CHAPTER 56

158 5 0
                                    

Nagising ako kinabukasan na masakit ang katawan. Si Luca, hindi ako tinigilan kagabi. Noong madaling araw na saka pa ako hinayaang matulog. Nakita rin niya ang pagod ko kagabi kaya siguro pinatulog na ako.

Bumangon ako at nakitang wala na si Luca sa tabi ko. Nang tignan ko ang orasan na nakasabit sa pader ay saka ko lang nakitang late na akong nagising. Tumayo ako at umalis mula sa kama para makapag-ayos na. Baka maabutan ako ng anak kong ganito ang ayos.

Naligo muna ako kahit masakit pa ang katawan ko. Nang matapos akong maligo ay saka ko lang naalalang wala pala akong damit. Napapikit ako ng mariin sa inis. Wala akong damit. At 'yung dala namin ni Luca kagabi ay mga gamit niya 'yon. Isang pares lang ang damit ko doon at ginamit ko na kahapon.

Inis pa rin akong lumabas suot ang bath robe ni Luca. Wala akong pantakip, e. Naghanap ako ng damit sa closet niya at nakitang may mga damit pambabae. Nagtaka ako. May dinadala ba siyang babae rito? At meron ding mga malalaswang damit. Bakit nandito ang mga ito rito?

Inis akong kumuha na lang doon. Hindi na ako namili, basta na lang akong naghila mula roon. Wala akong pakialam kung walang permiso niya o ng babaeng may-ari nito. Wala akong isusuot.

Naghanap na rin ako ng underwear at nakitang may bago pa. Wow. Kabibili lang ba niya 'to. Naghila na rin ako ng panty at hindi na nag-abala sa bra. Nakita na rin niya naman 'to. Sinipsip pa nga niya.

Hindi na ako nag-abalang tignan ang sarili ko sa salamin. Alam ko naman ang itsura ko. Pero ang ganda ng damit, a. Ba't noong nasa condo ako ni Luca noon ay ang papangit ang binibili niya para sa'kin?

I rolled my eyes. Who cares. Hindi pa ako nakakarating sa kusina ay dinig ko na ang usapan ni Luca at Lucas.

"Dad, bakit hindi pa po gising si mom? Did something happened?" Napangiti ako sa boses ng anak ko. I really love hearing his cute voice.

"She's tired from last night, Lucas. You know, she enjoyed my company so much."

Nagtagis ang bagang ko. Ako pa talaga ang nag-enjoy? Ang kapal talaga ng mukha ng gagong 'to.

"Tired po? She enjoyed you so much po?"

"Yes, buddy. So don't disturb your mom in the morning, okay? Lagi siyang mapapagod sa gabi," he really said that to my son?

Hindi na ako nakatiis at pumasok sa kusina. Nakuha ko ang atensyon nilang dalawa sa pagpasok ko.

"Good morning, mom!" Naglakad ako palapit sa anak ko at nginitian siya. Binigyan ko siyang ng matagal na halik sa noo at nang ngumuso at natawa na ako. He always wants me to kiss him on the lips.

Pinagbigyan ko siya at hinalikan sa labi. Ngumiti siya ng malawak sa'kin bago tinuon ang atensyon sa kinakaing manok. Tumingin ako kay Luca na nakatitig sa'kin na parang my hinihintay.

"What?" mataray kong tanong.

"Where's my morning kiss?" he asked. At sino siya para halikan ko? Gosh. Kahit kailan talaga ang kapal ng mukga niya.

"And who are you again?"

"Your son's father."

"Exactly. You're not my husband nor boyfriend." Ngumuso siya at tumingin kay Luca na nakatitig na sa amin.

Nagbaba ako ng tingin kay Lucas na diretso rin ang tingin sa'kin. "Mommy, why don't you give daddy a kiss?"

At kailan ulit niya nalamang ama niya si Luca. Tumalim ang tingin ko kay Luca nang bumaling sa kanya. Lumapit ako sa kanya para bigyan din ng halik. I don't want my son to get curious.

Tumingkayad ako para maabot ang labi niya pero siya na mismo ang nagbaba ng sarili para mahalikan ako. Naglapat ang mga labi namin at nang subukan kong lumayo ay hinapit niya ako sa baywang at pinalalim ang halik sa'kin. He bit my lower lip ang lightly sucked it. Dinilaan pa niya ang labi ko bago ako pakawalan.

LOVING THE PROSTITUTE #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon