Dumiretso na ko pauwe para maibigay ko na kay Ryden ung budget na pinapadala samin.

Naisipan ko muna umuwe para makapag palit bago pumunta sa bahay nila Ryden.

The moment of truth... Nakailang door bell na ko at wala pa din lumalabas. Tatawagan ko na sana siya pero biglang "Ay palaka ka!" may bumusina sa likod ko.

And there he is.. Engr. Ryden. Wala talaga lalabas sa gate bat kasi hindi ko muna sinilip sa balcony ng kwarto ko kung may tao na ba eh.

Bumaba siya para buksan ang gate, hinintay ko muna siya para ma park niya yung sasakyan niya.

"Pasok ka muna." sambit niya.

Sumunod na lang ako sa kanya kesa naman papakin ako ng mga lamok sa labas.

"Hindi na ko mag tatagal. Eto daw yung budget. Bilangin mo na lang tapos papirma na lang ng voucher." sabay abot ko sa kanya.

"Kumain ka na?" pag tatanong niya at hindi pinansin ang sinabi ko.

"Hindi pa." kasi inuna kong puntahan ka dahil bigla ka na lang walang paramdam pero syempre hindi ko sinabi yun.

"Mag luluto ako dito ka na kumain." tapos bigla mo ko yayakagin na kumain dito? After mong hindi mag react sa sinabi mo. Wala man lang pag lilinaw? Ganun ganun na lang? At malamang hindi ko ulit yun sinabi.

Umupo na lang ako sa salas at walang paalam na nag bukas ng TV buti na lang may netflix. Tutal nag luluto pa naman siya hindi ba. Tsaka ang bisita hindi pinapakilos. Nag chat na lang din ako sa pinsan ko na dito ako kakaen.

Nung nakatapos ako ng isang episode ng K-drama na pinapanuod ko e pinuntahan ko siya sa kusina at balak ko na sana mag tanong pero nauna siya "Bakit ngayon ka lang nag paramdam? Si Russel lang lagi nakikita ko sa site. May problem ba?" pag tatanong niya.

Parang nabingi ata ako sa sinabi niya. Ako? Hindi nag paramdam? Ako? May problema? HUWOW! ANG GALING!

"Teka lang ha parang baliktad ata.. Ikaw yung nawala na parang bula sa Airport. Ikaw din yung walang say after mo nalaman mga pinagsasabi mo."

"May emergency kasi sa isang client ko kay-" pinutol ko ang sasabihin niya.

"Ah so wala ka pang chat?"

"Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sayo, okay?! Torpe kasi ako. Tsaka magulo pa kasi hindi ba sabi ko sayo may kausap ako. Paano mo ako paniniwalaan kung ganun di ba? "pag amin niya.

Yeah right. Bakit ba lahat ng umaamin sakin yung may girlfriend o kaya naman may kausap. Seriously? Ilang babae ba ang kinakausap ng mga lalaki?

"So.. Yung kinakausap mo ano nangyari?" pag tatanong ko.

"Do you remember yung advice mo sakin before? Yung sabi mo iwasan ko para malaman ko kung ano talaga nararamdaman ko?" sambit niya. Tumango naman ako bilang pag sagot.

"Okay aamin na ko. Iniwasan ko kayo parehas para malaman ko talaga kung ano yung nararamdaman ko." he confess.

Napatingin na lang ako sa kanya. Unbelievable. Bakit hindi na lang nag sabi agad ng totoo nung una pa lang ginamit pa pagiging torpe.

"So ayun sinabi ko dun sa kausap ko na may nagugustuhan na kong iba at hindi ko alam if magugustuhan din ba niya ko. Sinabi ko na nakakilala ko ng isang napaka amazing na tao. Isang babaeng ubod ng tapang na nalagpasan ang mga pinagdaanan niya noon. At sinabi ko na gusto ko pa makilala yung babaeng yun na the moment na tumingin ako sa mga mata niya alam ko sa sarili ko na gusto ko siya protektahan." sambit ni Ryden na hindi man lang inalis ang titig niya sa mga mata ko.

I just stare at his eyes and all I can see is sincerity. That moment all I can feel is pure happiness, walang takot. Hindi ko naisip ang nakaraan, all I can see ay ang present at ang pwedeng maging future.

At that moment I felt some magical connection between us.

Answered prayer.

***

Special thanks to Hush_Babyhush sa art work na below, sa mga gusto mag pagawa please do message her!


Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Unseen BattleWhere stories live. Discover now