Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 2

Pagpasok ay sumalubong sakanya ang napakalamig na hangin ng aircon,napaisipnalang ito at napasabing

'Mall ba'to?' 

Napayakap ito sa sarili at tumingin tingin sa kalooban ng bahay.Malinis,maluwa­­g,at napaka ayos ng pagkakalagay ng bawat gamit. Hindi na ito naglibot pa at dumiretso nalang sa kusina.

"Nay?! Naaaay?!" Pagtawag nito sa nanay nya na para bang kanya ang bahay. Pagkapasok sa tinurang kusina ay bigla nalang may bumatok dito kaya namang napadaing agad ito sa sakit,ngunit kilala na agad nito ang salarin.

"Aray ha nay?! Kayo na nga ang hinahanap,kayo pa galit!" Nakangusong sabi nito habang hinihimas himas ang batok. 

"Anong kayo kayo diyan ha? Wag kang sigaw ng sigaw rito at hindi ito bahay natin! Hindi lang tayo ang nandidito" Mahina ngunit madiin na sabi ng nanay nya.

"Ha?! N-nandito ang amo nyo?!" Sigaw na pabulong ni Say. Babatukan sana ulit ito ng nanay ngunit isinangga na nya ang braso at inis na tinignan ang ina. "Oh! Makakailan ka naman nay ha!"

"Batang ito talaga! Wala dito ang amo namin pero nandito ang katulad kong mga katulong! Baka kung anong isipin kapag narinig yang boses mong mala wangwang! Baka akala ay may sunog na" Pagsasalita ng nanay nya. 

"Malay ko bang ganun ka OA mga tao dito" Bulong at nakangusong sabi ng dalaga.

"Aba't mangangatwiran pa!" Babatukan nanaman itong muli ng biglang may sumigaw.

"Nay!" Napagitlag sila sa sigaw ng isang kasambahay rin. "Nay anong nangyayari?! May magnanakaw ba?! Nandyan na si ser?! Asan--"

Nahinto ito sa pagkataranta ng makita ang gulat na dalaga at ina. Yumuko ito bigla at nahihiyang nanghingi ng pasensya. "N-nay...h-hindi nyo po sinabing m-may b-bisita s-si ser yuan..."

Mahina ngunit rinig ni say-say ang sinabing ito ng kapwa kasambahay ng ina.Mas bata ito kumpara sa nanay nya,parang iilang taon lang ang agwat nilang dalawa dahil sa kutis nitong maganda ganda pa. "Ano bang pinagsasabi mo riyan paula,anak ko iyan"

Sabi ng nanay ni say kaya naman gulat na gulat ang nagngangalang paula. "H-ho? A-anak n-nyo po itong magandang babae?" Manghang-manghang sabi ni paula.

Nagpameywang ang ina,habang lumolobo naman ang pisngi ni say-say dahil sa pinipigilang pagtawa.

"Aba'y anong akala mo saakin walang lahing kagandahan ha? Bastos na batang ito" Doon na nagsimulang tumawa ng tumawa ang dalaga.

Napailing naman si paula at namamangha pa din dahil sa sinabi nito.

"Akala ko kasi bisita ni ser Yuan" Kamot ulong sabi ni Paula. "Sino yun? Amo nyo?" Tanong naman ni say-say at tumigil na sa pagtawa.

"Oho,masungit yun sa lahat maliban lang kay nanay Syra.Sya kasi ang nag aasikaso doon mula nung nagtrabaho sya dito,kaya kilala na nila ang isa't isa" Mahabang lintanya ng dalaga kay say-say kaya naman napataas ng kilay ang anak at napatingin sa ina.

"Hoy nay! Baka naman pinagpapantasyahan nyo na ang amo nyo ha?! Ayoko na ng tatay sinasabi ko sayo nay!" Sabi ni say-say habang pinaliliit pa ang mga mata. Kaya naman sinamaan sya ng tingin ng ina.

"Hoy Sayren lab! Hindi ako napatol sa mas bata saakin kaya't yang isip linis-linis mo! Kasing edad mo lang ang amo ko!" Sabi ng nanay nya.

Ngunit bigla naman napapadyak ito.

"Nay! Syrine love hindi Sayren lab!" Pagmamaktol ng dalaga sa ina. Natawa nalang ang kasama nilang si Paula dahil sa sagutan ng dalawa --Ngunit nahinto ang lahat ng ito dahil sa isang kalabog.

Ang Yaya Kong SigaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon