CHAPTER 1

1.5K 42 18
                                    

VERA ASHLEY's POV

"Gaga ka, ba't mo 'ko iniwan nung nakaraan?"

Napangiwi ako nang si Elle, yung bestfriend ko ang bumungad sakin pagdating na pagdating ko sa eskwelahan.

Ang sinasabi niya ay tungkol sa bigla kong pag-uwi noong Sabado nang gabi. Hindi pa naman sana ako uuwi non eh, if it wasn't because of that guy. Akala ata easy to get ako, asa siya.

"Just shut up. Wag mo nang ipaalala o mabanggit man lang sa harap ko yung noong nakaraan, nabubwisit lang ako." inis kong sabi kay Elle.

"And why is that? Akala mo di nag-enjoy—"

"I didn't!" pagputol ko kaagad sakaniya. "Na-badtrip lang ako non kung alam mo lang." sabi ko.

Elle's about to speak again when I looked at my wrist watch and showed her the time. Her eyes widened a bit and I just smirked at her.

"Hala malapit na mag 9 AM hoy! Tara na, magagalit nanaman 'yon si Mrs. Ramirez eh!"

Natatawa nalang akong napailing-iling tsaka sumunod sakaniya.

That Mrs. Ramirez, she's a known Instructor here at the school dahil masungit siya, tsaka terror kumbaga. Konting pagkakamali lang, mapupuna ka kaagad. During her class hour ay lahat kami ay natitino, all eyes and ears are on her.

Bago pa man tuluyang mag-alas nuebe ay nakarating na kami sa room namin. All of our classmate were inside already.

Hindi nalang ako kumibo pa nang tuluyan na ngang dumating si Mrs. Ramirez. I just focused myself on class para naman maging smooth yung klase, nakakatakot din kasi minsan pag nagagalit si Mrs. Ramirez, pag nagalit sa isang estudyante, damay na lahat.

Malayo kami ni Elle sa isa't isa dito sa room. To be honest, Elle is just my one and only bestfriend. Eight years na rin ata kaming magkaibigan and we are proud of it to the point na minsan naiisip ko na mas mabuti pa yung pagkakaibigan, tumatagal, kaysa sa mga relasyon ng ibang mag-jowa.

I had two boyfriends, pero ex ko na sila ngayon. I broke up with them with the same reason. Because I don't want to do the thing with them.

They met me because of my a bit naughty personality, I think. I'm a bit agressive and impulsive sometimes. Hindi rin ako kagaya ng ibang babae na pabebe kung kumilos sa harap ng lalaki, kasi yung iba, pabebe naman pero nasa loob din yung kulo, makikita ko nalang minsan na nakikipaghalikan na kung kani-kanino. It's based on my experience, may mga kakilala akong ganon. While me, nakikisabay ako sa mga trip nila, minsan ng mga lalaki rin, kaya siguro minsan ay napagkakamalan na akong malandi.

Malandi raw ako, eh hindi pa nga ako nagagalaw. The fuck they're saying.

Pakatapos kong makipag-break doon sakanila ay hindi na ulit ako humanap ng bago. Baka kagaya lang din nila ang mapunta sakin, wag nalang.

At isa pa, I may sometimes act like a bitch in front of them pero hindi pa ako damaged. Itinatak ko na sa isip ko na gagawin ko lang yung bagay na 'yon sa taong sigirado na ako. The man that will be my first and last...

"Sa susunod, tayong dalawa nalang ang lumabas o mag-hang out. Ayoko na kasama natin yung mga blockmates natin, panget nila ka-bonding." sabi ko kay Elle habang kumakain kami.

"Sus! Mukhang nagustuhan mo nga yung dare na pinagawa nila sayo. Ano feeling teh? Malaki ba?"

Napangiwi ako. What kind of a question is that, pero kalaunan ay sinagot ko pa rin naman.

Napaisip ako saglit at inalala yung ginawa ko doon sa lalaki.

"Ata?"

"Nahawakan mo bakit hindi ka sigurado sa sagot mo?"

"Hawak nga lang, hindi naman himas o ano! That's the dare, hawakan lang!" medyo inis kong sambit, ba't pa kasi ni Elle pinaalala.

"Sabagay." 'yon nalang ang nasabi niya.

I rolled my eyes at her.

"But you know what, di ko talaga ineexpect non na gagawin mo yung dare. Iba na 'yon eh. Tsaka pwede ka namang uminom nalang sana pag di mo yun ginawa."

Dahil sa sinabi ni Elle ay bigla akong napaisip. She's right, I had a choice. Pupwede namang uminom nalang ako non but I chose to do the dare.

Nagkibit balikat nalang ako. "Hindi ko na rin alam. Dala na rin siguro ng alak 'yon, alam mo naman, medyo marami na yung nainom ko nung dinare nila ako." sabi ko nalang sakaniya.

Good thing the guy wasn't familiar to me. And it looks like were just on the same age. At hindi ko rin ipagkakaila na gwapo siya, tsaka ang manly ng dating niya. Pero hindi pa rin 'yon sapat para bumigay ako sakaniya. Hindi ko pa nakakalimutan yung ginawa ng lalaking 'yon, it's still fresh in my mind.

Elle and I went back to her condo. Doon ako sa condo niya madalas natutulog dahil ayaw ko doon sa akin due to some reasons. At nag-iisip-isip na rin ako na lumipat na.

"Elle may ipapabili ka ba? Lalabas ako saglit." sabi ko kay Elle na busy sa laptop niya.

"Wala, sige na."

Lumabas nalang ako at umalis na.

May malapit na convinience store rito sa condo niya at doon ako pupunta.

I'm just wearing an oversized shirt and a shorts. I also tied my hair into a bun para maayos tignan. Wallet lang ang dala ko at iniwan ko nalang ang cellphone ko.

I'm planning to buy some chips or anything na pwedeng makain mamaya. Naisipan ko na mag-movie marathon at alam ko na anong oras nanaman akong aabutin non, baka madaling araw nanaman akong makatapos kaya kumakain ako sa hating gabi.

Pakarating na pakarating ko sa store ay agad na akong kumuha ng mga chips and soda in can. Mabilis lang ako at magbabayad na rin kaagad sana sa counter kung walang nakabunggo sa balikat ko.

Kunot noo akong napatingin sa lalaki na nakabunggo sa akin pero agad ding sumama ang tingin ko nang makilala ko siya. Siya yung lalaki sa bar! What the hell.

Sa dinami-rami ng tao na pwede kong makita, bakit siya pa?

I saw him smirk while looking at me.

"Watch where you're going, you asshole." mariin kong sambit sakaniya.

"Hmm, it's so nice seeing you again..."

I just rolled my eyes on him and was about to walk pass by him kung hindi ko lang ulit siya narinig na nagsalita ulit.

"What a nice coincidence, right Vera?"

Desired LoveWhere stories live. Discover now