CHAPTER 35

993 30 21
                                    

"Come on, let's go." saad ko kay Elli.

Paalis palang kami ngayon sa bahay. Ihahatid ko pa siya sa school niya bago ako dumiretso sa office. It's my routine as what I've said.

Pinauna ko na sa kotse si Elli dahil may tinitignan pa akong schedule sa phone ko. Nandoon ang atensiyon ko kaya't hindi ko na alam na may tao pala kung di lang ako tawagin ni Elli.

My brows furrowed as I saw Stell again. Umagang-umaga, nandito na kaagad siya. Hindi ko inaasahang babalik kaagad siya rito pagkatapos nung nangyari kahapon.

Looks like the tables have turned. Siya naman ang naghahabol ngayon, he's seeking for the truth. I just smirked at the thought of it but my expression just stayed serious.

"Sakay na, Elli." sabi ko sa anak ko.

I'm about to walk pass by him, ignoring his presence but he once again grabbed me by my arm.

"Ano ba?! Ang aga-aga nandito ka!" inis kong bulyaw sakaniya.

"Hangga't hindi mo sinasagot yung tanong ko, hangga't hindi ko nalalaman ang totoo, hindi kita titigilan." seryosong saad niya.

Napalunok ako tsaka napaiwas ng tingin. Hindi ako makagalaw, nakakailang yung tingin niya.

"Mommy, let's go."

Stell and I both looked at Elli nang tawagin na ako nito. Dahil din doon ay wala nang nagawa si Stell kundi ang bitawan ako.

Napabuntong-hininga ako tsaka ko siya tinalikuran at sumakay na sa kotse. I show a small smile to Elli, telling her that I'm okay bago ako nagdrive paalis.

Hindi nagsasalita si Elli at nakatingin lang siya sa labas. Or specifically, tinitignan niya ako kotse ni Stell na nakasunod sa amin. Napailing nalang ako tsaka napabuntong-hininga. Bahala na nga siya, it's his choice to follow me, mapapagod din siya.

"Mag-behave ka ah, always listen to your teacher." bilin ko kay Elli nang makarating na kami sa school niya.

Yumuko ako nang bahagya at pumantay sakaniya. Saglit siyang yumakap sakin tsaka siya humalik sa pisngi ko.

"Yes, Mommy. I'll be good." she said.

I just smiled and nodded. I waved my hands at her.

Hinintay ko pa muna siyang tuluyang makapasok sa loob. I watched her until she's gone on my sight.

I'm about to open the door of my car but Stell stopped me. He's wearing a mask right now, para ata walang makakilala sakaniya but I doubt it.

"Can we talk now?" he asked.

"May trabaho pa ako. I have no time for you." I said blankly.

I shoved his arm away at tuluyan na akong pumasok sa kotse.

Hindi ko alam kung nakailang buntong-hininga na ako. He keeps on bugging me, he just won't stop.

Nagpatuloy ang pangungulit niya sa akin. Kulang nalang ay lumuhod siya sa harap ko at magmakaawa para lang kausapin siya. It continues as the days passes. Even at the office, sinusundan niya ako roon. Parang wala siyang pake kahit kilala siya ng mga empleyado at kasama ko roon. Hindi ko nalang sinasagot yung mga kasama ko kung bakit sinasadya ako ni Stell doon.

"Really? Uuwi na kayo?" I asked on the other line.

"Yes. And we're actually planning to stay there for good." sambit ng kausap ko.

Napangiti nalang ako ng maliit. That's good then.

I'm talking to Natasha. Yes, siya ang kausap ko. We became friends after so many encounters with her and Liam. Alam na rin niya na mag-ex kami ni Liam and she has no problem with it. Nagtampo lang siya sa asawa niya noon dahil hindi raw sinabi kaagad.

Desired LoveWhere stories live. Discover now