CHAPTER 62

299 7 1
                                    

"Ang ganda mo. Sabi ko na nga ba babagay sa'yo 'yan," papuri sa'kin ni Glen habang nakaharap ako sa salamin. Nakatitig ako sa sarili kong nakasuot ng dress.

"Kailangan ko ba talagang sumama? You said it's a family dinner. Hindi naman ako kasali sa pamilya niyo," alanganin kong sabi. Nag-aalangan ako. Hindi naman talaga ako parte ng pamilya nila. Kung si Lucas pwede pa pero ako, hinding-hindi.

"Ano ka ba. Magiging parte ka rin ng pamilya."

I doubt that. I don't think that will happen. Ina lang ako ng anak ni Luca. Iyon ang totoo. Noon pa lang wala na talagang namamagitan sa aming dalawa. We're not lovers, not couples or friends. And I can see that we're only fuck buddies.

Ang ganda ni Glen sa suot niya. It's a black long sleeves dress and turtle neck. Gaya rin ng pinasuot sa'kin noon ni Luca pero ang kanya ay hanggang sa itaas ng mga tuhod niya. Litaw na litaw ang kaputian niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niya at lalo pa ay hanggang balikat lang niya ang buhok niya. Bagsak ito at hindi nakatali.

Ang akin naman ay spaghetti silk fitted dress. Mas maraming balat ang kitang-kita sa akin kaysa kay Glen. Siguro na rin iyon ang gusto ng asawa niya. Kita ko rin kasing strikto si Lucan sa pananamit ni Glen gaya ni Luca.

Wala na akong pakialam sa sasabihin ni Luca. Alam kong magagalit siya at hindi ako papayagan but I like this dress more. Hanggang taas din siya ng mg ma tuhod ko dahil sa sobrang hapit ng dress. It's purple silk and I really like everything of it. Nakatali ang buhok ko pataas at hindi na kami nag-abalang maglagay ng make up. Dahil gaya rin ni Glen ay hindi mahilig sa paggamit nu'n.

"Sa tingin mo?"

"Oo naman. Sa tingin mo hahayan ka rin ni Luca na lumayo pa? Sooner or later he'll propose a wedding for you."

Ang una talagang sinabi niya ang alam kong totoo. Hindi naman na ako hahayaang makawala pa ni Luca pero ang pakasalan ako? No. Elme won't let it either. Ayaw na ayaw sa'kin ng ina ni Luca. At siguradong tutol siya sa kasal kung sakali man.

"Siguro nga." Bumuntong hininga ako bago huling tinignan ang sarili ko sa salamin. Nakabihis na rin ang mga bata dahil sila ang una naming binihisan bago kami.

Dumating kanina ang mga damit na gagamitin namin. Si Glen lahat ang umasikaso sa mga susuotin naming lahat. Hindi ko nga alam na nakapili na pala siya. I'm not complaining. Ang gwapo nga ng anak ko sa suot niya. Kung binata lang siguro ang anak ko.

"Tara na. Baka naghihintay na silang lahat sa baba. Tayo na lang ang hinihintay."

Bumaba na rin kami pagkatapos. I'm wearing a pair of heels with two inches high. Kay Glen ay gano'n din pero sa tingin ko ay mas mataas ang kanya.

Hindi pa man kami nakakababa ay dinig na namin ang malakas na boses ng mga bata. They are talking something I don't understand. Nakita agad ako ni Lucas nang makababa kami.

"You look gorgeous, tita Glen!" Natawa lamang si Glen sa sinabi ng anak. She really stunning honestly. "Wow, mommy! You look gorgeous too!"

Malakas ang boses ni Lucas at tumakbo pa talaga palapit sa'kin. Hindi ako nagdalawang isip na buhatin siya nang magpabuhat siya.

Abala na rin si Glen sa kambal niya at hindi ko makita kung nasaan ang dalawa. "Where's your daddy, Lucas?"

"They went outside for awhile, mommy," sagot ng anak ko. "Mom, you really look pretty tonight!"

Gigil niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi na ikinatuwa ko. My baby boy. "You look handsome too, baby."

"I know, mommy! Mana raw po ako kay daddy!"

Pinaningkitan ko siya ng tingin. "Kay daddy? Hindi ba sa'kin?"

"Said the twins, mommy. I look like daddy, tito and Cian."

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now