CHAPTER 12

1K 28 2
                                    

"To everyone on this venue, thank you so much for coming here and for watching our first mini concert. We hope this will not be the last. Maraming maraming salamat po talaga sa paglaan niyo ng kaunting oras niyo para rito." sabi ni Elle, Sejun daw ang pangalan nung nagsalita.

Pumunta ako. Wala naman akong gagawin kaya pumunta nalang ako sa concert, sayang din yung ticket na binigay ni Stell.

I expected that there will be lots of people who will watch their concert but unfortunately, kaunti lang kaming nanood.

Now I'm wondering. Their group is so underrated. Magaling sila kahit kanina ko palang sila nakitang magperform. More people should see how good they are. Tsaka si Stell, hindi ko inaakala na magaling pala siyang kumanta at sumayaw. I'm impressed, okay.

"Ang kaunti ng nanood kanina. Bakit ganon?" tanong ko kay Elle.

Nandito na kami sa isang fast food chain. We decided na dumiretso na rito para kumain. Two hours din yung concert kanina, ngayon ay pasado alas singko na ng hapon.

"Kasi kakaunti palang nung may alam sakanila. Nabanggit nga ni Kuya Josh sa akin nung binigyan niya ako ng ticket, mga kakilala or kaibigan lang din daw nila yung binigyan nila. Kaya malamang yung mga kasama natin kaninang manood, kakilala lang din nila." sabi ni Elle.

I just stayed silent and just nodded my head.

I was just alone kaninang pagpunta ko sa venue at nagulat nalang ako nang magkita kami ni Elle roon. She said Josh gave him a ticket, at ako naman sinabi ko nalang din na binigyan ako ni Stell ng ticket. Wala namang point kung magsisinungaling pa ako sakaniya.

Mabuti nalang at hindi naman nagtanong pa masyado si Elle kung nagkikita ba kami madalas ni Stell dahil binigyan niya nga ako ng ticket. Maybe I should make it a secret na pumayag ako sa gusto ni Stell.

Sumabay ako kay Elle pauwi sa condo niya. It's been a while since we sleep together kaya doon ako sakaniya nagpalipas ng gabi tutal wala naman akong kasama sa condo o gagawin.

The days passes by, balik ulit sa dati, busy ako sa school, kami ni Elle actually. Ang ipanagpapasalamat ko lang ay walang Liam na nagpakita o nanggulo sa akin pagkatapos ng gabing 'yon. Sana naman wag na niyang ulitin 'yon, I don't wan to worry. I hope Liam get to accept the fact that I won't comeback to him. There's no reason for me to comeback.

"Kamusta po kayo rito?" I asked the care taker of our house.

Ngayon ko lang kasi naalalang bumisita sa bahay. And I have a free time for today kaya pumunta na ako.

"Okay lang naman, hija... Mabuti at napabisita ka."

Ngumiti lang ako ng maliit tsaka tumango.

Pinaupo ako ni Manang tsaka niya ako pinaghandaan ng juice atsaka sandwich kaya nagpasalamat ako.

"Ngayon lang po ako nagka-oras eh. Alam niyo naman po na graduating na ako. Pero hayaan niyo po, bibisita pa naman po ulit ako rito." sabi ko.

"Sigurado ako na proud sayo yung mga magulang mo."

I just forced a smile to Manang.

Hindi ko alam kung proud ba sakin yung mga magulang ko kahit wala na sila. Gagraduate naman ako eh, nag-aaral ako. Pero naalala ko na hindi nga pala si vocal tungkol sa mga ganong bagay kahit noon kaya hindi ko rin alam kung anong mararamdaman ko, pero nasanay na ako. I just lived with it.

Hindi pa muna kaagad ako umuwi sa condo kaagad. I inspected the whole house. Maayos naman yung mga gamit at kagaya lang 'yon ng dati. The rooms were clean, hindi nila pinapabayaan.

Desired LoveWhere stories live. Discover now