CHAPTER 53

199 3 0
                                    

"Ang kapal ng mukha mong ilayo sa'kin ang anak ko."

"Ang kapal ng mukha mong itago sa'kin ang anak ko."

Nagtinginan kami ng masama. Hindi ako nagpatalo at gano'n din siya. Sa huli ay ako ang nag-iwas ng tingin. May mali rin ako. Pero masisisi niya ba ako? I did it to save myself and my son.

Hindi sa nagiging makasarili ako pero kailangan ko rin namang iligtas ang sarili ko. Alangan namang mamatay na lang ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana. He said we're going to Baguio to see my son. Talagang nilayo niya ang anak ko para sumama ako sa kanya.

"Because I have to."

"Then how about me?" may sakit sa boses niyang tanong.

"Sasabihin ko naman sa'yo."

"Kailan? Kapag malaki na ang anak ko? Tatlong taon, Denise. Tatlong taon kong hindi nakasama ang anak ko. Hindi ko man lang siya nakita noong sanggol siya."

I felt guilty but I didn't regret anything. I did it for my own good, for our own good. Hindi na ako nagsalita. Wala na akong masasabi pa.

"Sa puder ko titira ang anak ko."

I looked at him alerted. "Ano? Hindi pwede 'yon, Luca. Pwede mo naman siyang bisitahin sa puder ko. Hindi ko ipagkakait ang anak ko sa'yo."

"You can visit my son too. Pwede mo rin siyang bisitahin sa puder ko."

"No, Luca. Siya na lang ang meron ako. Huwag mo naman siyang kunin sa'kin."

"You want to be with my son?" I nodded repeatedly. "Then live with me."

"No! Hindi pwede!"

Hindi pwede. Malalaman at malalaman ng ina niya. At paano 'yung magiging asawa niya? Hindi iyon tama.

"Then no. Sa'kin pa rin titira ang anak ko. I can take full custody of my son. Live with me or you will never see him again."

"No! You said I can visit my son. Sinabi mong pwede ko siyang bisitahin sa puder mo!"

Hindi maari. Sa isipin pa lang mawawalay ako sa anak ko ay nawawasak na ako.

"I changed my mind."

Naiiyak na ako sa pinagsasabi niya. Paano niya nagagawa 'to sa'kin? Hindi niya ba nakikitang nasasaktan ako sa paglayo niya sa'kin ng anak ko?

"Hindi mo ako madadaan sa pag-iyak mo."

Binalik ko ang tingin sa bintana at pinigilan ang sariling maiyak. I hate him. He continued driving to the airport. Ayaw niyang sumakay sa barko at mas lalong ayaw ko. Mas matagal ko makikita ang anak ko kung gano'n.

Tahimik kami buong biyahe. Hindi ko na namalayang nakatulugan ko na pala ang patagong pag-iyak. Nang magising ako ay nakapark ang sasakyan sa kung saan at nakita kong wala si Luca sa driver's seat.

Nataranta ako at agad lumabas. I roamed my eyes around to see Luca. And there I saw him meters away talking with someone on the phone.

Nakatalikod siya sa banda ko at kitang-kita ko ang pagbabago ng katawan niya. Tumangkad nga siya at lumapad ang katawan. Humarap siya at nahuli ang tingin ko sa kanya.

Napatigil siya at tumitig din sa'kin habang may kausap. Hindi ako lumapit for his privacy. Hinintay kong matapos siya sa pakikipag-usap.

Kalaunan ay binaba niya ang telepono at naglakad palapit sa'kin. Hinintay ko siyang makarating sa harap ko.

Habang lumalapit siya ay hindi niya iniwas ang tingin sa'kin. Kinilatis niya ang mukha ko na ikinaiwas ko ng tingin.

"You cried."

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now