Nasa malawak na stage ang table ng bride at groom na dinesenyuhan ng ibat-ibang bulaklak. May puting paro-paro ang nakapatong sa ibang bulaklak. The white butterflies are covered with shiny small swarovski diamonds.

Merong din iba-ibang kulay na diyamante na mistulang nalalaglag mula sa taas ng table ng bride at groom. Mistulang imahe ng bahaghari ito kung titignan sa malayo. Kumikinang sa kagandahan.

The whole area will accommodate all Summer and Kyros guests, 2,240 guests in total.

"Dala niyo sasakyan niyo?" Summer ask us pagkatapos magikot ikot. Pupunta na kami ngayon sa tagaytay.

"Gray's mustang is with us." Autumn said smiling.

"And who's driving?" She asked.

"Obviously." Tinuro ako ni Autumn.

"Huh? Tagaytay tayo pupunta! You drive Autumn!" Utos ni Summer.

"Grabe talaga kayo sakin! Maingat naman ako magdrive!" Reklamo ko.

"No! Zion?! You drive!" Nanlaki ang mata ko nang si Zion naman ang utusan niya.

"No! I m-mean, uhm, kaya ko naman kasi Summer." I said with my small voice.

"It's okay. I'll drive, Winter." I shivered when he mentioned my name.

"Come on, love." Malabing na hikayat ni Summer sakin. Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Zion bago inabot sakanya ang susi.

Nakita kong bumitaw si Summer kay Kyros at lumapit kay Autumn.

Nauna na silang nag lakad dalawa habang magkaakbay at humahagikgik. Nasa tabi din nila si Kyro na nakangiti.

"Uy!" Mahina kong tawag sakanila at humabol pero tinulak lang ako nilang dalawa kaya nanlaki ang mata ko.

Narinig ko ang malalim na pagtawa ni Zion sa tabi ko.

"Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin." Pakanta kanta ni Autumn at Summer habang mabagal na nag lalakad. Lumingon pa ang mga ito sakin at madamdaming tinuro ako habang kumakanta.

Inirapan ko sila bago pinag siklop ang braso at mabagal din sumunod sakanila.

"Uh–" tumigil siya upang tumikhim, "You alright?" He asked while walking.

Nag angat ako ng tingin at sandali siyang sinulyapan.

Pilit akong ngumiti at tumango bilang sagot.

Hindi na siya nagsalita pero tumango naman siya.

Nang makarating na kami sa parking area agad kong tinuro ang sasakyan at nag lakad palapit doon. Nauna si Zion sa sasakyan at nagulat nalang ako nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Naol! Punyemas!" Malakas na reklamo ni Autumn kaya napaharap ako sakanya. Nakita kong nakangiting pinag buksan din ni Kyros si Summer ng pintuan. Kaya naman pala nag reklamo! Bitter!

Humarap ako kay Zion na hawak ang pintuan ng shotgun at bahagya pa itong nakangiti.

Balak ko pa naman sanang sumakay sa likod pero pinag buksan na niya ako, eh. Pangit naman kung babaliwalaan ko lang siya.

Pumasok ako sa sasakyan at bumulong ng "thank you."

Nang maisara niya ang pinto nakita ko siyang nakangiting dumaan sa harap ng sasakyan para makapasok din sa driver's seat.

Sinindi niya ang sasakyan at hinihintay ko naman si Autumn pumasok din ng sasakyan. Bumusina ang katabi naming sasakyan, sasakyan ni Kyro. Kaya binaba ko ang bintana ko.

"Sasabay na raw si Autumn saamin." Nakangiting saad ni Kyro.

"Dito na ako lamig! Mas ligtas!" Mahinang sigaw ni Autumn nang maibaba niya ang bintana niya. Nakaupo ito sa likod, magisa niya.

Escape Trilogy #1: Absconded with the WavesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon