Ang yaya kong siga

2 0 0
                                    

CONTINUATION OF CHAPTER 12

"Ano nga pala'ng almusal ang lulutuin mo?"
Tanong ni Paula dito pagkalapit ng dalaga.

"Ah ayun ba, ano bang madalas kinakain ng laging wala sa mood nyong amo?"

"Say say ka talaga hahahaha, dati nagsasangag si Nanay Sarah tsaka mga prito"

"Ahh....mag sopas tayo!" Masayang sigaw ni Syrine dito. Natuwa naman si Paula at tumango tango.

"Sige! Alam mo ba paborito ko ang-- s-sorry hehe p-pero okay lang ba manghingi--"

"Ano ka ba! Ipagluluto ko lahat! Patulong nalang akong maghanap ng malaking kasirola, anong oras na ba? Kaya pa naman siguro sa almusal no?"

"Oo 5:30 palang na--"

"5:30?!! I-ibig sabihin......"

'H-hindi nga talaga nakatulog ng maayos si Yuan?!!'

Hindi kasi kita ang araw sa loob ng bahay kung kaya't walang kamalay malay si Syrine na maaga pa pala.

"E-edi tulog pa din yung iba?"

"Gising na, at kanya kanya na silang linis....."

"A-ako ang huling nagising?!" Ngumungusong tanong nito.

"Pero ikaw naman ang magluluto samin diba? Kaya malaki din ang tulong mo!" Pagpapagaan ng loob ni Paula kay Syrine kaya natuwa nadin ang dalaga.

"Sige! Tara na!"

At masaya silang kumilos.

-----------

"TAPOS NAAAAAAAAAA"

"ANG SARAP SAY-SAY! MANA KA TALAGA KAY NANAY SARAH!"

"E-ENEBE EKE LENG TE PARANG TENGE"

Maingay na pag uusap ng dalawa nang matapos na nila ang pagluluto ng agahan na sopas.

"Anong oras na Paula?"

"6:35am palang pwede pa natin bigyan yung iba sa kanya kanya nilang kwarto"

"B-bibigyan natin sila sa kanya kanya nilang kwarto?! Bat di sila bumaba? Pati ba naman sila dapat pagsilbihan?" Nakangunot na tanong nito kay Paula.

Napakamot naman sa ulo si Paula at di makatingin sa dalaga.

"Ah eh kasi....."

"Ano yang pinag iingayan nyo at parang walang ibang tao rito kung hindi kayo?"

Isang maawtoridad na matandang babae ang lumabas mula sa sala na nakasuot na pangkatulong.

"Hi po! Nagluto kami ng sopas para sa lahat! Dito po kuha na kayo!" Pag aanyaya ni Syrine sa matandang babae na nakatayo lang sa harap nito at nakataas ang kilay sakanya.

"Mukhang hindi mo pa 'ko kilala, nakalimutan mo ata akong ipakilala Paula? Bigyan nyo na yung anak ko at mga ibang katulong sa taas! bago pa ko mapikon sainyo"

"A-ah s-sorry po" Napayukong sabi ni Paula at maglalagay na ng sopas sa lalagyanan. Nagtataka namang tumingin si Syrine sa dalawa at pinigilan si Paula.

"Bakit? Sino ho ba kayo?"

"Ako lang naman ang pinaka mataas sa mga katulong. Ako--"

"Mayor-doma ho ba? Eh ano naman ho?" Nagsimula nang maging sarkastika ang dalaga nang mapansing tinataas taasan sya nito ng kilay at sinusungitan.

"Hah! Tama nga ang anak ko. Bastos ka. Tignan ko kung hindi ka magtanda kapag ginawa ko to--"

Akmang huhugutin na nito ang buhok ni Syrine nang isinangga na agad ng dalaga ang braso nya. Kaya gulat at galit na napatingin sakanya ang matanda.

"Sa pagkakaalam ko ho kasi, si YUAN ang amo ko, amo ni Paula, amo natin. At hindi kayo. Kaya kung sino man may karapatang parusahan kami o utusan kami. Si Yuan yon. Hindi ang tulad kong kasambahay lang din." Madiin na sambit ni Syrine dito.

"Hindi ako basta lang katulong dito! Malaki na ang naitulong ko sa amo namin! Kaya't ako ang namamahala sainyo! Kaya kung ayaw mong sumunod--"

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now