CHAPTER 63

255 10 2
                                    

Nakarating kami ng hotel kung saan may business party daw. Akala ko family dinner lang pero mauuna raw iyon bago 'yung party.

Tinulungan kong makalabas si Lucas at pagkababa niya ay dumiretso agad sa mga pinsan niya.

"Careful," habol ko sa kanya.

"Yes, mama." He walked straight to where his cousins were and walk with them.

Pinanood ko siyang naglalakad kasama sina Glen na tuwang-tuwa naman sa kanya. Luca wrapped his arm around me tightly.

I was busy watching my son nang mapansin ang klase nang pagkapulot ng braso ni Luca. Tumingin ako sa kanya at panay ang tingin niya ng masama sa mga lalaking nakatingin sa banda namin.

"Luca, what are you doing?" He looked at me with no emotions.

His forehead was creased and his eyes were dark. "I told you. Don't wear that. Look, mukhang mapapaaway ako nito."

Maang ko siyang tinitigan. Is he serious? Sinubukan kong tignan ang mga nakatingin sa banda namin nang hulihin ng isang kamay ni Luca ang panga ko at pinaharap ang ulo ko sa kanya. "Look at me."

Dumilim ang mga mata niya at inis ang mukha. "What? Titingnan ko lang."

"No. You're not allowed to look at them." Halos takpan na niya ang mga mata ko at iginaya akong maglakad. Halos takpan na niya ako sa mga mata ng mga tao. "Let's go."

"Oh yeah. Ikaw ba ang mga mata ko? I can look at them the whole night."

"Shut up or I'll kiss you in front of them. You choose."

Natuptop ang bunganga ko dahil alam kong tototohanin niya. Wala siyang sinabi na hindi niya ginawa. He's a man of his words after all.

Hindi ko na maaninag sina Lucas nang dumiretso ang tingin ko at hindi ko na sila makita pa. We entered the hotel and thankfully, wala masyadong reporters unlike before.

Nakapasok kami ng maayos at hindi na namin pinansin ang receptionist na bumati. Nilagpasan lang namin sila at sumakay ng elevator.

"Sa rooftop ang venue. We'll eat dinner first with my family before the party. Don't expect me to let you join that shit. Uuwi na rin tayo agad kapag tapos na ang dinner."

Tahimik lang ako sa tabi niya habang pinagsasabihan niya ako na parang tatay ko. He keeps telling me not to walk around alone. At kapag kailangan ko raw magbanyo ay sabihan ko siya.

Alam kong naaalala niya pa rin ang pagtakas ko mula sa kanya noon noong sinabi kong mag-c-cr lang ako. Parang ngayon ay hindi na niya ako paniniwalaan kapag sinabi kong magbabanyo lang ako.

"Whatever. Kung tatakas man ako, kailangan kong mag-isip ng mas matalinong plano dahil isasama ko ang anak ko."

Kung magsalita siya parang tatakasan ko na naman siya, a. Mas nilapit niya ako sa katawan niya at halos takpan na niya ang buong katawan ko nang bumukas na ang elevator. Lumabas kami roon.

"Really? Let's see if you will succeed."

"What if I did?" Naglakad kami sa hallway at hindi ko alam kung saan kami magdidinner.

Hindi rin naman ito rooftop. Doon daw gaganapin 'yung party pero hindi niya sinabi kung saan kami magdidinner with his family.

"You think I'll let you?"

"No, but what if I really did?" Bigla siyang tumigil at marahas akong pinaharap sa kanya. Still holding me on my waist.

He looked dangerously at me. "Are you planning to leave me again and with my son?"

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now