Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 13

"Oh! You're excellent at cooking huh?"

Pagpuri ni Yuan habang humihigop ng sabaw sa sopas. Proud namang ngumiti ang dalagang si Syrine at nagsalita.

"Wala kang bilib sa luto ko eh!"

"Kain na. Paula eat here too."

Gulat na napatingin si Paula sa gawi nila ngunit agad din naman natawa nang hilahin na sya ni Syrine.

"Ano ka ba! blessing na yan oh! Tara na kain na tayo!" Aya ni Syrine dito kaya't umupo na din ito.

Tahimik at natutuwa silang kumakain nang biglang may tunog na umalingawngaw sa kusina.

"Tut-tut tut-tut" tunog nang isang nokia tone.

"Ay! Naiwan ko pala sa taas ng ref cellphone ko!" Sigaw ni Syrine at tumayo para puntahan ang cellphone, at nagpindot pindot doon.

Gulat na napatingin ang binata sa nakita nya.

"You....you're still using that--nokia keypad?!"

Nagtataka naman ang dalaga at tinanguan ang binata.

"Oo naman, couple kaya kami ni Nanay dito! Buy 1 take 1 kasi to kaya binili ko na" Nakangiting saad ng dalaga. Hindi naman mapinta ni Paula ang mukha nya dahil sa pinipigilang tawa.

Animo'y nasamid naman ang binata nang marinig ang sinambit ni Syrine.

"B-buy 1 take 1?!"

"Aish! Ang arte mo naman! Ikaw ba gumagamit?!"

"I-I just found it...weird since you can't even use facebook there"

"Sino may sabing nagfefacebook ako?"

"You're not using facebook either?! What kind of human are you? Are you from the past?!"

"Aba! Eh sa wala akong facebook eh! Ano bang problema don?! Tse!--ay tsaka nga pala aalis ako ngayon Master, mamaya ko na isasampay yung mga nilabhan kong di natuyo, pag balik ko"

"Wow, bakit nag Master ka pa? And where are you going? What time you'll be ba--"

"Hep hep hep! At bakeeet? Ano ba kita? Nanay? Anong mga tanungan yan ha, daig mo pa jowa ah"

Sinamaan naman sya ng tingin ni Yuan at tumigil na sa pagkain.

"You're my Personal Yaya. So I will need you everytime. You're not a boss here! If you want to go outside, ask for my permission! Stubborn!"

"E-edi sorry na sorry na, valid naman reason ko kaya alam kong papayag ka hehehe"

"So what's that valid reason?"

"Nagtext na yung admin sa isang University kung san nag-entrance exam ko, nasa bulletin board na daw nila yung mga nakapasa!" Sigaw ni Syrine nang nagniningning pa ang mata.

Tamad naman itong tinignan ni Yuan.

"Then...?"

"Malay mo pasok ako! Edi makakatapak na'ko sa sosyaling University na yon....magiging Alejandrean na din ako pag nagkataon--Paula!" Sigaw ulit ni Syrine sa sobrang tuwa na para bang pasado na ito.

Ang Yaya Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon