CHAPTER 30

1.6K 49 17
                                    

"Denise, sa room 12 ka," saad ni Aleah.

Tumango na ako at naghanda para sa unang customer ko. Hindi ko alam kung ilang tao ang nandoon. Basta sasayaw lang ako. Walang halong extra service.

Naglakad na ako papuntang room 12 kung saan ako nakatuka. Dala-dala ko ang bagong phone ko. Mason bought this when he noticed I don't have one. Hindi na raw ako kailangang magdala ng speaker dahil nandoon na rin sa loob ng room. Ikokonek ko na lang.

Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay halos tumakbo ako palabas.

Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ba't nandito sila? Tangina.

Nakatitig din sila sa'kin at halata ang gulat sa mga mukha nila. Tatlo lang sila sa loob. I thought sa kabilang club sila tunatambay? Ba't sila nandito?!

Humigpit ang kapit ko sa doorknob. Ramdam kong hinahagod nila ako ng tingin at hindi pa rin mawala ang gulat sa mga mata nila. Maliban na lang kay Ezekiel na walang pakialam. Instead of getting shocked, he's fucking smirking.

What the fuck? Hindi naman nila sasabihin kay Luca, 'no? At sinong niloloko ko? Malamang sasabihin nila kay Luca na nandito ako.

"Denise, you're the stripper?" pilit ngiting tanong ni Hez.

Hindi pa rin mawala ang gulat sa mukha ni Lyte at si Ezekiel naman ay nakangisi lang. Kakaiba ang ngisi niyang iyon. Pakiramdam ko binabasa niya ako at parang alam niya ang susunod na mangyayari.

Nanginginig ang mga kamay ko pero hindi ko pinahalata iyon sa kanila. Unti-unti akong tumango.

"Damn. Lagot tayo kay Luca nito," bulong ni Lyte na parang problemado. Hindi maipinta ang mukha niya sa taranta.

Kalmado lang ang dalawa pero medyo may kakaiba sa mukha ni Hez. Parang nag-aalala siya na ano.

"Sinabi mo pa," sang-ayon naman ni Hezekiah.

"Then don't tell him," sa wakas ay nasabi ko. Tumitig sila sa'kin na parang nag-iisip.

Walang sinabi si Ezekiel pero ramdam ko ang titig niya sa'kin.

Nagtinginan sila at parang nag-uusap gamit ang mga mata. Sa huli ay bumuntong hininga si Hezekiah.

"Okay. We won't tell him. Alam ba niya na nandito ka?" dahan-dahang tanong ni Lyte na parang iniisip ang bawat sinasabi.

"Malamang hindi. Maghahanap ba 'yon kung oo? Tanga mo rin Lyte," pambabara sa kanya ni Hezekiah.

So he's still looking for me? Kung gano'n kailangan ko na munang umalis dito. Wala akong tiwala sa kanila.

"Why don't you come in?" Napatingin ako kay Ezekiel nang magsalita ito. "Come on. We won't tell him."

Nagdadalawang isip man ay pinili kong pumasok at umupo sa isang couch na nakapalibot sa pabilog na lamesa.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at hindi alam ang sasabihin. Hindi ko nga alam kung sasayaw pa ba ako. Nauna na ang bayad nila kaya siguro kailangan kong gawin ang trabaho ko.

"Are hiding from Luca?" hindi ko muna sinagot ang tanong ni Hezekiah at malalim na huminga.

"Obviously, yes. So don't fucking tell him."

"Okay, okay. He's been looking for you for two days," saad ni Lyte.

Tahimik lang si Ezekiel sa gilid pero alam kong pinakatititigan niya ako. Hindi ako tumingin sa kanila.

Sumandal ako sa sandalan ng couch na kinauupuan ko at tumingala sa kisame. Why am I here? I don't even trust each one of them. Paano kung sinabi na pala nila kay Luca? Hindi ko na alam kapag nalaman ni Luca na nandito ako.

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now