Nag ayos lang ako ng sarili ko para mag handa sa therapy session ng mga bata.

Handa akong isantabi kung ano man tong hindi malaman na nararamdaman ko para sa mga batang to. I will do anything just to make their life comfortable.

Tapos na ang session ko at wala pa din ako gana kumain ng lunch. I just drink coffee pag dating ng lunch.

Papunta kami sa site ni Russel sa batangas. Tahimik lang ako buong byahe kahit na madaming kwento si Russel. Parang wala ako naririnig sa mga sinasabi niya. Basta alam ko lang it hurts and I don't even know the fucking reason why.

Sinalubong kami ni Ryden sa site. Pero wala din ako sa mood na mamansin. Gusto ko na lang matapos to at umuwe na.

Tumingin sakin si Ryden ng may pag aalala pero umiwas na lang ako ng tingin. Hinayaan ko na sila ni Russel ang mag usap.

Nakaupo lang ako ngayon dito sa bench sa ilalim ng puno ng mag vibrate ang phone ko.

1 message receive from Ryden

"Galit ka ba?"

Tumingin lang ako sa kanya at nakitang naka tingin siya. Umiling lang ako at saka tumingin ulit sa malayo.

"Ash tara na okay na, ako na lang mag bigay ng feedback kay Sir Travis"

Tumayo na ko at nag lakad na para pumunta sa sasakyan ko. Nakita ko si Ryden na naka tayo malapit sa sasakyan ko may dalang back pack at mga blueprint.

Tumingin ako sa paligid at hinanap kung may dala siyang sasakyan. Napailing na lang ako ng hindi ko makita ang sasakyan niya.

"Sabay kana" sabi ko kay Ryden. Hinagis ko sa kanya ang susi ng sasakyan para siya na mag drive.

Sumakay ako sa likod at hinayaan si Russel na umupo sa shotgun.

"Engr. Drive thru tayo. Hindi pa kasi nakain si Ash e." rinig kong sinabi ni Russel.

"Wag na." sabi ko kay Ryden.

Pero 'di nakinig si Ryden at dumiretso pa din at nag drive thru. Siya na din ang nag order at bumili din sila ng kanila.

Tumigil sila sa parking para makakain ng ayos. Inabot nila sakin yun at walang gana ko kinuha yun. Hawak ko lang yun habang sila kumakain na.

"Kumain ka. Sayang naman" kinuha ni Ryden yung burger na hawak ko at binuksan yun bago ibalik sakin ulit.

Lumabas si Russel ng sasakyan at pumunta sa pinaka malapit na convenience store. Pag balik niya inabot niya sakin ang isang container ng Stick-O.

"Para sumaya kana, di ba paborito mo yan"

Bigla na naman tumulo yung luha ko dahil na touch ako sa effort nilang dalawa. Pakiramdam ko sobrang halaga kong tao.

"Ash, bakit ka na naman umiiyak?" tanong sakin ni Russel. Habang gulat na nakatingin din sakin si Ryden. Halata ang pagaalala sa kanilang dalawa.

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanila sabay kagat ng burger.

"Thank you sa inyong dalawa."

Nag drive na ulit si Ryden nung nakita niya ko na kumakain na. Binaba na lang namin si Russel sa sakayan niya pauwe.

"Ash, Engr. Ingat kayo. Call ka Ashley if you need me."

"Ingat din" sagot naman ni Ryden.

Inalok ko si Ryden na ako na mag drive pauwe, pero nag insist siya na siya na lang daw.

"May gusto sana ko puntahan e."

"Turo mo lang sakin yung daan. Sasamahan kita."

I'm coming to see you, just wait for me..

Habang nasa byahe kami bigla ko naalala ang lahat ng klase ng pain which I experience in the past. All my fears are coming back all at once. The memories of my crying nights. The feeling of being alone. The sleepless night. I want it to stop but I can't.

I heard Ryden calling my name and in just a snap I'm back in the reality. Hindi ko man lang naramdaman na tumigil kami sa gilid ng daan. I didn't even realize that my hands is trembling and tears keep falling.

I saw Ryden hands holding my hands to stop it for trembling. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya. Tatlong beses akong huminga ng malalim bago alisin ang kamay niya na nakahawak sa mga kamay ko.

"Okay na ko. You want me to drive now?" I give him a smile.

"In your dreams, your trembling and crying out for pete sake! Tapos sasabihin mo na okay ka? Siguro maloloko mo yung iba, maloloko mo sarili mo but not me Ashley. If you don't want to talk about it, fine but don't tell me your okay kahit na hindi naman. Hindi ako pinanganak kahapon. When you're ready to talk about it. I'm just one call away, always remember that."

Tumahimik na lang ako kasi tama naman siya. I always say that I'm okay even if it's not. I'm trying to deceive myself baka sakali na maging okay na talaga ko.

Lahat ata ng sabihin sakin ni Ryden somehow it gives me comfort. A comfort na hindi ko mabigay sa sarili ko.

Unseen BattleWhere stories live. Discover now