CHAPTER 40

651 27 11
                                    

"Ito ang isuot me." Inabot sa'kin ni Luca ang isang box. Nagtataka ko siyang tinignan. "Nasa loob niyan ang susuotin mo."

"Okay." Tumango ako sa kanya. Tumingin ako sa kanya na hindi pa rin umaalis. Pinandilatan ko siya ng tingin.

He rolled his eyes. "Fine. As if I haven't seen every part of your body before."

Tumalikod na siya at lumabas na ng kwarto. Napailing-iling ako sa inasta niya. As if siya lang nakakita ng buong katawan ko, 'no.

Binuksan ko ang box at nakita ang kulay asul na nasisiguro kong dress. Inilabas ko iyon at kinilatis. Naningkit pa ang mga mata ko ng makitang v-neck iyon at long sleeves. Hindi aabot sa gitna ng dibdib ang pagka-v ng dress. Ayos lang naman. Ang ganda ng design so I won't complain with this. May mga kumikinang na nakadikit sa bandang dibdib ng dress.

Sinimulan ko na lang isuot iyon at eksaktong hanggang mga tuhod ko lang iyon. This is better than the dress before.

Meron na ring sandals na nasa loob ng kahon. Kapares siguro ng dress. Kinuha ko iyon at isinuot. Tatlong pulgada ang taas ng heels nito at may lace pang tinatali sa ankle. Kulay puti ito.

I'm curious, magkano ang ginastos nila rito. Paniguradong mahal ito. Hindi ko naman siguro babayaran kung nasira ito.

Nang matapos ako sa suot ko at ang buhok ko naman ang inayos ko. Kailangan ko ring mag-ayos. Baka mapahiya si Luca dahil sa'kin. Isipin pa nilang ang pangit ng kasama niya tapos siya... Nevermind.

I half my hair into two and braided it. Pagkatapos ay inikot ko ito at nilagay ng pantali. Ayaw kong nakalugay lang ang buhok ko. Kailangan ko na sigurong magpagupit.

I stared myself in the mirror. Very simple. Walang kahit na anong make up at accessories. Nagkibit balikat ako. Hindi rin naman ako gumagamit noon.

One last look and I decided to get out. Lumabas na ako at si Luca agad ang hinanap ng mga mata ko. I looked around but didn't see him. Where is he?

I walked sophisticately. Iisipin siguro ng mga tao na malayo ako sa kung saan naman dapat ako. I raised my chin while walking.

Nainis ako ng masigurong wala si Luca. Saan na ba 'yon? Hindi man lang nagsabi kung saan pupunta. Para hindi ako matanga kakahanap sa kanya.

Humalukipkip ako at inis na ibinagsak ang katawan sa couch. I hate waiting. Ilang minuto lang ang pasensya ko sa paghihitay. Kaya kapag wala pa siya at inis na inis na ako, lalayasan ko na talaga siya.

Bumukas ang pintuan at natigil ang kakaisip ko nang pumasok si Luca. He's not in his usual clothes. Hinagod ko siya ng tingin. He looks...hot.

He's wearing a black tuxedo and it fits his body. Katulad din ng akin na hapit sa katawan. Hindi naman talaga fitted ang damit niyang tuxedo pero sa laki ng katawan niya ay walang espasyo ang damit sa kanya. Nakaayos na rin ang buhok niya at ang ganda talaga niya sa mga mata.

Hinahagod din niya ako ng paningin but I care less. Tutok ako kakatingin sa kanya. My eyes landed on his neck tie. Hindi iyon nakaayos.

I walked straight to him at gano'n din siya. Pinapanood niya ang bawat kilos ko.

"Saan ka nagbihis?" Hinila ko ng marahan ang neck tie niya at inayos iyon. I feel his stares on me.

"Sa kwarto nina Hezekiah. Doon na ako nagbihis dahil ayaw mo namang sabay tayo," sabi niya na parang nagtatampo. Tumaas ang kilay ko. Sumabay? Parang hindi naman 'yan ang pakay niya kanina. Parang hinihintay talaga niyang maghubad na ako para makita ang katawan ko.

I chuckled at that. Pinagpag ko ang magkabilang balikat niya pagkatapos ayusin ang neck tie niya.

Akma na akong lalayo pero hinapit niya ako sa baywang para hindi tuluyang makalayo sa kaya. Inangat ko ang tingin sa kanya. Ang lapit niya sa'kin. Konti na lang ay magkakalikan na kami.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon