CHAPTER 24

875 34 1
                                    

I felt so sorry to Elle. Sa condo na niya ako nakatulog dahil hindi maayos ang pakiramdam ko kagabi at hindi na ako nakauwi.

I didn't have a good sleep. I was awake the whole night and just silently crying. Hindi ko alam na ganon na pala ka-grabe ang epekto sa akin ni Stell. He made me cry without him knowing.

Hindi ko rin alam kung bakit pero kanina ay maaga akong napabangon. Parang bumaliktad nanaman ang sikmura ko kaya napapunta ako sa banyo bigla at doon sumuka. I vommited and I don't know why, medyo nahihilo pa rin ako.

I left Elle's condo at 5:30 AM at umuwi na ako sa condo ko. I prepared for work even though I'm still not feeling well. Pumasok ako sa trabaho nang mabigat ang pakiramdam.

Matamlay ako habang nasa office. Pansin na pansin iyon ni Elle kaya kapag may pagkakataon o wala siyang ginagawa ay nilalapitan niya ako at kinakamusta. Kaya para wala akong maabala ay pinilit ko ang sarili ko na maging okay. I acted as if I'm fine. Pero pag-uwi ko naman sa condo ay doon ako halos manghina. Hindi na nga ako nakakain ng hapunan at itinulog ko nalang yung sama ng pakiramdam ko.

But it just continued. Every morning I would get up early dahil nasusuka na kaagad ako, wala pa naman akong kinakain o ginagawa. Pero mabuti nalang at hindi na masyadong sumasakit ang ulo ko.

The days passed by and I thought I would be better dahil hindi ko na nga nakikita si Stell. But something unexpected happened, parang mas lalo nang nagiging magulo ang sitwasyon ko.

<FLASHBACK>

I'm about to go inside the bar when I saw Liam got out of his car. Mukhang totoo nga ang sinabi niyang palagi siyang nandito. Hindi niya ako napansin dahil sa medyo madilim sa gawi ko pero nang madaanan niya ako ay marahan ko siyang hinigit sa braso. He suddenly stopped and his brows furrowed and his forehead creased, pero nang makilala niya ako nawala rin kaagad yung nakakunot niyang noo.

"Vera" he uttered my name.

I just nodded and didn't bother to smile nor greet him.

Walang pasabi akong sumabay sakaniya sa pagpasok sa bar. I know he's wondering why pero hindi na siya nagtanong pa at hinayaan nalang akong sumama sakaniya.

We ordered a drink but I just ordered a pineapple juice for myself. Mukhang ayoko na talaga sa alak.

I just got uncomfortable dahil sa tingin ng kumuha ng order namin. Iba yung tingin niya sa amin ni Liam, akala mo naman may atraso kami sakaniya. But everytime I catch him glancing at us ay napapaiwas siya ng tingin. Gusto ko sanang sabihin kay Liam ang tungkol doon pero baka may gawin lang siya at magkagulo pa kaya isinawalang-bahala ko nalang.

Liam was about to light up his cigarette when I stopped him.

"Don't you dare smoke in front of me." I said to him.

He stopped for a while. Pagkatapos ay napailing siya at may nasilayan akong ngiti sa labi niya.

"You sounded like her right now, huh. You guys don't want me to smoke." mahina niyang saad na ipinagtaka ko. Ano bang sinasabi niya?

"What?" I asked, confused.

But instead of answering me, Liam just shake his head. Umiling siya ng ilang beses habang may maliit na ngiti sa labi.

Desired LoveWhere stories live. Discover now