CHAPTER 2

1.3K 33 1
                                    

Tatlong gabi akong hindi bumalik sa bar. Sapat pa rin naman 'yung pera ko para sa susunod na mga araw kaya siguro hindi na muna ako magpapakama. Kapag bayaran ng upa na siguro. 'Yon lang naman ang pinakamalaking bayaran ko. Limang libo kada buwan. Malinis naman ang room at dalawang patulugan kaya gano'n ang presyo.

Kanina pa akong naiinis. May mga makukulit talagang mga customer.

"Bakit hindi, miss? Babayaran naman kita."

Hindi ko pinansin ito at patuloy ang pagseserve. Patuloy pa rin siya sa pangugngulit kaya abot langit na ang inis ko. Hindi lang siya ang nangulit sa'kin ng ganito. Meron din yung hindi talaga ako tinigilan hanggat hindi ko pinagbibigayan kaya pinagbigyan ko na. Malaki rin yung binayad.

Hinarap ko siya pagkatapos kong ilapag ang tray sa counter. Hindi siya kagwapuhan pero may ibubuga. Tansya ko rin ay nasa late 20's siya.

"Sa labas tayo." ngiting-ngiti naman siya nang kinausap ko na.

Iginaya ko siya palabas. Pero hindi pa kami tuluyang nakalabas nang may bumangga sa'kin. Hindi naman 'yon masakit pero halatang sinadya talaga.

Pinukulan ko ito ng tingin nang may napagtanto.

"Hey, tumingin ka sa dinaraanan mo." hindi ko pinansin ang lalaki sa likod ko at tinitigan lang ang lalaki sa harap ko.

Siya yung lalaki noong nakaraan. Nakalimutan ko na yung pangalan pero alam kong siya 'yon. Hindi talaga ako magaling magmemorya ng mga pangalan. Hindi na rin naman importante sa'kin 'yon. Mas lalo na yung mga isang gabi ko lang nakilala kaya hindi ko na talaga inaalala pa. Hindi ko na rin naman sila makikita.

Tinignan niya lang ako ng blangkong tingin bago nilipat sa lalaking nasa likod ko. Nakasuot siya itim na tee shirt at jogger. Mahilig yata sa itim. May suot siyang kulay gintong relo na sa tingin mo pa lang ay napakamahal talaga at naka rubber shoes siya. Bagay na bagay sa kanya yung suot niya. Kahit ano naman yatang suotin niya ay babagay sa kanya.

Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya na palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa kasama ko.

"Tara na." sa wakas ay natanggal ko ang tingin ko sa kanya nang magsalita ang kasama ko.

Tumango ako bago nagsimulang humakbang. Pero bago ko pa malagpasan ang lalaking nasa harapan ko ay nahigit na niya ang braso ko.

"Pare, akin 'to. Sa susunod ka na lang pagkatapos ko." inabot niya ang kabilang braso ko at hinila iyon palapit sa kanya.

Nakaramadam ako ng kirot sa klase ng pagkakahawak niya sa'kin. Nabitawan ako ng lalaking unang nanghablot sa'kin.

Nagsimulang mamuo ang pagkairita ko sa pagkakahawak ng lalaking nakasunod sa'kin. Sinabi kong sundan lang ako para kausapin ko siya ng matino pero kung umasta parang pumayag ako. Oo, pokpok ako pero may karapatan pa rin naman akong humindi.

Inis kong binawi ang braso ko at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Ano ba." nagpipigil kong angal.

Hindi ko na sila tinignan pa at lumabas na ng tuluyan. Huminto ako sa gilid na medyo may kadiliman. Ramdam kong sumunod sa'kin ang kanina pang nangungulit sa'kin. Hindi ko alam kung sumunod yung isa.

Humarap ako sa kanya bago nagsalita. "Hindi mo ba ako naintindihan kanina? Sabi kong hindi ako available ngayon."

"Bakit hindi? Magbabayad naman ako, a. Malaki ang ibabayad ko kaya hindi ka na lugi."

"May ibang bakante sa loob. Mamili ka na lang sa kanila." hindi ko na siya pinansin pa at nilagpasan na para bumalik sa loob. Bago pa ako tuluyang makalagpas ay nagsalita ulit ako. "Huwag mo na akong sundan."

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now