Ang yaya kong siga

1 0 0
                                    

CHAPTER 3

Mabilis na nagtago si Syrine nang marinig ang kalabog, upang hindi sya makita ng pumasok sa loob.

Dali-dali din namang lumabas mula sa kusina ang dalawang kasambahay, upang tignan ang kumalabog.

"Oh Yuan, anong nangyari?" Sabi ng Nanay ni Syrine na si Nanay Sarah.

Nakapamulsa namang tinignan ni Yuan ang paligid at nagsalita.

"Who owns that smell? Didn't I said before that I don't want any girls's perfume, mama?!!" Inis na sigaw ni Yuan ng maamoy ang pabango pambabae.

'Wow sumasapaw, anong mama ka jan?!'

Sigaw ng isip ni Syrine habang nakanguso.

"H-ha? hindi naman namin naaamoy, anong pabango ba iyon?" Nagtatakang tanong ni Nanay Sarah.

"I-It's s-sweet, sweet strawberries--Argh! Paula! Did you spray some perfume?! Are you seducing someone here?! Are you seducing me or what?!" Galit na pasigaw nito kay Paula, kaya naman napaatras ang dalaga at mabilis na nangilid ang luha.

"H-hindi po Ser, w-wala ho akong ganoong pabango at h-hindi ho ako nagpapabangi rito" Mabilis na pagdepensa sa sarili habang pinipigilan ang luha.

'G*go amp*ta, para pabango lang eh. Akin yon t*nga!'

Sigaw nanaman ng isip ni Syrine habang pinapakinggan ang scenario sa sala.

"Nasan ang ibang maids, papuntahin nyo lahat dito, even the gardener. In 5 seconds! If one of them changed their clothes immediately, I'm gonna fire you Paula and the one who changed clothes." Seryoso at madiin na sigaw ng binata.

Kaya naman, hindi pa tinatawag ng katulong ang mga kasama, ay tumakbo na sila papunta sa sala at nanginginig na tumayo ng diretso.

'Napakaarte naman ng lalaking 'to, para pabango lang. Pero pamilyar yung boses ha, san ko ba narinig yon?'

Ngumisi ng napipikon si Yuan, at matalim na nilapitan ang mga katulong.

"You! Get out."

"Get out now.

"Get out."

"Get out."

Sabi nito tuwing tinatapatan ang bawat isa sa kaniyang mga katulong. Si Paula naman na ang sumunod.

Tinitignan nya ito ng matalim at dahan dahang pumikit, tsaka idinilat ang mata na para bang kakainin ng buhay si Paula.

"Get your things, out of my house. You're fired."

Sabay tinalikuran ang mga kasambahay, at umakyat na sa hagdan.

Dahil sa nangyari at narinig ni Syrine, hindi na nito napigilan ang sarili at lumabas na sa kusina.

Nanggagalaiti itong lumabas at sumugod sa sala. Gulat namang sinenyasan ng ina ang anak, at pilit pinababalik sa kusina.Hindi naman kinalimutan ng dalaga na dumampot ng mansanas sa lamesa.

Akmang ibabato na ni Syrine ang hawak nya, ngunit bigla nalang humarap ang binata at laking gulat naman nilang dalawa nang magtama ang mga mata nila.

"Ikaw?!" Sabay nilang sigaw sa isa't isa.

Ang Yaya Kong SigaWhere stories live. Discover now