CHAPTER 29

805 26 6
                                    

Being pregnant didn't became easy for me lalo na't wala naman akong katuwang pero kaya ko naman, at kakayanin ko pa.

Napapailing nalang ako minsan tuwing narerealize ko na yung mga pagkain na kinecrave ko ay ako rin ang nagbibigay sa sarili ko. Mabuti nalang talaga at meron namang naoorder online ng mga pagkain na gusto ko.

I know it will be hard so when I'm already at my sixth month pregnancy ay bumalik na ako sa bahay. I moved back there, wala na ako sa condo, hindi na ako umuuwi roon. Doon palagi akong may kasama dahil nandoon si Manang at may dalawang katulong pa na kasama siya. They were all shocked to see me pregnant at mas lalo pang nagulat nang sabihin kong ako lang mag-isa ang humaharap non.

And now that I'm on my seventh month, nagsisimula na akong bumili ng mga gamit ni baby. Pinapaayos ko na rin yung isang kwarto para maging kwarto niya pag lumaki na siya.

Time really flies fast. Dati, I only care about my hapiness, pero ngayon iniisip ko na yung sa amin ng baby ko. Kung anong mga gagawin namin kapag lumaki na siya, yung magiging bonding ba. Kapag iniisip ko 'yon ay nawawala ang stress ko which is a good thing.

"Hi, Manang... Si Vera po?"

Pababa palang ako ng hagdan ay narinig ko na ang boses ni Elle. Sinundo niya ako ngayon dito sa bahay dahil ang sabi niya ay gusto niya raw sumama sa akin sa pamimili ng ibang gamit ni baby kaya agad naman akong pumayag.

"Ay, wow. Ang ganda ni buntis!" sambit ni Elle nang makita ako.

I just rolled my eyes on her. Maganda naman talaga ako. So whatever my child may be, alam kong maganda o gwapo 'to, mana sa Mommy eh.

Agad din kaming umalis at hindi na nag-aksaya pa ng oras. Dumiretso kami sa mall para mamili.

Mukhang mas aliw pa si Elle mamili kaysa sa akin. Pwera sa mga pinamili ko, kung ano-ano nalang din ang kinukuha niya basta maganda sa paningin niya para sa baby ko. Advance gift niya na raw 'yon. Sobrang advance niya, napakaaga.

"Hon, eto oh, ang cute. Kunin na natin 'to."

Napatingin ako sa kabilang side nang may marinig akong boses.

They're a couple, siguro mag-asawa na sila. Just like me, namimili rin sila ng mga gamit ng baby. Buntis din yung babae, kasama niya yung lalaki na namimili. Ang saya nila tignan.

Napaiwas nalang ako ng tingin tsaka napabuntong-hininga nang mapatagal ang titig ko sakanila.

Tutal marami na rin ang napamili ko ay inaya ko na si Elle sa may counter para makapagbayad na. Dinagdag ko nalang 'tong mga pinamili ko ngayon dahil last time ay nakabili na rin ako.

Naglalakad-lakad nalang kami habang dala namin yung mga paperbags nang may mahagip ang mga mata ko. I saw Stell together with Ken. They're both wearing a mask but I can't be wrong, sila 'yon.

Napansin ko na pwede kaming magkasalubong kaya bago pa man iyon mangyari ay agad ko nang hinatak si Elle pabalik. Nagtaka siya sa inasta ko kaya nagtanong siya.

"Hoy, bakit?" tanong niya.

Pasimple ko nalang siyang binulungan. "I saw him. Kasama si Ken. Umalis nalang tayo agad dito." sabi ko.

Napatango naman siya at saglit na tumingin sa likod. Pagkatapos ay napabuntong-hininga nalang siya tsaka sumunod sa akin.

Napanindigan ko yung sinabi kong last na iyon na kakausapin ko siya at titigilan na sa pangungulit ko sakaniya. And I know he's happy with it. Mukhang wala lang nga iyon sakaniya eh. Alam kong hindi na rin niya inisip iyon dahil ang focus at atensiyon niya ay nasa grupo niya, nasa career nila.

For now, what I'm thinking of is myself and about my baby's future. Humihingi na agad ako ng tawad sakaniya dahil lalaki siyang walang ama, at kasalanan ko pa. Sana lang maintindihan niya ako. I will just do my best to be a good mother, magiging mabuting magulang ako sakaniya.

Nang sumapit na ang gabi at wala akong magawa ay naisipan kong tignan yung mga pinamili namin ni Elle. I checked the paperbags tsaka inilabas doon yung mga damit, gamit, at iba pang binili namin kanina.

"Aw, baby oh, ang cute nung binili ng Tita Ninang mo." sambit ko habang nakangiting pinagmamasdan yung mga pinili ni Elle. Nakahawak pa ako sa tiyan ko habang marahang hinahaplos iyon.

When I got satisfied by just looking at it ay iniligpit ko na ang mga iyon tsaka natulog na.

I always wake up early to go to work. Nagtatrabaho pa ako hanggang ngayon sa office. Tsaka nalang ako magle-leave o titigil muna ako sa pagtatrabaho kapag malapit na akong manganak. Now I still need to work. Magtatrabaho ako pero hindi ko kailangan pagurin masyado ang sarili ko para lang kumayod. I have my own savings, malaki na 'yon dahil hindi ko naman masyado 'yong ginagalaw. Tapos yung naiwan pa sakin ng mga magulang ko. So I'm confident that I can provide our needs.

I'll prove to him that I can. Kaya ko kahit na wala siya rito. Kaya kong palakihin ang magiging anak namin nang maayos. He said that I'm tough, then be it.

STELL's POV

I'm smiling widely while looking at the people in front of us. They're our fans, A'TIN. Who would've thought na magkakaroon kami ng maraming fans? Parang noong isang taon lang, pamilya at kaibigan lang namin nakakaalam sa existence ng grupo namin, but now, they're a lot.

I saw Elle, alone, she's watching. I looked at Justin and showed him a teasing smile. Napatingin naman siya sakin tsaka ako sinamaan ng tingin kaya mahina nalang akong natawa.

That would always be the scenario kada may event, concert, o anong ganap kami. Our fans will always be there anytime and anywhere.

Doon na umiikot ang buhay ko. My life rotated in our career, performing or what so ever. Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko, I have no regrets. Even though I'm not with my parents right now, what's important for me is they're finally happy for me. I already got their support.

I moved in to a new condo. Lumipat ako para magsimula, I guess? I just want to leave those not so good memories. Umuusad ako kaya kailangan maiwan ko 'yon. I don't want those bad memories to be stuck in my head. Hindi makakatulong.

At isa pa, marami nang may nakakakilala sa akin. Malay ko ba yung iba ay alam kung saan ako nakatira at bigla nalang akong puntahan doon sa dati kong condo. I just want my privacy.

I'll leave it behind. Lahat nang alam kong hindi makakatulong sa akin o yung maaring makasagabal sa akin ay hindi ko na inisip pa. I'll just focus now on the present and in what ever may come in the future.

——————————

Short update lang muna. Di ako maka-focus lately, parang distracted ako.

-Zy

Desired LoveKde žijí příběhy. Začni objevovat