CHAPTER 30

869 31 5
                                    

VERA's POV

"Mommy!"

I smiled sweetly as Elli kissed on my cheek. Hinalikan ko rin siya sa pisngi niya tsaka kinuha sakaniya ang maliit niyang bag.

"How's school, baby?" I asked her.

I just fetched her here at school. This is my routine now, after work ay didiretso ako sa school ni Elli para sunduin siya.

Elli gave me two thumbs up kaya napangiti nalang ako. I know naman na she's doing good at school but I still ask her to check.

Pinasakay ko na siya sa kotse tsaka ako nag-drive. Tinanong ko na rin siya kung nagugutom ba siya so I can buy her some snacks.

"Are you hungry?" I asked her.

"No po." tumango nalang ako.

Dumiretso na akong nagdrive pauwi sa bahay at hindi na kami pumunta pa sa kung saan. Besides, magsasabi naman si Elli sa akin kung may gusto ba siyang puntahan.

"Elli, slow down, 'wag tatakbo." sabi ko sakaniya nang makababa siya ng sasakyan. Tumakbo ba naman kasi papasok ng bahay.

I get her bag saka ako bumaba na sa kotse nang maipark ko na ang sasakyan sa garahe. As long as I entered the house, bumungad sa akin si Elli tsaka si Liza na nag-uusap. Elli is whispering something to her Ate Liza so my brows furrowed a bit.

Liza looked at me and smiled. Napaayos naman ng tayo si Elli tsaka nakangiting tumingin sakin.

"Why?" I asked them.

"Ate Vera, may gusto po kasing sabihin sainyo si Elli." Liza said while grinning.

"What is it, Elli?" I asked

Hindi kaagad siya nagsalita. Instead, she get Liza's phone and showed something to me nang lumapit siya.

I just stared at it before letting out a sigh. She's at it again.

"Concert, Mommy, esbi..." she said. Pinagkatitigan ko lang iyon tsaka niya binalik ang phone kay Liza. "Mommy, punta po tayo... Please?"

"No. You're still young, maraming tao roon, gusto mo bang mawala? And besides, baka may pasok ka. I won't let you be absent on your class just for that." I said without any hesitation. Tumayo na rin ako mula sa pagkakaupo. "Go upstairs, magbihis ka na." sabi ko pa.

"But Mommy..." sambit niya pa tsaka hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sakaniya.

Yung mga mata ngayon ni Elli, nakikiusap, it's my weakness, but not now. Pwede ko siyang pagbigyan sa mga gusto niya pero kung tungkol sa bagay na iyon, hindi ko alam, baka hindi.

"Go upstairs and change your clothes. Then bumaba ka nalang, I'll prepare you snacks." sabi ko nalang.

Napabitiw siya sa kamay ko tsaka bahagyang napayuko, dahan-dahan na rin siyang napatango. I watch her go upstairs. She looks down, but still, hindi ko pa rin siya mapapagbigyan.

Napabuga nalang ako ng hangin tsaka umakyat nalang din at pumunta sa kwarto para makapagbihis. Pagkatapos ay agad din akong bumaba para mag-prepare ng snacks para kay Elli.

I know if I gave her chocolates, ngingiti rin iyon. She's into sweets and her favorite is chocolates. Kahit na paborito niya iyon ay alam naman niya yung limitasyon niya. I always remind her about that. Masama rin kasing masobrahan sa matatamis lalo na't bata pa siya.

"Eat it, then I'll give you your favorite pag naubos mo na 'yan." sabi ko kay Elli.

Pinuntahan ko nalang siya rito sa kwarto niya dahil nung tinawag ko siya ay hindi siya bumaba. Nagtampo nga. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nanonood ng videos ng SB19, right, pinapanood niya yung Tatay niya. But she doesn't know that Stell is her Dad, pero base sa bukambibig niya sa akin, si Stell ang paborito niya sa lima.

Desired LoveWhere stories live. Discover now