CHAPTER 33

885 31 22
                                    

STELL's POV

I tried to went to the mall without a mask covering my face. Nakakasawa rin kasi, sagabal sa mukha. Alam kong may mga taong makikilala ako pero hahayaan ko nalang sila. I know they'll just let me, hindi naman ako dudumugin ng tao rito.

Rest day namin ngayon kaya naisipan ko na lumabas mag-isa. Alam kong may kaniya-kaniya rin kasing ginagawa yung apat kaya napagdesisyunan kong ako nalang.

I'm just smiling at the people na nakakakilala sa akin when a kid suddenly bumped into me kaya napatigil kami pareho sa paglalakad.

"Sorry, baby." I apologized.

The kid looked up to me at ganon nalang ang gulat niya nang makita ako. Mukhang kilala ako ng batang 'to ah.

"S-Stell?" I guessed it right, she knows me.

I smiled then nodded at her.

"Oh my god, Kuya Stell! Sorry po, nabangga po sainyo si Elli." napatingin ako roon sa babae na lumapit sa amin tsaka hinawakan yung batang babae na tinawag niyang Elli.

"Ah, it's okay. Ang cute nga niya eh, ang galing, kilala niya 'ko." sabi ko tsaka mahinang tumawa.

"Fan po siya eh."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. So this little girl is a fan of us. She's adorable.

"Picture po..."

I didn't hesitate and I just nodded immediately when Elli asked for a picture. Humawak pa siya sa kamay ko. Ang cute na bata.

"Hala... Thank you po, Kuya Stell! Sobra po!" sabi nung babae nang makapagpicture na kami.

Tumango lang ako habang nakangiti pa rin.

"You're like Daddy po. Nagsising and dance rin po siya sabi ni Mommy."

Nagbaba ako ng tingin kay Elli. Nakatingala siya sa akin kaya ibinaba ko rin ang katawan ko para magkalebel na kami, para hindi na rin siya tumingala.

"Really? Sino ba yung Daddy mo? Baka kilaka ko." pagtatanong ko sakaniya.

Para bang may kung ano akong nasabi at bigla akong nakakita ng kalungkutan sa mata niya. Wala naman akong nasabi, diba? I just asked who's her Dad, that's all.

"Ah, sorry po Kuya Stell, ah? Medyo complicated lang po yung family nila, hindi niya pa po nakikilala yung Daddy niya." pagsingit nung babae.

Napatango nalang ako. Ang lungkot naman non.

"Sorry rin, baby ha? Nasan ba Mommy mo?" tanong ko ulit pero hindi siya umimik kaya yung babae nalang ulit na kasama niya ang sumagot sa tanong ko.

"Nagogrocery lang po sa supermarket." she said and I just nodded.

I stand up and ruffled Elli's hair. Hindi naman siya masyadong nagulo.

"See you next time, hmm? Good girl ka sa Mommy mo ha?" sabi ko kay Elli.

Sa wakas ay ngumiti na rin siya kaya napangiti pa rin ako. Her eyes we're now happy while looking at me. Ang gaan ng pakiramdam ko sa batang 'to.

Elli thanked me for the picture, ganon din yung babae. Nagpaalam na rin kami sa isa't isa. Paalis na rin pala sila at papunta na sa parking lot kung nasaan yung Mommy ni Elli.

Alam kong masarap sa pakiramdam kapag may nakakasalumuha akong tao tapos fan pala namin. Pero yung kay Elli, iba eh. There is something...

I spent the day all by myself. Sinulit ko na dahil busy nanaman kami dahil sa paparating naming concert. We have rehearsals everyday, minsan nagsstay nalang ako sa studio at hindi na umuuwi pa ng condo.

Desired LoveWhere stories live. Discover now