CHAPTER 5

1.4K 37 25
                                    

🔞

It was just last week when Elle dragged me into a new place that turned out to be my new condo. Hindi man lang siya nagpasabi na may nahanap na pala siya.

As of now ay komportable naman ako sa bago kong condo. Nailipat ko na rin yung mga gamit ko.

I'm getting ready to go to school at minessage ko na rin kanina si Elle na sabay na kaming papasok. Dalawang araw akong hindi nakapasok dahil inayos ko pa yung mga gamit ko rito. It's Friday today, nakakatamad pero kailanga ko nang pumasok.

Palabas na ako ng unit ko nang bigla siyang tumawag. Nailayo ko pa yung phone ko sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.

"Wala tayong pasok! Anong sinasabi mo?"

My brows furrowed.

Walang pasok? Hindi ko naman alam.

"Hindi ko alam, at wala ka namang sinabi sa akin kahapon kahit na pumunta ka naman dito!"

"Oh, shoot, I forgot to tell you."

Napasapo nalang ako ng noo ko. Umandar naman ang pagiging makakalimutin niya.

"Sige na, sige na. I'm still sleepy you know."

Ibinaba ko nalang ang phone ko.

Inilapag ko nalang sa couch ko ang bag ko tsaka bumalik sa kwarto ko para magbihis. Edi sana natutulog pa rin ako ngayon kung hindi lang ni Elle nakalimutan na iinform ako.

It's already afternoon and the sun is about to set when I decided to take a quick stroll at the park. Nakakamiss naman kasi na maglakad-lakad sa ganitong lugar, hindi yung palaging sa bar nalang ako dumidiretso.

My brows furrowed in annoyance when I overheard this young couple's conversation. Hindi ko maiwasan na hindi marinig ang usapan nila dahil sa katabing bench ko lang sila nakaupo. Ang guess what the hell they're talking about? Narinig ko yung lalaki na pinagyayabang doon sa jowa niya kung gaano raw siya kasarap. Like, what the hell? Baka dinaig pa ako ng batang 'to, wala pa akong experience 'no, and I don't taste men, like what he's thinking. Hindi ko nga alam kung eighteen years old na ba sila.

Ang lakas ng loob niyang magkwento ng ganon dito ha.

Dahil sa pagkairita ay umalis nalang ako.

There are food stalls here na nagtitinda ng street foods kaya naisipan kong bumili. Natakam ako sa barbeque kaya 'yon ang binili ko.

I'm eating in the side walk peacefully when I felt my phone vibrated inside my pocket. I take a look at it and I received a message from Stell.

from Stell:
Let's hang out tonight. Same place. 10 PM.

My brows furrowed again. Maypagka-desisyon din talaga siya eh, hindi pa ako pumapayag pero nagbigay na ng details para hindi ako makatanggi.

I didn't bother to reply kaya ibinalik ko nalang sa bulsa ko ang phone ko.

Nang matapos akong kumain ay umuwi na rin ako.

I didn't bother to eat dinner dahil nabusog naman na ako. Nagmuni-muni nalang ako sa condo at nagpalipas ng oras. Then I showered again dahil magkikita kami ni Stell.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Desired LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon