CHAPTER 6

1.3K 33 15
                                    

Inayos ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko nang pilit hilahin 'yon pababa ni Elle.

She's here at my condo at tingin ko, pumunta lang siya rito para guluhin ako. I'm still sleeping, kahit na hapon na ay inaantok pa rin ako dahil wala akong maayos na tulog ilang gabi na.

Bumangon nalang ako mula sa pagkakahiga tsaka siya tinignan.

"May dala akong food for you. Wag ka nang magsungit dyan." aniya tsaka ngumiti sa akin.

Lumabas na siya ng kwarto ko.

Kinuha ko muna ang cellphone ko at alas dos na pala ng hapon, linggo ngayon kaya wala naman kaming pasok.

I followed Elle and I saw the food the she brought for me. Pasta 'yon at may soft drinks din doon.

"Alam mo, si Stell pala tsaka si Kuya Josh, matagal na pala silang magkaibigan."

"Share mo lang?" sabi ko kay Elle habang kumakain ako.

Ayan nanaman siya eh, babanggitin nanaman sa harap ko si Stell. Naalala ko tuloy yung kagagahang ginawa ko nung isang gabi.

"Eto naman, ayaw mo bang malaman?"

I shrugged my shoulders off.

Gusto kong malaman, to be honest, pero ayokong ipahalata. Baka mamaya ay asarin niya lang ako at sasabihin interesado na ako kay Stell. It's not like that.

"I heared from Kuya Josh na magkasama pala sila na nangtraining."

"Training?" nagtataka kong sambit habang nakakunot ang noo.

"Yes. Kuya Josh said na nasa isang Korean Company sila ngayon then nagtrain sila to be an idol... Nga pala, they just debuted this month. Naalala mo nung sinabi kong pupunta kami sa birthday ng pinsan ko? It was Kuya Josh' birthday then few days after, binalitaan niya ako na nakapag-debut sila. Akalain mo 'yon, ang galing ng pinsan ko."

Proud is evident on Elle's voice. She really seems proud of that Josh.

But I'm still confused. What idol? Si Josh, kasama si Stell, idol na sila? I don't really get it. Hindi ko naman kasi binibigyang pansin yang mga ganyang bagay kaya hindi ako masyadong pamilyar.

"But this is the sad part. Since they are promoting PPOP, which is hindi naman masyadong nabibigyang pansin dito sa Pinas, parang wala pa lang din nangyayari kahit na ngayong nakapag-debut sila... Alam mo, you should listen to their song, yung Tilaluha, ganda non, kahit masakit."

Nakikinig lang ako kay Elle. Baka sakaling maliwanagan ako ng kahit kaunti.

"Tsaka, eto talaga yung punto ko kung bakit ko 'to sinasabi sayo. Isa doon sa ka-member nila, si Justin, ang cute-cute, and I have a crush on him."

Napangiwi at napailing ako dahil doon.

Ang kaharutang taglay ni Elle ay gumagana nanaman.

"Ah, right, SB19."

"SB19?" I asked Elle while she's looking on her phone.

"Yes. 'Yun yung name ng group nila."

Napatango nalang ako at hindi na nagsalita pa.

Tama nga, hindi ko pa kilala si Stell. Pero bakit ko nga ba 'to iniisip? Dapat wala lang 'to sakin...

Thinking of him Stell right now, mukhang hindi pa ako handa sakaling makita siya ulit. After what I did, nakakahiya. I just left after I got him satisfied that night, hindi na ako nagtagal pa roon dahil baka may sumunod pa, edi nalintikan na.

I unconsciously held my cheeks, then my throat. Gosh, I still can't believe I took him full in my mouth.

"Umayos ka nga, Vera.  Nakatingin na sayo yung ex mo."

Napaayos ako nang mahinang sikuhin ako ni Elle. Nakalimutan ko na nasa eskwelahan nga kami pero di ko naman alam na nakatingin sakin yung ex ko.

I just look at him with a blank expression. Same as him, wala rin akong nakikitang ekspresyon sakaniya.

Wala naman akong problema sa dalawang ex ko. Hindi naman nila ako ginugulo pakatapos naming maghiwalay. We're back to being strangers, that's it. We're just minding our own businesses.

"Pinagpuyatan ko 'yon, ano ba, tapos ang baba ng grade na ibibigay!" Elle ranted to me after our class from Mrs. Ramirez.

Mrs. Ramirez announced earlier our grades from that kind of a project na pinagawa samin individually. At itong si Elle, hindi siya nakuntento sa nakuha niya kahit na mataas naman. Lamang nga siya sakin ng dalawang puntos eh, nagrereklamo pa.

"Doon ka sakaniya magreklamo. May magagawa ba ako roon?" inis kong sambit sakaniya.

I'm a little bit pissed now dahil hanggang ngayon ay wala pa rin akong maayos na tulog, inaantok pa ako kaya medyo masakit din ngayon ang ulo ko. Dagdag pa siya na rant nang rant dito sa tabi ko.

"Eto naman, ang sungit. Meron ka 'no?"

"Wala!" I hissed at her. "Inaantok ako, 'yon!" sabi ko pa.

"Sus, palusot." aniya tsaka mahinang sinundot ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. "Miss mo lang si Stell eh, porket ilang araw na kayong di nagkikita."

My forehead creased as my brows furrowed.

At kailan ko pa sinabing namimiss ko yung lalaking 'yon? Sana nga hindi ko na makita 'yon eh.

"Stop it, Marielle. Wala akong sinasabing ganyan." seryoso kong saad kaya natahimik din siya sa wakas. Wala eh, tinawag ko na sa buong pangalan.

Days passes again peacefully. I guess I'm becoming more productive than before. Lagi na akong umuuwi sa condo ko dahil wala namang gumugulo sa akin. School and condo nalang ako lagi. I haven't gone to a bar or any clubs these past few days.

Seems weird but, nakakaramdam ako lately ng lungkot. It started when Elle and I had a dinner outside, sa isa 'yong restaurant. And then sa kabilang table, may isang pamilya roon na kumakain. They look so happy.

Elle noticed me that time and after we had dinner, she consoled me and do anything to lift my mood up.

Nakapag-dinner naman ako kasama ang mga parents ko noon, pero hindi kami ganon kasaya. Magkakasama ngang kumakain sa iisang mesa pero halos wala namang imikan.

Just to be clear, I don't hold any grudge at them. Medyo malaki lang yung pagsisisi ko dahil wala akong nagawa noong nabubuhay pa sila. I didn't try to improve our relationship with each other. The bond we had wasn't strong too.

So I want my future family, opposite to mine that I had before with my parents. Gusto ko, may magandang relasyon ako sa magiging asawa ko at sa mga magiging anak ko. Ayokong may pagsisihan ulit ako pagdating sa ganong bagay. I will be giving my future family my full attention.

I suddenly remembered that some of my parents' things are here with me. Tulad nalang noong wedding picture nila at yung family picture namin noong bata ako na nasa picture frame. I put it into my side table. Wala akong ginawa kundi ang titigan 'yon.

Bigla nalang din tuloy akong napaisip. Did my parents love each other? Probably yes because they married each other and they had me. Pero noong lumalaki na ako, parang hindi naman. O hindi ko lang nararamdaman dahil parehas silang wala? Wala rin akong kapatid. Kaya nga noong nakilala ko si Elle at naging magkaibigan kami, siya na yung tinuturing kong kapatid. Magkapatid ang turingan namin sa isa't isa dahil parehas lang naman kaming only child.

Maybe sooner, if I have a time, I'll visit our house. Matagal na akong hindi umuuwi roon dahil may condo naman ako. That house feel empty kaya ayokong tumira na o mamalagi roon.

Now I just have to do something to cope up, to feel better...

Desired LoveWhere stories live. Discover now