PROLOGUE

2.3K 40 1
                                    

Ngumiti ako sa lalaking kaharap ko bago inabot ang hawak kong bote ng alak.

"Enjoy po, Sir," ngumiti ulit ako bago akmang aalis na ng magsalita siya.

"Why don't you join us?" Tumingin ako sa kanilang lahat na nasa iisang table.

Apat silang nandito. 'Yung dalawang kasama niya ay may mga katable ng mga katrabaho ko rin at 'yung isa naman ay parang walang pakialam. Nakatutok lang sa telepono nito.

Wala namang problema sa'kin kung it-table niya ako. Hindi lang naman 'yon trabaho ko. Gwapo siya at halatang maraming pera. Sa tantsa ko ay mga nasa late twenties siya o early thirties. Wala naman kaso sa'kin 'yon. Sa ganitong klase ng trabaho, hindi ka na makakapili kapag pera na ang kailangan mo. Paramihan na lang ng customer sa isang gabi.

Ngumiti at tumango na lang ako bilang pagpayag. Umupo ako sa tabi niya at inakbayan naman niya ako. Inabotan niya ako ng beer na agad ko namang inabot.

Sanay na ako sa ganito. Mahigit tatlong taon na akong nagtatrabaho rito. Sa mahigit tatlong taong nagtatrabaho ako rito ay sanay na ako sa mga ganitong gawain. Inom. Table. Hotel o kaya isa sa mga kwarto rito sa bar.

Ngumingiti at peke akong natatawa sa mga kwento niya at mga kaibigan niya. Kapag magtatanong lang siya saka ko sasagutin.

Paunti-unti lang ang inom ko sa beer dahil alam kong madali akong malasing. Hindi na ako nakasabay sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang usapan nila.

"Let's go somewhere." Napatingin ako sa katabi ko na naakbay pa rin sa'kin.

Kahit hindi ako nakapag-aral nakakaintindi pa rin ako ng English. Sa mahigit tatlong taon ko rito, nasanay na akong puro English na salita ang naririnig ko. Kahit hindi gano'n kasikat ang bar na ito ay may pumupunta pa ring mayayaman. Karamihan mga empleyado ng kompanya at 'yung may mga degree. May mga businessman din naman pero kakaunti.

Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigan niya na abala na rin sa mga katable nila na naghahalikan at hipuan na. Hinawakan niya ako sa beywang para igaya sa labas.

Dumiretso kami sa parking lot kung saan ang sasakyan niya. Hindi ko alam ang mga klase ng brand ng sasakyan pero alam kong mamahalin ang kanya. Sa labas pa lang halatang mahal.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan sa harap. Nginitian ko lang siya bago niya isara ang pinto.

"How old are you?" tanong niya pagkapasok ng sasakyan.

Hindi niya muna ito pinaandar at humarap sa'kin. May itsura talaga siya. May mukha siya na kababaliwan talaga ng mga babae. 'Yung itsura niya na hindi mo aakalain na papatol sa mga kagaya ko. Kahit pa man gano'n, hindi ko siya type.

"Twenty-one."

"That young?" Tinanguan ko na lang siya.

"Ikaw ba?"

"I'm already thirty-two."

"That old?" Natatawa kong balik sa kanya na tinawanan na rin niya.

May mas mga matanda pa nga sa kanya na dumaan sa'kin kaya ayos lang. Nasa legal na rin naman akong edad.

Dinala niya ako sa isang motel na malapit lang sa bar na pinagtatrabahuan ko. Ang sunod kong alam ay nasa ibabaw ko na siya.

Pagod ako pagkagising ng umaga. Umalis na siya pagkatapos niya akong pakinabangan. Dito na ako natulog dahil binili niya lahat ng oras ko kagabi kaya siya lang naging customer ko.

Tamad akong bumangon at napabaling sa lamesang katabi lang ng kama. May sobreng puti doon na siguradong bayad 'yon kagabi.

Inayos ko ang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan bago inabot ang sobre. Halatang maraming laman sa lapad nito. Binuksan ko ito at binilang.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon