CHAPTER 15

1.1K 30 0
                                    

Pumasok kami sa loob ng club habang nakapulupot ang braso niya sa beywang ko. Kanina ko pa tinatanggal 'yon pero ang higpit ng pagkakahawak niya. Hinayaan ko na lang dahil alam ko namang hindi niya 'yon bibitawan.

Hindi na hiningi ng bouncer na nagbabatay sa tapat ng pintuan ang ID namin dahil halata namang nasa legal age na kami. At parang madalas dito si Luca dahil binati pa siya nito.

Iginala ko ang mga mata ko nang makapasok kami. Hindi ako nagkamali sa sinabi kong mas wild dito kesa sa pinagtatrabahuan ko.

Pagtangin ko pa lang sa gilid ay may mga halos magtalik na. May naghihipuan, halikan at landian.

Kaunti pa lang ang nagsasayawan dahil alas sais pa lang naman. Ganito rin sa pinagtatrabahuan ko. Mga alas nuebe saka rumarami ang mga tao.

"Let's go there." Hinila na ako ni Luca bago pa ako makapagsalita.

Habang naglalakad kami sa kung saan ay namataan ko ang mga pinsan niya. Apat silang nandoon. Yung kambal ni Luca, si Gideon at yung dalawang palangisi.

"Nandito na si Luca!" Anunsyo ni Gideon noong nakita niya kaming palapit dahil yung inuupuan niya ay nakaharap sa amin.

Nasa gilid silang banda. Dalawang round sofa ang magkaharap at round table na nasa gitna. Mag-isa lang na nakaupo si Gideon sa sofang nakaharap sa amin at yung tatlo naman sa isa.

"Woah!" Hiyawan nila nang lumingon sa amin.

Nagtataka siguro sila kung bakit kasama ako ni Luca. Matagal na rin tapos yung deal namin pero magkasama pa rin kami.

"Luca, my man! You came." Tumayo si Lyte para tapikin ang likod ni Luca nang makalapit kami.

Ngumiti lang siya sa'kin nang bumaling ang tingin sa'kin. Malamig ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay.

I can't see any disgust in his eyes but I know for sure that he's judging me inside. They all know that I'm a prostitute. And all people disgust prostitutes. Who wouldn't be? I even disgust myself, sila pa kaya?

"Fuck off." Inis lang na tugon ni Luca na ikinatawa ng mga pinsan niya.

Iginaya ako ni Luca na umupo sa sofang kinauupuan ni Gideon. Tutal 'yon lang naman ang available na upuan sa table nila.

"I thought the dare ended?" May naglalarong ngisi sa mukha ng kambal ni Luca at gano'n din ang iba niyang pinsan.

"What happened to our Luca?" dagdag pa ng pinsan niyang si Hez.

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at malamig lang na mukha ang hinarap ko sa kanila. Tinanggal na rin ni Luca ang braso niya sa beywang ko na ipinagpapasalamat ko.

"Iba na 'yan, Luca, a." Nagtawanan sila at patuloy na inasar pa si Luca.

Hindi niya pinansin ang mga pinsan niya at tahimik lang na nakinig sa mga pinsan niya.

"Oo nga pala, Luca. Umuwi ka ba sa mansion niyo?" Naging seryoso silang lahat sa tanong ni Gideon.

Tumahimik silang lahat at hinihintay ang sasabihin ni Luca.

"Hindi pa siya umuuwi." si Lucan ang sumagot nang hindi nagsalita si Luca.

"Galit daw si tito Malcolm at tita Elme, a." pagsabat ni Lyte.

Kahit nagtataka man ay hindi ako nangahas na magtanong. Maybe it's their family issue. I'm out of it.

"Umuwi ka na lang muna kaya, Luca." sabi ng kambal niya.

"Oo nga, baka kung anong gawin ni tito Malcolm kapag hindi ka nagpakita sa kanila." Bahagya pang tumingin sa'kin si Gideon na pinukulan ko lang ng malamig na tingin.

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now