babae sa swimming gym?

"I'm sorry," he pouted at the child and tried to snatch him away from my embrace pero iniwas ko.

"Pinapabantay siya sa akin ng mama niya," sambit nito.

Napanganga ako, "Tapos iniwan mo siyang mag-isa sa corridor para makipaghalikan sa babae?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Na-corner ako ng babaeng 'yon! Promise, hindi ko sinasadyang iwan siya," pagdepensa niya.

Umiling nalang ako, "Ako nalang ang maghahatid sa kaniya sa magulang niya. Pakiayos ng sarili mo, Mr. Choi," he just pressed his lips and nodded.

Tumango nalang din ako at nagsimula nang maglakad. "How can your mother let a terrible guy babysit you?" I mumbled.

Naparolyo nalang ako ng mata, paano kung hindi ako ang makakita kay Casper? Paano kung walang malasakit ang lahat ng tao sa corridor na 'yon at walang magmamagandang loob na ihatid siya sa mama niya?

"H-hindi po ako pinabayaan ni kuya Cherry," he pouted at me.

"Palagi po akong iniiwan ni mommy sa kaniya," tumango nalang ako, kunwari ay naa-appreciate ko ang pagtatanggol niya sa lalaking 'yon. Cherry, siguro 'yon ang ginawa niyang palayaw para maging cute ang dating niya sa mga bata.

Nang makarating ako sa faculty room ay hinatid ko na siya. Nagtaka pa ang nanay niya kung bakit ako ang nagdala imbis na si Seungcheol. Nagpaalam na ako't naglakad palayo, ngunit napatigil din nang humarang sa daan ko ang isang lalaki. Hands were on his pocket, unbuttoned blouse, white shirt, visible kiss marks, smirking lips.

Sinubukan kong dumaan sa gilid niya pero humarang lang muli siya sa daan ko. I got annoyed, I looked up on him with a glare. "Puwede bang padaan?"

He chuckled, and then shook his head, "Choi Seungcheol, gusto ko nang umuwi. Tigilan mo na ako,"

"Can you stop addressing me with my full name? You can call me babe though," he shrugged.

I faked a smile, "I don't want to, excuse me,"

Nagtry akong makalusot, but then he grabbed my wrist, "Be nice to me, habang nagtitimpi pa ako," he smiled at me.

Sinubukan kong pumiglas, pero nararamdaman kong hinihigpitan niya pa ang kapit niya sa'kin, "Choi Seungcheol ano ba, bitawan mo na ako,"

"I don't know why, you're kinda act like her. It makes me want to be comitted again," he smiled genuinely, but all I see is a creepy man!

"Can I ask you for a date? I want to prove something," he pouted his lips, as if nagpapacute siya sa akin para mapagbigyan ko siya!

"I am still allowed to love, right? Can I love you?" Mas lalong nag-iinit ang ulo ko!

"Hindi lahat ng bagay makukuha mo nang puwersahan, Choi--" he hushed me by putting his index finger on my lips.

"Stop calling me by my full name, you're annoying. But I still want to date you," he smiled.

Tinabig ko ang daliri niyang nakalapat sa labi ko. I glared at him, "Hindi ako nakikipagdate nang basta-basta. Lalo na sa mga lalaking katulad mo,"

"Sabi mo sa akin noon, makikipagdate ka kapag sure na at handa kang pakasalan sa dulo. I want it, I want to marry you, date me," napaatras ako sa sinabi niya.

Baliw ba siya? Halata namang wala akong balak makipagdate sa kaniya, maghahangad pa siyang pakasalan ko siya?

Seungcheol is a terrible guy. Marami pa siyang kailangang ayusin sa sarili niya bago siya makahanap ng matinong babaeng magpapakasal sa katulad niya.

"Sabi mo, pakiayos ng sarili ko 'di ba? Can you help me fix myself, Mrs. Choi?" he clicked his tongue and smirked at me.

Napanganga nalang ako. Creep! Puwede bang magkaroon ng himala, pakialis ako sa sitwasyong ito!

AnimalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon