CHAPTER 12

1.3K 47 5
                                    

Padabog akong naglalakad pababa ng hagdan. It's already three hell days pero nandito pa rin ako! And the clothes I asked him never came.

Mga baduy na damit ang mga pinabili niya. Kung ikukulong naman sana niya ako ay dapat ibigay niya yung gusto ko para ganahan akong tumira rito.

"Anong pagkain? Gutom na ako." bungad ko pagkapasok sa kusina niya.

Kinulong niya ako kaya magtiis siya kung ganito ko siya itrato.

Nagluluto siya nang maabutan ko sa kusina. Hindi siya sumagot pero nilingon lang ako na masama ang tingin.

Oh, problema nito?

Ako siguro.

Gosh. It's been three days. Three days of hell for the both of us. Lagi ko siyang kinukulit at inaaway pero hindi naman siya nagagalit. Naiinis, oo.

Noong nakaraang araw pa nga ay nagkalat ako sa buong kusina para galitin siya pero sinamaan niya lang ako ng tingin at niligpit ang kalat ko. Pangungulit at pang-aasar ay ginawa ko na pero kalamado lang siya. Sa pang-aakit lang talaga hindi.

Well, hindi ko na rin siya inakit pa dahil sa ginawa sa huling pang-aakit ko sa kanya. Sa totoo lang, may advantage rin sa'kin ang paninirahan ko rito. Libre ang lahat. Pagkain, tulugan at lahat na. Ayos na rin ito para hindi na ako magtrabaho pero mas gusto ko pa ring lumabas at gumala. Ayos lang naman sa kanya 'yon pero kailangang kasama ko raw siya.

Kahapon nga lumabas kami para kumain. Sinubukan ko na ring tumakas pero hindi ko nagawa dahil ang higpit niya. Wala na akong nagawa.

Kailangan ko sigurong ipakitang wala na akong balak tumakas pa para hindi na niya isipin 'yon at kapag naniwala siyang hindi na ako tatakas ay saka ko gagawin.

Enjoyin ko muna ang paninirahan dito. Wala nga akong ginagawa rito, e. Paghuhugas ng pinggan ay siya ang gumagawa. At every three days ay may dumarating para maglinis at maglaba ng mga damit.

Sinabi ni Luca na kasambahay daw nila ang taga linis dito kada tatlong araw. Siya na rin ang naglaba ng mga damit ko kaya wala akong ginagawa rito.

Para akong senyorita rito. Kung ganito sana yung buhay ko, edi sana masaya ako. Pinilig ko ang ulo ko para walang maalala sa nakaraan.

"Ano 'yan?"

Dumugaw ako mula sa likod niya. Matangkad siya kaya kailangan kong itihaya ang mga paa ko para makita ang niluluto niya.

"Just sit and wait."

Bigla siyang lumingon kaya halos maglapat ang mga labi namin.

Tinaasan ko siya ng kilay para ipahiwatig na hindi ako naapektuhan sa lapit naming dalawa. Umiling-iling lang siya bago binalik ang atensyon sa niluluto.

Nagkibit balikat lang ako at kumapit pa sa braso niya para supurtahan ang bigat ko. Wala naman siyang sinabi tungkol doon.

"Saan mo natutong magluto?"

"My mother used to teach us how to cook." seryosong sagot niya.

Binitawan ko ang pagkakakapit sa kanya at lumayo nang kaunti. Sumandal ako malapit sa lababo.

"Hindi ko tinatanong."

He looked at me with a what-the-fuck look. Tinanong ko naman talaga 'yon. Whatever. It's my way to annoy him.

"You're really something, woman."

"You're really something either." balik kong salita sa kanya.

"Don't start again, Denise. Stop annoying me." may pagbabantang sabi niya.

LOVING THE PROSTITUTE #1Where stories live. Discover now