CHAPTER 25

1.2K 38 5
                                    

"Denise, come here!" Nagpapadyak ako sa inis.

Kapag may ginagawa siya at hindi ako nakikita ay lagi niya akong tinatawag. Hindi niya ako hinahayaang makawala sa mga mata niya. Tanga ba siya? Paano na ang pagtakas ko nito?

Hindi puwedeng magtagal ako rito. Walang gabing hindi niya ako ginalaw. At walang gabing hindi ko siya kinamuhian.

"Ano na naman?" naiiritang tanong ko.

Nasa laundry room siya ngayon. Siya ang naglalaba ng mga damit namin dahil hindi naman niya tinawagan ang katulong nilang naglalaba ng mga damit namin. Kaya siya ngayon ang gumawa.

Pati mga underwears ko ay siya ang naglalaba. Ano naman? Nakita na niya pati loob ko, mahihiya pa akong ipakita ang underwear ko? Nah.

"Come here," tinignan niya ako ng may panunuya.

"Anong gagawin ko diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag mong sabihing pati ako ay ilalaba mo?"

Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at maarteng sumandal sa pintuan ng laundry room. Nakasuot lang siya ng shorts na umabot sa mga tuhod niya at white sando.

Medyo basa na rin ang suot niyang pang-itaas na ikinagwapo niya sa paningin ko. Kahit na rin sa kahit sino. I don't compliment men that much but once I compliment, I mean it. I do appreciate others physical appearance pero hindi ko lang pinapahalata.

"You and your mouth," he said then smirked.

Tamad kong nirolyo ang mga mata ko. Sigurado akong tinawag niya lang ako dahil hindi ako mahagilap ng mga mata niya. Lagi siyang ganito simula noong binalak kong takasan siya. Kaya lagi na siyang nakabantay sa'kin.

Hindi ko nga alam kung nagtatrabaho pa ba siya o hindi. Halos magtatatlong buwan na ako rito mula noong kinausap niya ako sa offer niyang deal.

"Ano?"

Irita pa rin ako. Kahit wala akong ginagawa ay dinisturbo niya ang pag-iisip ko. I'm thinking how to get away from here.

Kung tatakas ako sa gabi dahil tulog siya, alam kong mahuhuli at mahuhuli niya ako. Alam niyang laging gabi ako gumagalaw. Kung tatakas naman ako ngayon habang hindi siya nakatingin sa'kin, mahahabol at mahahabol niya ako.

Isa rin sa mga iniisip ko ay hindi ako puwedeng umuwi ng apartment ko kapag nakatakas ako. Siguradong doon siya didiretso para hanapin ako.

Wala naman akong kaibigan na patutuluyan muna at wala rin akong alam na pupuntahan. Ayos na sana kapag dito na ako nanirahan pero binababoy naman niya ako rito.

Pero hindi rin ako dapat makipaglapit sa kahit na sino. That's when I thought of something.

I can call Mason. Sigurado naman akong tutulungan ako nu'n. Pero baka may kapalit 'yon knowing that guy. Hayok siya sa sex kaya 'yon din ang ayaw ko sa kanya. Parang Luca rin siya, gabi-gabing sex. Sila 'yung mga lalaking hindi napapagod.

He gestured his hand for me to come closer. "Come here."

"Ayoko nga. Sino ka ba?" mataray kong sambit.

Umirap ako at akma siyang tatalikuran. "Come on."

Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kusina. Malapit lang ang kusina sa laundry room dahil magkatabi lang sila.

Tamad akong umupo sa high stool at kumuha ng isang saging na nakaparada sa lamesa. Hindi niya ako sinundan pero minu-minuto niya akong sinisilip dito sa kusina.

Ano ba naman niyan. See? Sinong gustong mamuhay ng ganito? Minu-minutong may nakamasid sa'yo. My gosh.

"Will you stop peeking at me?" Padabog kong binaba ang kinakain kong saging at inis siyang hinarap nang mahuli kong sinilip ulit ako.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon